Chapter 15

9 1 0
                                    


Para akong lantang gulay na bumagsak sa kama pagdating ko sa dorm. Isama mo pa yung pawis sa mukha at gulong-gulo kong buhok. Kung may makakakita lang sa hitsura ko ngayon, paniguradong aakalain nilang ginahasa ako.

Si Samantha? Ayun, 6:30 na dumating pero wala namang ginawa kundi mag-inarte at utos-utusan ako. Abot-langit ang pagpipigil ko kanina sa kanya pero minabuti kong manahimik at worth it naman dahil dumating ang headmistress at naabutan niya si Samantha na panay tipa lang sa cellphone niya at nakaupo pa sa mesa.

Hindi na pinalampas pa ni Mrs. Wormwood iyon kaya dinala kaagad siya sa detention room with one week suspension. Oh diba, ang tindi ng punishment.

Akala niya siguro madadala niya sa pera ang mga tao dito.

But anyway, okay na yun. Bahala na siya sa buhay niya. Ang gusto ko lang ngayon ay makapagpahinga dahil naubos yata ang lahat ng enerhiya ko sa katawan. Ikaw ba naman ang maglinis ng buong library.

"Yuri!" rinig kong sigaw mula sa labas.

Napabalikwas kaagad ako ng bangon upang buksan ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Abigail. Hinihingal pa ito.

"Saan ka galing? Ba't ganyan itsura mo?" tanong ko sa kanya.

"P-papasukin mo muna ako." sabi niya habang nakakapit ang dalawang kamay sa hamba ng pinto.

Gaya ng sinabi niya, pinapasok ko siya sa loob at pinainom ng tubig. Ilang segundo lang ay naging kalmado na siya.

"Ano ba kasing nangyari?"

Nakita ko siyang lumunok bago nagsalita. "Sinundan ko si Troy Alvarez,"

"Tapos?"

"Nakita ko siyang pumasok sa isang lumang library, sa dulo ng pasilyo malapit sa Laterria Building."

Bigla kong naalala ang araw na sinundan ko si Troy at doon ko siya nakita mismo sa eksaktong lokasiyon na sinasabi ni Abigail.

Mas lalo akong lumapit kay Abi, nagiging interesado sa mga sunod niyang sasabihin.

"May sikretong daan, Yuri." hinawakan niya ang kamay ko at mariing tumingin sa'kin.

"Anong nakita mo?"

"Isa palang tunnel yun pero hindi ko alam kung saan papunta. Sinundan ko si Troy, pumasok din ako at maraming armadong lalaki na naka-uniporme ng itim."

"Tapos?"

Unti-unti akong nilukob ng kaba.

"Unti-unting lumabas ang isang lalaki mula sa dilim. Nagulat ako at napaatras kaya nasagi ko ang basurahan sa tabi ko tapos yun... hinabol na nila ako." huminga siya ng malalim.

"Mabuti nalang maraming studyante ang nagsilabasan kanina sa mga classrooms kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na itago ang sarili ko."

"Jusko naman, Abi. Muntik ka na do'n. Teka, kilala mo ba kung sino yung lalaki?"

Tumango si Abi. "Si Mr. Alvarez."

Napasinghap ako. "Ibig sabihin... "

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil tuluyan nang nilukob ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng ama ni Troy sa lugar na yun pero sigurado akong isa din siya sa mga taong hinahanap ko.

Si Mr. Alvarez ay naging kasosyo ni papa noon sa negosyo pero sa hindi malamang dahilan, pinutol niya ang partnership nila. Kailanma'y hindi ko nakita ang mukha niya.

Tsk. Magagaling nga talaga silang magtago.

"Yuri, meron pa akong nalaman tungkol sa kanila."

Napalingon akong muli kay Abi. "Ano yun?"

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now