Chapter 16

527 10 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN


Walang naging honeymoon sina Rodrigo at

Clara. Gaya ng sinabi ni Rodrigo ay doon ito sa

haeienda namalagi. Walang sinabing kahit na ano

ang kanyang ama. Dalawang silid ang inookupa ng

mga ito, adjacent rooms. Kailangan daw ni Rodrigo

ng opisina kaya iyong adjacent room ang gagawin

nitong opisina nito, ngunit nabanggit sa kanya ng

kawaksi na nakita raw nitong doon natutulog sa silid

na iyon si Rodrigo.

Gayunman, sinasabi niya sa sarili na hindi siya

dapat magpaapekto sa lahat ng iyon. Kakakasal pa

lamang nito at ng kapatid niya. Hindi ibig sabihin

na por que mayroong nakabukod na silid ay hindi

nga talaga nagsisiping ang dalawa.

Tuwing almusal at hapunan ay nahihirapan siyang

kumain dahil kasabay nila si Rodrigo. Lalong

mahirap kapag almusal dahil umagang-umaga, ang

bagong paligong Rodrigo ang nakikita at naaamoy

niya. Tila mas masarap pa ito sa danggit at sinangag.'

Minsan, kapag hapunan ay hindisiya nakakasabay

sa lahat sapagkat ginagabi siya sa Casa. Parami na

kasi nang parami ang mga parokyanong dumadalaw

sa kanila. Nakakatuwang isiping marami na ring

foreigners ang nagbibigay sa kanila ng magandang

review sa Intemet, isang dahilan kung bakit lumalakas

nang husto ang kanilang lodge at restaurant.

Inaabala niya ang sarili. Ayaw niyang

magpaistorbo sa mga nangyayari sa haeienda. Ang

kanyang anak naman ay sadyang hindi pa rin

kampante roon sapagkat ayaw nitong magpaiwan sa

haeienda kapag umaahs siya. Kinausap siya nito nang

masinsinan, animo isang matanda na, at sinabi sa

kanya na kung maaari daw ay huwag niya itong

iiwang mag-isa sa haeienda na sinunod naman niya.

Pasukan na nito. Pag-uwi nito galing ng eskuwela

ay sa Casa ito tumutuloy. Kapag ginagabi siya ay

pinapatulog munaniya ito atkapag uuwi na lamang sila

ay sakaniya ito gigisingin. Trieyele ang service nila sa

araw-araw. Ang sabi tuloy ni Tita ay hindi man

lamang daw siya mapahiram ng sasakyan ng kanyang

ama. Ang sa kanya naman ay hindi naman nagsabi

ang kanyang ama na bawal niyang hiramin ang mga

sasakyan nila, kaya lamang ay nagtitipid siya.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang mga

komento ni Tita. Ayaw niyang magkaroon na naman

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now