Chapter 1

1.3K 12 3
                                    

CHAPTER ONE

"Mama, puwede ba tayong magluto roon?"
"Siyempre, anak."
"Ng pasta at eake?"
Tumango si Teresa sa kanyang anak na si Lara.
Sampung taong gulang na ito. Sa ganoong edad nito
ay mas mahusay pa ito sa karaniwang mangungusina
sapagkat aral ito sa Tatay Monding nito, ang kanilang
"tagapagligtas."
Si Monding ay isang chef sa isang sikat na
eountry elub sa Maynila. Hindi man ito
nakapagtapos ng kolehiyo ay nakuha nito ang
posisyong head pastry chef sapagkat namana nito
iyon mula sa aina nito. Ang eountry elub na iyon
ay mahigit isang milenyo na sa bansa. Ang mga
miyeinbro niyon ay mga taga-alta-sosyedad at ang mga tauhan ay ipinapasa-pasa at ipinapamana
ang posisyon sa mga anak.
Aral si Monding sa lahat ng masasarap na
pagkain dahil sa ama nito. At sa lahat ng iyon ay
nakihati sila sa kaalaman. Naging chef din siya sa
isang restaurant dahil sa rekomendasyon nito. Isang
napakalaking tulong niyon sapagkat ni hindi siya
nakatuntong sakolehiyo.
"Mama?"
"Hmm?" baling niya sa kanyang anak. Naka-
sakay sila ng bus patungo sa probinsiyang kanyang
pinagmuian. Naroon ang kanyang ugat, ang ugat ng
kany ang anak. Bagaman matagal na panahon siyang
nangamba sa muling pagbabalik niya sa Tierra Play a
ay heto na uli siya. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik
ay ang iniwan sa kanyang pag-aari ng kanyang ina
na pumanaw may anim na buwan na ang nakararaan.
Pauwi rin sana siya noon kung hindi lamang sa
Maynila rin ito ibinurol. Sasama sana siya sa grupong
maghahatid dito sa Tierra Play a ngunit pinigilan siya
ng kanyang ama. Hindi na raw siya maaaring muling
tumapak sa Tierra. Wala na raw siyang babalikan
doon. Kung ayaw raw niyang mapahiya siya ay
huwag na raw siya magtangka pang sumama. Hindi man Jang lumambot ang puso nito nang
makita ang apo nito. Ni hindi siya nito nagawang
yakapin. Ang tanging nakikita pa rin nito sa kanya
ay ang naging kabiguan nito sa dati pa man ay hindi
na nito paboritong anak.
Ang nakababatang kapatid niyang si Clara ang
tinangka niyang kausapin noon. Ito ang paborito ng
kanilang ama. Ang sabi nito ay wala raw itong
magagawa sa kapasyahan ng kanilang ama. Mas
mabuti pa raw na huwag na siyang magpilit na ihatid
sa huling hantungan ang kanilang ina, tutal ay nakita
naman na raw niya ito sa ilang araw na burol sa
malaking punerarya sa Maynila.
Anong pagluha niya, ngunit tulad ng noon ay wala
siyang nagagawa sa utos ng kanyang ama. Batas ang
mga salita nito, sa kabila ng mahigit isang dekadang
pagkawala niya sa Tierra. Nananatili ang takot niya
rito. Ngunit hindi na ngayon, sapagkat naisip niyang
kailangan niyang mapagyaman ang kung ano ang
mayroon siya, ang kung ano ang ipinagkaloob sa
kanya ng kanyang ina.
Isang misyon ang nagtulak sa kanyang bumalik
sa Tierra Playa sa kabila ng banta ng kanyang ama at sa pagbabawal sa kanya ng kanyang kapatid. May
liham na iniwan sa kanya ang kanyang ina.
Nakikiusap ito na sana raw ay pagyamanin niya ang
lumang bahay ng angkan ng mga ito na pinabayaan
ng kanyang ama. Huwag daw sana niyang pabayaan
iyon sapagkat ginawa iyon roon ng kanyang ama sa
nakalipas na ilang taon.
'Ang totoo, hindi sana naging mag-asawa ang
kanyang mga magulang kung hindi lamang itinakas
ng kanyang ama ang kanyang ina. Mayaman ang
angkan ng kanyang ama, habang nasa middle-elass
ang kanyang ina. Mayroong ibang napupusuan ang
kanyang mga lolo at lola para sa kanyang ina
sapagkat ayaw ng mga ito sa angkan ng kanyang ama.
Kilala kasi sa pagiging malupit ang angkan ng
kanyang ama, sa pagiging batas sa bayan na iyon.
At ang pinakamagandang dilag—ang kanyang ina—
ay hindi maaaring hindi makuha ng kanyang ama sa
gabi bago ito ipakasal sa iba.
Parang ku wento sa komiks ang lahat. At dahil hindi
matanggap ng kanyang ama na hindi natutuwa rito ang
mga magulang ng asawa nito ay hindi nito kailanman
binigyan ng anumang tulong ang inatatanda, na taas-noo namang tinanggap ng mga lolo at lola niya, na
lalong nakapagpagalit sa kanyang ama.
Nang pumanaw ang mga lolo at lola niya ay
iniutos ng kanyang ama na huwag nang ipaayos uli
ang bahay ng mga ito. Para saan pa raw gayong may
bahay na ito at ang kanyang ina. Dahil masunurin
dito ang kanyang ina, tulad ng lahat ng taong
nakapaligid dito, ay tumahimik lang ito.
Nang pumanaw ang kanyang ina ay nag-iwan ito
ng last will and testament na lingid sa kaalaman ng
kanyang ama. Ipinamana nito sa kanya ang bahay at
lupang iyom Isang matandang bahay iyon na
mayroong labinlimang silid, isang malaking kusina,
isang malaking sala, isang malaking hardin, na
ngayon ay halos giba-giba na dahil sa kawalan ng
tumitingin at nag-aasikaso sa loob ng mahabang
panahon.
Malaki ang lupaing iyon, umaabot din sa dalawang
libo metro kuwadrado. "Bahay ng Kastila" ang bansag
sa bahay na iyon dahil sa arkitektura niyon.
Hindi niya bibiguin ang kanyang ina. Malalayo
man ang kanyang anak sa eskuwelahang pinapasukan
nito ay naniniwala siyang makaka-adapt din ito sa
buhay sa Tierra Playa.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now