Chapter 9

174 4 0
                                    

CHAPTER NINE

66NaKU, tiyak na matutuwa ka sa binatang iyon!"
Tumango na lamang si Teresa sa sinasabi ni
Nanang Guada. Ikalawang beses na nitong pagrereto
sa kanya sa isang lalaki. Ang una ay sa isang mayaman
na totoo naman sapagkat may-ari ito ng isang malaking
sakahan sa kabilang bayan, ngunit hindi masasabing
attractive ang hitsura nito. Isa itong matandang
binata—panot, payat, mukhang natuyot ng panahon.
Pagkatapos ng unang "date" nila sa Casa Amparo
Restaurante ay sinabi nitong ipapasyal daw siya nito
sa farm nito. Ngunit tumanggi siya sapagkat alam
niyang aasa ito sa kanya at sadyang wala itong
maaasahan. Higit sa lahat ay hindi rin ito gusto ng
kanyang anak.
Nang tanungin niya si Lara kung okay lang ba rito na magkaroon siya ng nobyo, ang sagot nito ay isang
matamis na oo, na may karugtong pang "Para
magkaroon na ako ng kapatid na aalagaan, Mama."
Pero sa lalaking iyon, ang sabi nito ay ayaw raw
nito dahil mukha raw malungkot ang hitsura.
Natawa na lamang siya sa sinabi ng kanyang anak
sapagkat pareho sila ng obserbasyon. Mukhang
malungkot nga ang lalaking iyon. Iyong tipo ng
kalungkutan na parang hindi napapawi. Ang mga
mata nito ay parang parating basa ng luha kahit hindi
naman ito umiiyak. Isa pa, mahalaga para sa kanya
ang atraksiyong nadarama niya. Hindi puwedeng
kaya lang siya magkakagusto sa isang lalaki ay dahil
kaya siya nitong buhayin. Subok na niya ang kanyang
sarili. Kaya na niyang gawin iyon kaya hindi niya
kailangan ng isang mayamang lalaki.
Gusio mo 'yong attraeted ka? Hindi ba't isa
lang naman ang ikinaka-attraet-an mo ngayon?
Pilit na lamang niyang inignora ang tudyo ng
kanyang isipan. Ayaw niyang pagbigyan ang sarili sa
maling isiping iyon. Hindi dapat iyon tinatangkilik.
"Sadyang nagkamali ako sa una kong inireto
sa 'yo. Masyado nang matanda iyon, malapit nang magsingkuwenta. Ang bagay sa iyo ay iyong binata
pero hindi matandang binata. Saka kailangan
siyempre, iyong medyo may hitsura nang kaunti.
Siyempre naman, ang ganda-ganda mo pa rin, anak."
"Saan naman ninyo nakilala ang bagong lalaking
ito, Nanang?" Sa kanya muna nakatira si Nanang
Guada dahil binibisita nina Tita ang mga kamag-
anak ng asawa nito. Dahil wala pang isang buwan
ang preparasyon ng kasal at nagtitipid ang mga ito
ay hindi na naimbitahan ang mga kamag-anak ni
Bienvenido na nasa ibang lugar na siyang binibisita
ng mga ito sa ngayon.
Mukhang masaya naman si Nanang Guada sa
pagrereto sa kanya. Iyon marahil ang ginagawa
nitong pampalipas-oras, pang-aliw sa sarili nito.
"Noong nakaraang araw ay nakasalubong ko siya
sa simbahan at nakakuwentuhan. Dating kaklase 'yon
ni Tita sa elementary at nakapagtrabaho sa Amerika.
Umuwi ngayong paldong-paldo na. Sa kanya iyong
building na nirerentahan ng bangko sa bayan. Iyong
may sanglaan at Jollibee, kanya rin ang mga iyon."
Tumango na lamang siya. Hindi siya interesado sa
kabuhayan ng isang lalaki. Mas interesado siya sakung paano ito makitungo sa ibang tao sapagkat hindi siya
nito solong makukuha. Paekage deal sila ni Lara.
Nonnegotiable iyon. Kaya marahil nananatili pa
siyang dalaga sa tinagal-tagal ng panahon ay dahil
bihira ang lalaking kumukuha ng isang babaeng may
anak. Sa isang dalaga nga ay pahirapan na ang
makakuha ng isang matinong lalaki, lalo na sa isang
may anak na tulad niya. Pero okay lang. Sulit ang
lahat ng iyon kay Lara.
"Kilala ka niya at tagarito nga iyon."
Kahit paano ay nakampante siya. Mahirap din
kung makikiharap siya sa isang taong walang ideya
kung sino siya, lalo na sa bayan na iyon. Ah, modemo
nang talaga ang Tierra Playa. Wala nang gaanong mga
taong hindi siya kakausapin dahil sa eskandalong
kinasuungan niya noon.
"Bueno, kailan ka ba libre?"
"Sa susunod na linggo pa, Nanang, at luluwas
ako bukas."
Tumango ito. Matagal na niyang nabanggit dito
ang pagluwas niya. Kailangan niya ng mga bagong
supplies. Nakakatuwang wala pang isang buwan ang
Casa Amparo ay marami na kaagad silang booking. Ang
sabi ng ilang kliyente nila, noon pa ay mayroon na raw nag-post sa Intemet ng tungkol sa kanila at
ngayong pormal nang nagbukas ang lodge ay marami
ang gustong sumubok, mga turistang sawa na sa hindi
kagandahang hotel sa kanila, maging sa mga
mumurahing lodge sa paligid.
So far, so good. Natutuwa siyang makita ang mga
turistang loeal na walang masabi kundi papuri sa
mga pagkain nila at serbisyo. Sa katunayan, araw-
araw ay mayroong tumatawag at nagpapa-reserve
na para sa mga darating na linggo. Marahil tiyempo
rin sapagkat malapit na ang piyesta. Kilala rin kasi
ang Tierra Playa sa kanilang kapistahan.
"Isasama mo si Lara?"
"Naku, hindi, Nanang. Sa Divisoria ang punta
ko. Kawawa namang bugbog na sa biyahe, sa
Divisoria pa ang destinasyon namin."
"Sa palagay ko, kailangan mo ng van. Bumili ka
na."
Natawa siya. Ayaw niyang sagarin ang perang
hawak niya. Mahirap kasi para sa isang may anak ang
walang naitatabi para sa tag-ulan. Sa ngayon ay kaya
pa naman ang pagluwas-luwas nang namamasahe
lang. Sanay siya sa pagod. Walang nakakarating sa kinaroroonan niya nang hindi nasanay sa pagod.
"Naku, kapag kayo ang nagkatuluyan ng inirereto
ko sa 'yong ito, tiyak na hindi ka na mahihirapan sa
pagpunta sa Maynila dahil marami siyang van at
sasakyang pinapaupahan, mga truek, ganyan. Mahusay
sa negosyo ang batang ito. Bagay na bagay kayo."
"At ano naman po ang hitsura, Nanang?"
"May ibubuga, kahit paano. Naisip kong iyong
nakaraan ay talagang walang ibubuga kompara kay
Rodrigo, pero ang isang ito, puwedeng humabol
kahit paano."
Natigilan siya, mukhang natigilan din ito.
Naiilang na ngumiti siya at saka nagtanong, "Ano
po ang kinalaman ni Rodrigo rito, Nanang?"
"Naku, 'wag mong mamasamain pero parang
mayroong namumuong kung ano sa pagitan ninyo.
Ako naman ay wala sa lugar na magsalita sa iyo
tungkol sa mga ganyang bagay pero matanda na ang
papa mo at ang kapatid mo ay matagal mo na ring
hindi nakakasama. Kung hindi lang sana siya nobyo
ng kapatid mo ay ayos lang. Pero alam ng buong
bayan ang relasyon nila, anak. Baka lalong
magkalamat ang relasyon mo sa pamilya mo. "Kunsabagay, kung ako ang tatanungin ay walang
kaso kung sakaling talagang itinatwa ka na ng
pamilya mo. Pero ang pamilya ay pamilya, at gaya
nga ng sinabi ko, matanda na ang papa mo. Tiyak na
darating ang oras na gugustuhin ka niyang makita.
Kung magkakaroon na naman ng panibagong balakid,
baka hindi pa iyon matuloy. Maniwala ka sa akin,
gugustuhin ka niyang makita uh. Alam ko dahil may-
edad na rin ako. Sa ganitong edad ng tao, wala ka
nang gustong makasamaan ng loob. Kung puwede
lang, lahat ng tao, yakapin mo at hagkan."
Hindi siya nakapagsalita. Nauunawaan niya ang
punto nito. Ang totoo ay hindi nga niya naiisip ang
tungkol sa edad ng kanyang ama, ang naiisip lamang
niya ay ang relasyon ng kapatid niya kay Rodrigo.
Saan man siya lumugar, mali ang lahat ng iyon.
"Wala po akong balak na makaaway si Clara."
"Alam ko naman... Bueno,' wag na nating pag-
usapan. Ang akin ay paalala lang naman."
Tumango siya. Nang gabing iyon ay nanalangin siya
na sana, kung anuman ang nangyayari sa pagitan nila ni
Rodngo ay matigil na iyon sa lalong madaling panahon.
Kung sakali mang muli niyang makasama ang kanyang pamilya, hindi ba at mas maganda kung hindi siya
maiilang sa nobyo ng kanyang kapatid?
Nakatulog siyang muling binuhay ang
kombiksiyong iwasang magkaroon ng tagpo kasama
si Rodrigo. Marahil ay magandang malaman na niya
ang pakay nito nang sa ganoon ay malaman na rin
nito kung ano ang kanyang tugon para hindi na ito
magpabalik-balik pa sa Casa Amparo.
Kinabukasan ay nagising siya nang maaga,
naghabilin sa mga naiwan sa bahay, saka lumarga
ria pasado alas-kuwatro ng madaling-araw. Alas-
dos ng hapon ay lulan na siya ng bus pabalik sa Tierra
Playa. Bahagya siyang kinakabahan sapagkat ayon sa
driver ay nag-text daw rito ang kasamahan nito at
sinasabing malakas ang ulan sa Tierra Playa. Noong
bata siya ay nagkaroon doon ng ilang landslide at
iyon ang inaalala niya, gayunman ay nakapasok sila
sa lalawigan nang walang aberyang nangyari, kaya
lamang ay hindi makatakbo nang matulin ang
sasakyan dahil sa lakas ng ulan.
Inaasahan niyang makakabalik siya sa Casa
Amparo nang pasado alas-otso ngunit pasado alas-
diyes na siya nakarating sa terminal. Nakapag-text na siya sa kanyang anak, sinabing huwag itong mag-
alala at makakauwi na rin siya. Ang problema lang
ay wala nang sasakyan na maghahatid sa kanya sa
Casa. Ayaw bumiyahe ng mga trieyele at ang mga
jeep naman ay ubos na. Tatawag sana siya sa Casa
ngunit naubos ang baterya ng eell phone niya,
kasabay ng pagba-brownout sa terminal. Nagpasya
siyang maki-text na lamang para lang maipaalam sa
kanila na nasa terminal siya at mananatili roon hanggang
sa mayroon na siyang masakyan.
Nang may matanawan siyang palapit na jeep ay
hindi na siy a nagdalawang-isip na tumakbo sa ulanan
upang kawayan iyon. Maano bang rentahan niya ang
buong jeep para lang makauwi siya kaysa maghintay
siya sa terminal? Ngunit inignora siya ng driver
niyon na tila walang nakita. Basang-basa ang damit
niya. Noon may isang pamilyar na sasakyan na
humimpil sa tapat niya. Bumukas ang pinto niyon at
nagsalita si Rodrigo.
"Getin."
"H-hindi na."
"Don't be silly. Get in. Where are your things?"
Napilitan siyang ituro ang ilang kahong dala niya.
Hindi ngayon ang oras para iwasan ito. Kung hindi siya magpapahatid dito ay posibleng abutin siya nang
hanggang kinabukasan sa lugar na iyon. Nilalamig
na siya at basa na ang kanyang damit. Sumakay na
nga siya at hinintay itong ikarga sa likod ang mga
pinamili niya. Pagpasok nito sa sasakyan ay basang-
basa na rin ang damit nito.
"Was that your attempt at getting siek?"
"Hindi ko inaasahan na lalagpasan ako ng jeep.
Gusto ko nang makauwi kaya sumugod na ako."
"You're trembling."
Inihimpil nito ang sasakyan sa tabi ng daan, saka
iniabot sa kanya ang isang jacket.
"I-ikaw?"
'Tll live."
"S-salamat."
Hindi niya naiwasang maamoy ang jacket nito.
Ang bangu-bango, katulad nito. Kaya niyang itapat
ang ilong niya sa jacket na iyon—o dito mismo—
buong hapon at buong magdamag.
Shit!
"Hindi ka dapat umaalis mag-isa at uuwing
ganyan kadami ang dala."
"At ano ang dapat? Pabayaan ko ang Casa? May
negosyo ako. Dapat ko lang alagaan 'yon. Hindi ko ito maiaasa sa iba. Hindi pa sa ngayon. Malay mo,
dumating din ako sa puntong 'yon."
"You need a man."
Napalunok siya, ialo na at titig na titig ito sa kanya -
nang sabihin iyon. Ibig sana niyang itanong kung nag-
a-apply ba ito para sa posisyong iyon ngunit alam
niyang isang kamalditahan iyon na ikakapahiya rin
niya sa bandang huli. Bakit ba nakakaisip na siya
ngayon ng mga ganoong kamalditahan?
Hindi siya natural na maldita, ngayon, sa halip
na kalimutan ang lalaking ito ay tinatangkihk pa niya
ang mga ideya na attraeted ito sa kanya. Ano ba ang
nangyayari sa kanya? Tila hindi lang si Lara ang
nagiging matigas ang ulo nang dahil sa lalaking ito.
"I don't need a man. I need a van."
Ang lakas ng naging tawa nito. "That, too."
Hindi nito pinatakbo ang sasakyan, marahil dahil
zero visibility ang daan. Binuksan nito ang glove
eompartment. Natawa siya nang makitang pagkain
ang laman niyon. Hindi ito ang tipo ng taong mag-
iimbak ng pagkain sa glove eompartment, lalong
hindi ito ang tipo ng taong ang iiimbak na pagkain
ay iyong parang nakalagay sa baunan ng bata—naka-
foil paek na juice, biskwit na Marie, at sarisaring
wafer sandwich! "Ano ka, kindergarten?" aniyang natawa na nang
tuluyan, lalo na at napansin niyang mayroon pa itong
iba't ibang mumurahing eandy.
"Hey, don't knoek it. I happen to like all these
foods." Inabutan siya nito ng juice at ilang balot ng
Marie. "Noong bata ako, ganito ang pangarap kong
baon araw-araw, pero dahil walang ipinapabaon sa
akin ang tiyang ko, naging pangarap ko na lang ito.
Sabi ko sa sarili ko, isang araw, kapag naging
mayaman na ako, hindi ako mauubusan ng baon."
"Paano mo nakilala si Don Timoteo?" Isa iyon sa
mga katanungang nasa isip niya noong nakaraan pa.
"Ipinadala ako sa kanya ng tiyang ko noong
pitong taon ako."
"Nasaan na ngayon ang tiyang mo?"
"Matagal nang wala ang tiyang. Napilitan din lang
siyang kupkupin ako dahil wala nang ibang kamag-
anak ang tatay ko kundi siya. Araw-araw, wala nang
ginawa ang tiyang kundi ang sumbatan ako, hanggang
sa nagsawa na siguro siya kaya ipinadala na lang
ako kay Don Timoteo. Salamat na rin dahil kung
hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon dito."
"Noong na kay Don Timoteo ka na, wala kang
mga ganitong baon?" "No." Tumawa ito. "Ayaw na ayaw ng katiwala
ni Don Timoteo na magbaon kami ng ganyan. No
semi-junk food for any of us, only all healthy foods.
Naaalala kong noong grade six ako, ang baon ko sa
tanghalian ay iyong baunan na stainless, iyong apat
na patong, bilog. Alam mo 'yon?"
Tumango siya. "Iyong nasa gilid ang loek."
"Mismo! Sa ilalim, kanin. Sa ibabaw ng kanin,
gulay. Madalas sayote at bitsuwelas pero kapag
Biyemes—"
"Munggo," hula niya. Ganoon din si Nanang
Guada noon. Basta Biyernes ay munggo ang
inilulutong ulam.
Tumawa ito. "Exactly."
"Ano ang nasa ibabaw ng munggo?"
"Isda. Sa ibabaw ng isda ay karne. May
nakabukod pang baunan para sa saging na saba o
kaya kamoteng kahoy o minatamis na saging."
"Wow!"
"Walang wow doon dahil hindi masarap magluto
iyong eook namin. Masustansiya, pero lasang papel."
Ngiting-ngiti siya. Talagang nakakamangha kung
paano magpalaki ng mga alaga nito si Don Timoteo,
mga lalaking may-sinabi sa buhay, malayo ang mga
narating. Paanong motibasyon kaya ang ginawa ng natanda sa lahat ng ito upang makarating sa ganoong
>osisyon?
Ibig niyang bigyan din ng ganoong motibasyon
mg kanyang anak. Kunsabagay, naniniwala siyang
lindi kailangan ng isang tao ang maging multi-
nillionaire para lang maging masaya, bagaman
nakakatulong ang salapi. Ayaw niyang maranasan
ig kanyang anak ang mga naranasan niya noon. Higit
a lahat, ibig sana niyang makapagtapos ito ng pag-
aral.
"What about you?"
"Kung ano ang baon ko noong bata ako? Hmm...
:ung anu-ano pero madalas na kakanin. Si Clara,
yaw niyang magbaon. Sa Maynila rin siya nag-high
ehool. Ako, dito sa Tierra nag-aral."
"Really? Why not Manila?"
"Mas gusto ko rito. Pagdating ng eollege sana
ko lilipat doon pero dumating nga si Lara kaya hindi
a natuloy."
"Do you have any regrets?"
"Wala. Kung magsisisi ako, ibig sabihin ay
i agsisisi akong nandiyan si Lara. She's worth it."
Tumango ito at binuksan na ang makina ng
asakyan. Malakas pa rin ang ulan ngunit hindi na
atulad kanina na walang makita sa daan. Mayamaya ay nilingon siya nito at sinabi, 'Tm sorry but I need
to take my shirt off. I hope you don't mind. Baka
mapulmonya ako. Don't worry, you ean look and
admire all you want, I won't mind."
Iirapan sana niya ito ngunit natigilan siya nang
hubarin na nito ang kamiseta nito. Napasinghap na
lamang siya, labis na humanga sa ganda ng katawan
nito. Totoo pala ang ganoong katawan at hindi lang
pangmodelo. Ang akala niya ay sa mga magazine
lang makikita iyon dahil hindi pa siya nakakakita ng
abs—maliban na lamang sa mga tauhan ng haeienda
noon na batak ang katawan sa trabaho. Ngunit kahit
pa ganoon, hindi lahat ay may taglay na abs.
"Like I said, you are free to stare at me all you
want."
"And you still have time to pester me. Ilang oras
ka sa gym bawat araw?"
"Modesty aside, I'm blessed with a physique
that doesn't require me to spend more than an hour
of exercise eaeh day."
"Modesty aside pa 'yan, ha?"
Ang lakas ng naging tawa nito. God, she would
like to see that smile on his face everyday, if that
was possible.

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now