Chapter 4

324 6 4
                                    

CHAPTER FOUR

HaBANG naglalakad ng mga papeles ng permit ay tahimik na tahimik ang Bahay ng Kastila. Kakutsaba ang maglolang Tita at Nanang Guada ay walang nakakaalam na hindi magtatagal ay magiging isang bed-and-breakfast iyon. Iba na ang mga tauhan ng munisipyo kaya madali silang nakakuha ng permit. May permit na ang "Casa Amparo." Iyon ang ipinangalan ni Teresa sa lugar, hango sa pangalan ng kanyang ina.
Sinimulan na ang gawaan. Para maging
maaliwalas ang lugar ay ipinatanggal niya ang mga halamang gumagapang sa gate at ipinalinis nang husto ang bahaging iyon. Nakakuha na siya ng contractor na siyang gagawa ng bubong at kisame. Dalawang linggo lang daw ay matatapos din kaagad iyon. Sa bawat araw ay may mga taong napapadaan
at nagtatanong tungkol sa proyekto niya. Marahil ay kumalat na ang balita na nagbalik na ang suwail na anak sapagkat isang umaga ay binisita siya ni Clara. Halos walang ipinagbago ang hitsura nito at lalo pang gumanda.
"Ate."
"Clara. Kumusta?"
"I'mwelLYou?"
'Tm okay. Tuloy ka."
Tumalima ito. Panay ang pagmamasid nito sa loob ng bahay. Nang pumanaw ang kanilang ina, ang bahay na iyon ang napunta sa kanya, habang ang mga
alahas na kasinghalaga ng bahay na iyon at ng lahat ng kagamitan doon ay dito napunta. Marahil ay nahinuha na ng kanilang ina na mas magiging masaya sa mga alahas kaysa sa ganitong bahay ang kanyang kapatid. Alam ng kanyang ina na siya ang magpapala
sa lumang bahay na iyon. Tulog pa ang kanyang anak. Hindi muna niya ito
gigisingin hangga't hindi niya nalalaman kung ano ang pakay ni Gara. Hindi niya isinama noon ang kanyang
anak sa burol ng kanilang ina, upang ipakilala sana sa kanyang ama, dahil sa tensiyon ay pinauwi na larnang
niya si Lara kay Monding kaya hindi na nito nakilala ang tiyahin at lolo nito.
"Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, Ate. Ayaw ni Papa ng ginagawa mo. Noong umalis ka, hindi niya inaasahan na babalik ka pa. You know the oid
man, he doesn't like to be the the main story in the news."
''Wala akong ginagawang masama."
"You know that Papa hates this house and he doesn't want you baek here in Tierra. Pero bumalik ka, kasama ang anak mo, at heto ka sa bahay na ito.
Ano ang maiisip niya kundi kinakalaban mo siya?
Why do you always have to go against his will?"
"Ang nangyari sa akin noon ay isang
pagkakamali." Nag-init ang ulo niya. Ano ang karapatan nito o ng kanyang ama na paalisin siya sa lugar na iyon? Kanya iyon, bigay sa kanya ng kanyang
ina. Walang sinuman ang makakapigil sa kanyang pananatiii roon. lyon ang kanyang pangako sa kanyang ina at iyon na ang nakaplano niyang gawin.
Masyadong matagal napanahon na siyang nagtiis na pagbigyan ang kanyang ama. Panahon na siguro
para siya naman ang pagbigyan nito. Kung hindi siya nito kayang pagbigyan ay hindi na niya kasalanan
iyon.
"Sa akin ipinamana ni Mama ang bahay na ito at may habilin siyang pagyamanin ko ang iniwan niya
sa akin. Ito lang ang alam kong paraan para masunod ang gusto niya. Ikaw, kung may habilin sa 'yo si Mama, hindi mo ba gagawin, Clara?"
"If I know that it would upset the living, I wouldn'tdo it."
"What about me, Clara? Did you and Papa ever consider my feelings? Did you ever think that maybe I was upset over what happened to me then?"
Mukhang nairita ito. "It was your own fault."
"I was young and didn't have anything."
"'Serves you right for the embarrassment you caused the family!"
"I needed the family baek then. No one helped me."
"Don't be so overly dramatie. It's quite obvious you've done well for yourself. Anyway, here is some money. Leave Tierra and never eome baek. This
time, we'll expect you never to retum."
Nabibigla siya sa kagaspangan nito. Hindi siya makapaniwala na ganito ang gagawin nito sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa pintuan. "Akala ko, kahit
paano ay makakapag-usap tayo bilang magkapatid, pero ibang-iba ka na talaga. Siguro kahit kailan ay
hindi tayo magkakasundo. You may leave and tell Papa that I am not leaving this plaee. Mama gave this house to me and it's time that he leam to respeet
Mama's wishes."
"Spoken like a truly ungrateful daughter."
"I don't want to argue with you."
Tumalikod na ito, wala nang ibang sinabi. Parang labis siyang napagod sa komprontasyon nila at lalo siyang nanghina nang hindi dumating nang
araw na iyon ang tauhan ng contractor niya, sa sumunod na araw, at sa sumunod pa. Nang tumawag siya sa mga ito ay sinabi ng mga itong nagkaroon daw ng problema at hindi na maitutuloy ng mga ito ang proyekto sa kanya. Ang refund daw ay ibibigay sa kanya sa lalong madaling panahon. Dahil nakatiwangwang ang kanyang bubong ay napilitan siyang kumuha ng ibang contractor ngunit walang gustong tumanggap ng kanyang proyekto. Sa huli ay naghanap na lamang siya ng ordinaryong kantero at nakakita naman siya. Ngunit sa unang araw lamang ito nagtrabaho, sa ikalawa ay umayaw na. Nahuhulaan na niyang tinakot ito ng tauhan ng kanyang ama. Muli ay naghanap siya ng isa pang kantero, pinag-stay in niya ito upang hindi magawang takutin ng tauhan ng kanyang ama, ngunit sa ikatlong araw nito ay dumating ang asawa nito, pinauwi ito, at hindi na nagbalik ang mga ito. Ibig niyang sugurin ang kanyang ama ngunit lalo siyang lalabas na talo kapag ganoon ang ginawa niya, kaya kahit paisa-isang araw ang mga karpintero ay puwede na rin. Sa huh, naubos na ang mga karpintero, ngunit tapos na ang bubong, yari na rin ang mga pamakuan. Siya at ang kapatid na lalaki ni Tita, at si Tita, ang nagtulung-tulong upang maikabit ang ply wood na kisame. Nang sumapit ang hapon ay natapos na nilang ikabit ang huling plywood. Nagpaalam na ang kapatid
ni Tita kaya sila na lamang ang natira. Oras na ng pagpipintura. Habang naghahanda ng makakain ang
kanyang anak ay nagsimula na siyang magpintura. Pawisan siya at nagpipintura ng pader nang may
marinig siyang tinig.
"That's not the way to do it."
Paglingon niya ay nakita niya ang lalaking muntik nang makasagasa sa kanyang anak, ang sinasabi ni Tita na nobyo ng kanyang kapatid, Si Rodrigo o Drigs. Pinunasan kaagad niya ng kamay ang pawis sa kanyang mukha nang matigilan siya nang mapansing
nakatingin ito sa kanyang dibdib. Noon lamang niya naalala na hinubad nga pala niya ang kanyang panloob dahil sa sobrang init nang makaalis na ang
kapatid ni Tita. Instinet niya ang humalukipkip, para lamang maalala sa huli na hawak pa niya ang brotsa.
Nalagyan ng pintura ang kanyang braso.
"May kailangan ka?" tanong niya rito.
"Firsl of all, I would like to apologize for what happened a few weeks ago."
"Nalimutan ko na 'yon."
"Well, I haven't. And I eame here to apologize."
She had a feeling that was not his main reason for coming. "It's okay."
"Niee plaee you have here."
"What do you really want?" Nailang na siya sa pagkakatitig nito. He just kept looking at her breasts!
Kahit nakahalukipkip na siya ay doon pa rin nagagawi ang mga mata nito! She knew she had ample breasts but. she was not used to this! Ang parati niyang suot na chef's uniform na double-breasted ay sapat upang maikubli ang kanyang dibdib.
" A business deal, actually."
"A business deal?" Muntik na siyang mapaismid.
Sinasabi na nga ba niya. Marahil ay may iaalok din
ito, katulad ng kanyang kapatid, at siyempre pa ay
sugo ito ng kanyang kapatid sa ilalim ng utos ng kanyang ama. Mukhang hindi talaga titigil ang mga ito hangga't hindi siya napapaalis sa lugar na iyon.
Ngunit duda siya kung magtutungo sa kanya ang kanyang ama upang kausapin siya. He had too much
pride for that. Ang malaking tanong lang sa isip niya ay kung bakit ganoon na lamang katindi ang pagnanais ng
mga itong mapaalis siya gayong sampung taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang lahat ng iyon.
lilang tao na lamang marahil ang hindi pa makalimot. Bakit mas mahalaga sa mga ito ang nangyaring iyon
kaysa sa sarili nitong anak at sa kahilingan at huling habilin ng sarili nitong asawa?
Siguro ay dahil na rin sa nag-uumapaw nitong pride. Ang anumang sabihin nito ay hindi maaaring mabali ng kahit sino, kabilang na ang anak na itinatwa
nito at hindi na itinuturing pang anak. Ang sabi nito sa kanya noon ay hindi raw siya nararapat na magbalik. at dahil nagbalik siya ay itinuturing nitong personal na atake iyon dito, isang bagay na hindi nito matanggap at pakiramdam nito ay kinakalaban niya ito, lalo na at bubuksan niya sa publiko ang isang lugar na sa ilang panahon ay tinangka nitong hayaang mabulok.
Just like every king, her father refused to give in. Para sa isang inang tulad niya ay napakahirap tanggapin niyon sapagkat alam niyang hindi niya kailanman ma'gagawang itatwa ang kanyang anak kahit ano pa ang magawa nitong pagkakamah, bagkus ay lalo niya
itong kakanlungin. Magkataliwas sila ng kanyang ama kaya noon pa man ay hindi na sila magkasundo. Ang nakakapagpainit ng kanyang ulo ay ang
pakikialam din ng Rodrigo na ito. Was he trying to please the old man? Most probably. Everyone around him tried to please him. Noon at ngayon, walang
ipinagkaiba ang mga tao.
"I don't do business with people I do not know," pinal na wika niya, saka tumalikod. The man was rude. Now he was looking at her legs!
"I haven't introdueed myself yet."
Sa loob ng ilang sandali ay nagtalo ang kalooban niya kung lilingunin ito o hahayaan na lamang itong magsalita habang nakatalikod siya. Sa huli ay naging alipin siya ng kagandahang-asal. Nakahalukipkip na muli niyang hinarap ito.
"I'm Rodrigo Villafuerte." Inilahad nito ang kamay na inabot naman niya, habang ang isang braso
ay nakalapat sa kanyang dibdib.
"Teresa," pakilala niya sa sarili. Natural na alam na nito kung ano ang apelyido niya. Isa pa ay ayaw na rin niyang sabihin pa iyon dito. "Now, if there's
nothing else..."
"I would appreeiate some something to drink.
You haven't allowed me to speak and now we know Each other, I believe you ean hear me out."
"Just leave," aniyang tuluyan na itong iniwan doon. Tumuloy siya sa kanyang silid at nagpalit ng damit pagkatapos maligo. Bukas na uli siya magtatrabaho dahil biglang sumakit ang ulo niya sa
Rodrigo na iyon. Nang makalabas ng sihd ay tumuloy siya sa kusina.
Anong pagkabigla niya nang makitang ine-entertain ng kanyang uniea hija ang lalaking kanina pa niya pinaahs.
Naroon din si Tita ngunit hindi nito kinakausap ang lalaki. Abala ito sa tahimik na pag-oobserba habang
inihahanda ang lalagyan ng longganisa.
"Mama, may first eustomer na tayo," nakangiting wika sa kanya ng kanyang anak. Rodrigo smiled at her. How she wished he wouldn't do that. His eharm was oozing, so was his
testosterone. Ayaw niya sa nararamdaman niyang
pisikal na atraksiyon para dito. Walang lulugaran ang pisikal na atraksiyon para sa isang kalaban.
"Your wonderful daughter olTered me brewed kapeng barako and homemade sylvanas. I couldn't refuse." 0f course, you couldn't. You want to destroy
me, so you're using my daughter. How dare you, you heartless bastard! Kailangan marahil niyang
turuan ang kanya.ng anak na piliin ang mga taong kinakausap nito. Palibhasa ay lumaki sa kanila ni Monding ay likas dito ang maging mapagtiwala.
Ayaw sana niyang alisin iyon dito sapagkat bata pa ito, ngunit sa palagay niya ay ngayon ang tamang
panahon upang matuto ito ng tamang pakikitungo at kung sino ang pakikitunguhan.
"Lara, samahan mo muna si Tita Tita sa sala. May pag-uusapan langkami ng bisita, anak."
Tila nagtaka ito kung bakit niya ito pinapaalis. gayunman ay tumalima ito sa kanya. Umupo siya sa
tapat ng lalaki. Handa siyang harapin ito. It was a
wrong deeision, beeause she wasn't wearing a bra—
again! Ano ba kasi ang malay niyang narito pa rin
ang lalaking ito? Nagsisimula pa lamang sumibol
ang dibdib niya ay galit na siya sa imbentor ng bra
kaya natural lang na kapag walang lalaki sa paligid
ay inaalis niya iyon.
The fabric of her blouse was thiek but his eyes seemed to penetrate through it. Kunsabagay ay napasulyap lang ito sa dibdib niya at hindi naman
tumitig. Tila ibig nitong salubungin ang kanyang mga mata.
"Magkaliwanagan nga tayo," aniya.
"You smell wonderful," anito.
You do, too... Oh, God. "Mr. Villafuerte, I'm not going to do business with you. Please don't use my daughter to get to me. Wala kahit kailan mangyayaring
transaksiyon sa pagitan nating dalawa."
"Maybe something else then? Something more interesting... far more interesting than a boring business transaction?"
Hindi niya maunawaan kung ano ang mayroon sa lalaking ito na ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya. Parang kay sarap ipikit ng kanyang mga
mata habang nagsasalita ito na para bang mga salita lamang nito ay sapat na para patuloy na mag-iba ang pakiramdam niya. She had to admit, this man's sex appeal was driving her insane. Hindi niya kailanman naisip na posible ang ganitong klaseng reaksiyon para sa isang lalaki. Sure, every onee and a while she dreamt of being enelosed in^warm arms and be made love to by a warm, loving husband, just like those she read in romantic novels, except that she read these books only once in a blue moon. She did not want to get any ideas. Sa isang tulad niyang walang magandang karanasan
sa isang totoong relasyon ay madali ang mangarap ng isang tagapagligtas, isang lalaking tatanggapin siya nang buung-buo at may malawak na pag-iisip para
maunawaan ang mga pagkakamali niya noon. After all, it shouldn't be so hard to forgive a sheltered, naive eighteen- year-old girl should. Ngunit sa lahat ng kanyang pagpapantasya ay parating nangunguna ang pangangarap ng isang babae, hindi ang kamal na pangangailangan ng katawan. She
used to think she did not have those. She had never even experienced the joy of orgasm. She had only read about it in books and magazines. She was too busy,
too seared and probably too stupid to find out for herself what those feeling were like... and now she
was feeling this for this man, this stranger. Masyadong seksuwal iyon. O marahil ay normal sa ibang babae, sa kanya lang na tuod hindi. Iyon
ang bansag sa kanya ni Monding—tuod. Hindi raw kasi niya napapansin ang mga taong nagkakagusto
sa kanya at ni wala man lang daw siyang interes sa mga seksuwal na bagay. Tuwing nagkukuwento rin
ito paminsan-minsan ng mga thoughts nito ay nakikinig lamang siya, walang input. Inamin niya ritong walang dating sa kanya ang mga ganoong
bagay kaya binansagan siya nitong tuod.
"P-please leave," aniya.
Nagagalit siya ngunit walang enerhiya ang kanyang galit, marahil ay dahil parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Hindi siya tanga upang
hindi maunawaan ang ibig sabihin ng lalaki at nagagalit siya sapagkat pakiramdam niya ay binabastos siya nito. Marahil ay narinig na nito ang
mga kuwento tungkol sa kanya at dahil doon ay iniisip nitong ganoong klase siyang babae. Maybe he was used to getting what he wanted by using his eharm. Hindi man lang nito inisip nakapatid niya ang nobya nito. Ang kapal ng mukha nito! Kung
hindi lang sana siya parang naubusan ng enerhiya ay kay sarap singhalan nito. Ngunit hindi na ito makakaulit sa kanya.
"Leave now before I tell my sister about this."
"I don't think that is neeessary."
, "Trust me, I think it is."
"I don't think you'd tell her."
"Try me."
"Whynot?"
Napasinghap na lamang siya nang kabigin siya nito at hagkan sa mga labi. Natulala na lamang siya
at pilit na pinagdikit ang kanyang mga ngipin, gayunman ay sapat na ang ilang sandaling patikim nito upang matuklasan niyang masarap itong humalik. Itutulak na sana niya ito nang kusa itong tumigil sa paghalik sa kanya. There was a smile on his lips.
"You taste just like you look—luseious. Every-thing about you seems sueeulent." His hand brushed
against her breast. Animo may kuryente at init na dumaan sa kanyang katawan sa ginawa nitong iyon.
"J-just leave..."
"Rest assured I'll be back."
He grinned and left after thumbing her lower lip. Nang makaalis ito ay ibig niyang maiyak sa galit sa kanyang sarili. Ganoon ba talaga siya kahina?
She was going to haie herself forever for this!
"Mama, Mama! Heto ang bayad ng unang customer natin. May tip daw ako kasi ako ang magaling na waiter," wika ng kanyang anak. May hawak itong
dalawang lilibuhin. God, this was so awful she didn't even know where to begin. "Mama?"
"Anak, ayoko nang papapasukin mo rito ang taong iyon."
"Pero bakit po? Ang sabi po sa akin ni Tita Tita, kaibigan daw po siya ni Auntie Clara. "Di po ba
mabait naman si Auntie Clara?"
"Oo, pero hindi mabait ang Rodrigo na iyon."
Parang ikinabigla nito iyon. Kaagad namang nagtanong si Tita kung ano ang nangyari. Hindi siya makatingin dito. Hindi niya maikukuwento rito ang
nangyari. Ayaw niyang bumaba ang tingin nito sa kanya. Ano na lamang ang sasabihin nito sa kanya? Na ang
unang lalaking nakilala niya sa Tierra Playa ay kaagad niyang pinatulan at hindi na inisip na nobyo iyon ng kanyang kapatid?
Hindi ba talaga siya marunong humanap ng isang lalaking walang sabit? Higit sa lahat, anong klase siyang babae na hindi pa niya kilala nang lubos ang isang lalaki ay nahalikan na kaagad siya at nagustuhan pa niya?
Diyos ko, ano ba ang ginagawa sa akin ng Making iyon? Napakasama naman niya. Ano ang mukhang ihaharap niya sa kapatid ko? Hindi man lang siya nahiya sa akin at sa kapatid ko, maging
kay Papa...
O marahil ay tama ang hinala niya na dahil sa mga narinig at nalaman nito ay hindi isang future sister-in-law ang tingin nito sa kanya kundi isang babaeng kayang-kaya nitong makuha.
"Wala. Hindi ko gusto ang Rodrigo na iyon. Maytransaksiyon siyang gustong mangyaii pero hindi ako
interesado. Katulad ni Clara, sugo siya ni Papa.Ayoko nang pag-usapan," pagtatapos niya.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now