Chapter 7

201 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN

1 'AlAM mo naman ang Nanang, kapag nalaman na
trieyele driver lang ang nobyo ko ay magwawala
'yon. Sasabihin na naman n'on na hindi niya ako
pinag-aral para lang mauwi sa isang trieyele driver.
Pero, Teresa, mahal ko siya at alam kong mahal niya
ako. Sa kanya naman ang trieyele. Maganda naman
ang kita niya at magkakaroon siya ng isang jeep sa
susunod na taon."
Natawa si Teresa sa naging paliwanag sa kanya
ni Tita. "Wala kang dapat ipaliwanag sa akin, wala
ka ring dapat idepensa. Ako pa, eh, ako yata ang
nakaimbento ng pagsuway sa nakatatanda dito sa
Tierra."
"Sus!"
"Totoo lang ang sinasabi ko."

"Niyayaya na nga niya akong magpakasal.
Dalawang taon na rin naman kami. Diyos ko naman,
treinta anyos na ako, Teresa, ang sabi pa sa akin ni
Lola noong isang gabi, huwag daw akong
magmamadali. Diyos ko, may lahi kaming matandang
dalaga, utang-na-loob!"
"Bakit hindi mo siya ipakilala kay Nanang? Kung
mabait siya, tiyak kong hindi siya pagdududahan ng
Nanang. Hindi naman katulad ni Papa si Nanang.
Matatanggap niya kayo, maniwala ka sa akin."
"Paano kung hindi?"
"Hay, ewan ko sa 'yo. Ikaw na rin mismo ang
nagsabi, treinta anyos ka na."
Panay ang buntong-hininga nito habang katulong
niya sa paghahain. Nasa isang pribadong beaeh sila.
Isang oras ang biyahe patungo roon. Napakalinis ng
tubig at dinarayo iyon ng mga turista sapagkat dive
site ang bahaging iyon.
Animo nakawala sa hawla ang kanyang anak.
Palibhasa ay iyon pa lang ang ikatlong pagkakataong
nakatapak ito sa beaeh. Nakapag-swimming lessons
ito kaya mahusay itong lumangoy, hindi tulad niyang
lumaking malapit sa dagat pero hindi marunong lumangoy.
"Naiinggit na rin ako sa 'yo at sa mga kababata
nating pawang mga may asawa na. Pero siyempre,
nangangarap din akong magpakasal na mayroong
eake, mayroong speeeh, mayroong masarap na handa.
Kung magtatanan ako, walang ganoon."
"Treinta anyos, magtatanan?"
"Sa siste ni Nanang, talagang kailangang
magtanan ako."
Napatango siya, natatawa na nalulungkot din sa
sitwasyon nito. Nagpapasalamat siya na wala na siya
sa ganoong sitwasyon sapagkat napakahirap.
Mayamaya ay napihtan siyang lapitan na ang kanyang
anak na ayaw paawat sa paglangoy. Ang itim na ng
mukha at braso nito, tila hindi umepekto ang
sunbloek lotion nito.
"Kumain ka muna. Sige ka, hindi na tayo babalik
kung makulit ka. Umuwi lang tayo rito sa Tierra,
nagiging makulit ka na. Palibhasa, kakampi mo lahat
dito," aniya rito na tinugon nito ng pagpapa-eute.
Umahon na nga ito pero nagmamadali namang
kumain. "Akala mo, papayagan agad kitang lumangoy
kapag katatapos lang kumain? Hindi. Huwag kang magmadali at hanggang mamaya tayo rito."
Ngunit pagkatapos kumain ay kaagad na itong
lumapit sa buhanginan. Hindi na niya ito inawat. Tiyak
na mamaya ay bagsak ito sa kama sa sobrang pagod.
Nang mag-siesta ang maglola pagkakain ng tanghalian
ay siya ang nagbantay sa kanyang anak. Nang magising
ang dalawa ay siya naman ang nag-siesta.
Nanaginip siyang hinahagkan daw siya ni
Rodrigo at labis siyang nadadala sa halik na iyon.
Parang mayroong mga paruparong nagliliparan sa
kanyang sikmura. Banayad na banayad ang halik nito,
habang ang isang palad nito ay nasa kanyang pisngi.
Ang malambot na mga labi nito na nakalapat sa
kanyang mga labi ay napakatamis at napakasarap.
Animo idinuduyan siya sa kung saan... Ah, marahil
dahil nakapuwesto talaga siya sa ilalim ng duyan at
dahil bumigat ang timbang nilang dalawa ay... Anak
ng tipaklong!
Nagmulat siya ng mga mata at hayun nga ang lalaki,
hinahagkan siya sa mga labi! Dahil disoriented at
nakasakay sa duyan, ilang sandali siyang animo nalunod
doon, hindi makabangon, at hindi malaman kung paano
kikilos. Animo isang timang siya sa pagkakawag ng kanyang mga braso sa ere. Hindi man lang siya
tinulungan ni Rodrigo na makatayo. Marahil dahil
hindi naman talaga siya nalulunod o nawawalan ng
balanse. Naroon pa rin siya sa duyang yari sa tela.
Sa wakas ay nakabangon siya, inignora ang
kamay nitong inalahad sa kanya. Inayos kaagad niya
ang sarili. Nabuwisit siya nang mapansing nalilis
na ang kanyang sarong at pinagpiyestahan na ng mga
mata nito ang kanyang balat.
"Hah!" angil at reklamo niya sa kawalan,
padabog na inayos ang damit at saka hinarap ang
lalaki. "Ang kapal mo! Ano'ng akala mo sa akin—"
"You taste sweeter than sugar, honey."
Kung bakit biglang nagtayuan ang mga balahibo
niya sa katawan sa sinabi nito. Damn him for making
her feel like a floozy every damned time! Bakit ba
naaapektuhan siya sa tuwina? It wasn't her fault, but
the man's! He'd probably been taking advantage of
women for deeades, knowing how sexy he was.
Parang gusto niyang tampalin ang kanyang noo
sa mga adjectives na kusang pumapasok sa isipan niya.
Tinalikuran na lamang niya ito ngunit nagsalita ito.
"When I saw you lying there, all I wanted to do was ravage you."
"Shutup!"
Parang gusto pa niyang marinig ang sasabihin
nito ngunit hindi siya nababaliw para manatili.
Nagsimula siyang maglakad palayo rito. Hindi ito
sumunod sa kanya, bagay na tila kakatwa para dito.
Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kinatatayuan
nito. It was the first time it happened.
Napabuga siya ng hangin. Bakit kasabay ng
pagnanais niyang makaiwas kay Rodrigo ay ang
pagkaintriga niya tungkol dito? Inignora na lamang
niya ang mga ganoong klaseng isipin. Walang
kahihinatnan ang lahat ng iyon.
Tumuloy na lamang siya sa eottage. Mula roon
ay tinanaw niya ang kanyang anak. Nang mapalingon
siya sa isang panig ng beaeh ay nakita niya si
Rodrigo. Hindi ito nag-iisa. May kasama itong isang
matandang ialaking may dalang tungkod. Was it his
father? Grandfather? Maybo. Mahirap matukoy
sapagkat nakatalikod ang matanda. Was it really an
old man? Maganda pa ang pangangatawan nito. Ang
tanging indikasyon na isang matanda ito ay ang
tungkod na hawak nito.
Mayamaya ay lumapit sa dalawa ang kanyang anak. Ibig sana niya itong pigilan ngunit malayo siya rito.
Bukod doon ay nakasunod naman dito si Tita.
Nakatanaw lamang siya sa mga ito, nag-aantabay
kung sakaling kailanganin siya. And then Lara waved
at her. Lumapit siya sa mga ito.
It was indeed an old man. Mukhang mabait ito.
Iyong tipo ng taong madaling kagaanan ng loob. He
looked familiar and then it suddenly hit her. It was
JDon Timoteo Elizalde. He looked so mueh younger
in person. Kilala niya ito sapagkat binabasa niya
ang mga libro nito, bukod sa matagal na siyang
mayroong pasinasyon sa matandang pilantropo. Isang
artikulo tungkol dito ang nabasa niya minsan at mula
noon ay na-fascinate na siya rito.
"Ah, so this is the mother of this wonderful girl,"
nakangiting sabi nito.
"Good afternoon, Don Timoteo."
"I see you know me."
"I am a fan of your books."
"Really?!" The man beamed. He was larger-than-
life but seemed to be very humble and jolly. Ibig sana
niyang itanong dito kung ano ang ginagawa nito kasama
si Rodrigo. Were they doing business together? Ngunit bakit? Sa pagkakaalam niya ay isang mabuting tao
ang don.
Hindi sa sinasabi niyang hindi mabuting tao si
Rodrigo, kaya lamang ay tila wala sa karakter ni
Don Timoteo ang magkaroon ng kahit na anong deal
sa isang tulad ni Rodrigo na nagpi-flirt sa babaeng
kapatid ng nobya nito. It just did not fit.
"Well, what do you know, hijo? I have a reader
this side of the eountry," anito kay Rodrigo, saka
siya binalingan. "I'm sure you have met one of my
boys, Rodrigo."
Muntik na siyang roapasinghap. Rodrigo was a
Don's Boy ? Alam niyang ang mga ito ay mga batang
inampon ni Don Timoteo at pinalaki sa pangangalaga
nito. Was that eommon knowledge? Kung gayon ay
alam iyon ng kanyang ama? And he approved of
him? Hindi ba at ayaw na ayaw nito sa mga taong
hindi alam kung saan nagmula sapagkat kaya nitong
pangalanan ang halos lahat ng kanilang ninuno? Ah,
maybe it was different when the orphan was a don's
boy. That ehanged everything, of eourse.
"Lolo Timmy, bisita po kayo sa amin," pagyayaya
rito ng kanyang anak. Hindi pa man ay marunong na itong mag-sales talk.
"One of these days, hija. Well, I have to go now.
My arthritis is killing me. Rodrigo, hijo."
Tumango sa kanya si Rodrigo at ginulo naman
ang buhok ng kanyang anak. He left with Don Timoteo.
Lalo siyang na-eurious na tuklasin ang pagkatao
nito. He was a don's boy, he was automatieally
fascinating.
Pero nobyo si Rodrigo ng kanyang kapatid kaya
wala siyang karapatang maging interesado rito.
Kailangang itatak niya iyon sa isip niya. Kalaban
ito. Hindi sa itinuturing niyang kalaban ang kanyang
pamilya kundi sa alam niyang kalabang dapat paalisin
sa Tierra Play a ang tingin ng mga ito sa kany a.
"IT S HARD to ehoose between sisters, isn't it, hijo?"
Ikinabigla ni Rodrigo ang komentong iyon ni Don
Timoteo. Sa kabila ng pagsasabi niya ritong huwag silang
magsabay ng pagpunta sa lugar na iyon para sa mga
oeular ay nagtungo ito roon. Ayaw sana niyang maka-
tunog man lang ang ama ni Clara na si Don Timoteo
ang kanyang ka-business deal bagaman noon pa nito
alam na isa siya sa mga batang inaruga ng matanda.
Marami itong naging tanong tungkol kay Don Timoteo. Pinalabas na lamang niyang hindi siya gaanong
malapit sa matanda at marami silang mga alaga nito.
"I am not in the position to ehoose, Sir."
i "I believe you are."
Hindi na lamang siya umimik. This really was
i starting to be difficult. May kailangan sa kanya si
Clara na may kinalaman sa kapatid nito habang siya
naman ay may kailangan kay Teresa.
i "Can I trust you to do the right thing?"
"In what, Sir?"
i "In this situation. We need the land, like we have
talked about."
"I am working on it, Sir." Kung epektibo lang
sana sa ama ni Clara ang pananakot ngunit hindi. Isa
pa ay ayaw niyang lumikha ng kaaway, lalo na at isang
matriarka ng bayang iyon ang makakaaway niya.
"And Teresa's land?"
"I am working on that as well."
"Great. We will not have any problems then,
will we? I am trusting you on this, hijo. Alam kong
kayang-kaya mo."
Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad at ng
pagnanais na mapatunayan sa matanda na hindi ito
nagkamali sa kanya. Nang sabihin nito sa kanya ang plano nito ay ganoon na lamang ang kasiyahan at
pagmamalaki niya. Hindi niya sisirain ang kanyang
mgaplano.
"Time is of the essenee here. Hindi magtatagal, _
nandiyan na ang mga Hapon, ang mga Taiwanese.
Alam mo naman ang mga 'yan, mas gustong kasundo
ng mga kababayan natin. You have to work fast, hijo.
Can I give you a time line?"
' "Yes, Sir."
'T'll give you six more months and then I would
have to ask my lawyer to fmish the job, if you ean't."
He would rrther die than make Don Timoteo
think he was ineapable of doing his task. It was
aetually a very easy task. Talagang nagpapakipot
lang ang ama ni Clara. Hindi niya ito maalok nang
higit na malaking halaga sapagkat masyado itong
tuso. Isang malaking hakbang sa kanya ay maaaring
isagad na nito ang presyo nito.
"Are you sure you ean do it?"
"Yes, Sir."
"Great. I am eounting on you."
Napalunok siya. Damn! He had to be more
eharming to both father and estranged daughter. They
held separate and very important keys to his success.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now