Chapter 5

10 2 0
                                    


Shit.

Nataranta agad ako at pinagpawisan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kinakabahan ako.

Nandiyan si Mr. President sa labas ng pinto ko! Paano niya naman nalaman ang room ko? Stalker ba siya?

Humarap ako sa salamin para tingnan kung maayos pa ba ang itsura ko. Hindi pa ako nakakapagbihis simula kanina kaya sumimangot ako sa salamin nang makita kong puro pawis ang mukha ko.

Ano bang meron sa president na 'yan? Bakit naman ako kakabahan?

Sinuklay ko lang ng maayos ang buhok ko at pinunasan ang pawis sa noo. Agad akong tumakbo papunta sa may pinto at pagbukas ko nandoon na nga ang taong palagay ko'y kanina pa naghihintay sa'kin. Nakatalikod at napapatingin sa kanyang relo. Laking gulat ko nang humarap siya sa'kin.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. As in siya? Siya talaga si Mr. President?

"I've waited for five minutes. What took you so long?" buong-buo ang kanyang boses habang nakakunot ang noo sa'kin.

Ibang-iba sa malokong Gio na nakasalamuha ko noong mga nakaraang araw. I can feel the authority and firmness of his voice like a boss scolding his secretary.

"Uhm.... N-Nag-cr lang k-kaya natagalan ako. I'm sorry." napayuko ako. I just freaking stammered! What's with Gio now? Why do I feel so nervous in front of him?

Kaninang umaga umaapaw yung confident kong lapitan siya at may pabulong-bulong pa akong nalalaman tapos ngayon para akong tuta na nagpapaawa sa harap ng amo ko. I feel so small right now. Huhu.

Nakita kong iniabot niya sa'kin ang sandamakmak na mga papel. Napangiwi ako sa bigat ng mga iyon.

"Ano pong gagawin ko dito Mr. President?" magalang kong tanong.

"The headmistress asked for a favor to arrange these papers according to the dates written in it. These are the last year's papers of events and activities in Wormwood Academy and probably, these are going to happen again this school year. So, you have to organize it. And for tomorrow's meeting, we'll talk about the school's upcoming activity next month."

"Alright, pres. Copy." I smiled.

"Good. That's all." Nakapamulsa siyang tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng kanyang kuwarto. Hindi muna ako pumasok dahil pinagmamasdan ko siya at hinihintay na makapasok. Ngunit bigla siyang huminto sa tapat ng pinto at bahagyang humarap sa akin.

"By the way, that white ribbon in your head looks good on you," he pointed out. "I have such a cute secretary." tapos ay pumasok na siya.

Namula ako sa sinabi niya. Nasapo ko ang kabilang pisngi dahil nag-iinit ito. Hindi ko alam kung inuuto niya ba ako o ano.

Damn. Ang landi.

I inhaled-exhaled multiple times.

Yuri, huwag kang magpapadala sa mga paganyan-ganyan ni Gio. Sobrang ganda mo lang talaga.

Pumasok na ako sa loob. Nilagay ko muna sa study table ang mga papel at nagpunta sa banyo upang mag-ayos ng sarili.

The first day has ended and there's no much progress about the mission. I still have lots of time anyway. I'll just do this step by step.

-

Kasalukuyan kong ginagawa ngayon ang ipanag-uutos ni Gio sa'kin and honestly inaantok na ako. It's past ten o'clock. Kalahati pa lang ang nagagawa ko sa mga ito dahil ang gulo talaga. Naghalo-halo ang mga papel kaya kailangan ko pa tuloy tingnan isa-isa ang mga papel kung  saang petsa ko ilalagay para magkakasunod sila. Kahit simple lang ang trabahong 'to pero ang hirap! Ilang beses na akong humikab at pinipigilang ipikit ang mga mata.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now