Chapter 14

198 0 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN


AyAW ko po sanang makitang malungkot ang

mama ko, Tito Drigs. Puwede po bang huwag na

lang ninyo siyang kausapin?"

God, this is hard. Isang batang babae, nakikiusap

sa kanya. He felt like a monster. Ano nga ba ang

tamang sabihin dito? Sa isang banda ay ibig niyang

malaman nitong wala siyang intensiyong sumama ang

loob sa kanya ng mama nito. Sa pagkausap niya kay

Teresa ay ibig sana niyang magpaliwanag, ngunit sa

isang banda ay ibig niyang makampante ang kalooban

ni Lara, ang sabihing hindi na siya gagawa ng paraan

para makausap ang mama nito.

Hindi niya inaasahan ang pagdating ni DonTimoteo

saTierra Playa ngunit isa iyong weleome surprise para

sa kanya. He was a breath oftresh given the situation.

Umaasa siyang matutulungan siya nitong mag-isip.

Salamat dito, hindi na niya kailangang gumawa ng

ibang paraan para makapasok sa Casa Amparo.

"Gusto ko lang sanang magpaliwanag sa kanya."

"Kung bakit po kayo ikakasal kay Tita Clara?"

Napahiya siya. Kahit ito ay alamang komplikasyon

ng relasyon niya sa dalawang babae. Parang gusto

niyang bumuka ang lupa at lamunin siya niyon. "Well,

yes. Hindi naman siguro masama na magpaliwanag

ako."

"Ayaw nga po niyang marinig.'Wag na lang po."

"I will try my best."

Pinakatitigan siya nito, saka tumango. Hindi niya

! alam kung nainis ito sa kanya o ano. Napalunok siya.

May mga pagkakataong parang si Teresa talaga ito.

She was Teresa's small version sometimes. Parang

kay sarap basahin ng isip nito, ang alamin kung ano

ang tumatakbo roon. Tumalikod na si Lara at hayun

siya, gustong sundan ito at magpaliwanag.

"Bright kid, isn't she?" wika ni Don Timoteo.

Nabigla siya, hindi inaasahan na naroon na ito sa

kanyang likuran. "She's so mueh like hersometimes."

"Of eourse, she is her daughter, after all."

Napabuga siya ng hangin at binalingan ang

matanda. Niyaya niya itong magkape. Kaagad naman

iyong isinilbi sa kanila. Nagsimula itong magsalita

ng tungkol sa mga susunod nilang hakbangin ngunit

halos wala ang isip niya sa sinasabi nito. Parang

bigla siyang nawalan ng interes sa isang proyektong

pinaglaanan niya ng panahon, ng effort, ng ilang

gabing walang tulog.

Bakit biglang nawalan ng kinang sa isip niya ang

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now