Chapter 15

43 4 0
                                    

Hindi ako basta lumipat lang ng London dahil gusto kong magpakalayo-layo. I chose to transfer here to finish my studies. Balak ko naman bumalik sa pilipinas kung papalarin na makatapos ng college.

So far, so good naman, dahil nakapasok agad ako ng University of London college sa london. Kahit na may mga bina-back load akong mangilan-ngilang subjects.

It's been months since I left the philippines. Hiro and I sometimes call each other online. Mas masaya din siya ngayon, at sinabi niya na may nakilala siyang babae sa japan.

Masaya naman ako sa kung ano na ang buhay ko ngayon. Wala na din akong balita kay Andre, as if naman may plano pa akong balitaan siya.

After days, months, and years, I met a lot of people. May mga pinoy din akong naging kaibigan na sina, Daisy, Hanako, at Harvey.

Half Japanese si Hanako at halata naman sa pangalan niya. Si Daisy naman ay may halong latina, habang si Harvey ay purong pinoy.

Lahat sila ay may kaya sa buhay tulad ko, at minsan pa ay mas kinakabog namin ang mga kadepartment namin. Hindi lang dahil sa matalino kaming apat, ay sponsor din kami ng UL.

I sometimes think that leaving philippines is a better choice that I've ever made.

"Sissy! Tapos ka na sa research?" Pasigaw na tanong ni Hanako.

Umiling ako at umupo sa harap niya. Na sa canteen kami ngayon dahil vacant.

"Hindi pa, chapter 1 pa lang ako." Ani ko.

Maya maya pa ay dumating si Daisy na may kasamang lalaki. Natigilan ako at para akong naparalize.

Anong ginagawa ni Andre dito?! At bakit kasama ni Daisy si Andre?! Shuta!

Natutuwang umupo ang babae na nakapulupot ang kamay sa braso ni Andre. Naupo silang dalawa sa mismong tapat ko. At para akong maiihi sa nakikita ko ngayon.

That's fucking Andre! Right in front of me!

Hindi kaaka-akala ang muling pagkikita naming dalawa ni Andre. May gulat sa aking mukha, ngunit walang reaksyon ang lalaki. Nakatingin lang siya sa'kin na walang ekpresyon.

"Hey, Babe, meet my friends... This is Maxine, and this is Hanako. Unfortunately wala yung isa." Pagpapakilala saamin ni Daisy kay Andre.

"Nice to meet you, Andre." Saad naman ni Hanako.

Pinanliitan ko lang ng mata ang babae pero nagkibit-balikat na lang siya.

"You know him, Hana?" Tanong ko habang lumihis ng tingin palayo mula kay Andre.

Humagikhik lang si Hanako. That means kilala nga niya si Andre.

But how?

"Long time no see... Maxine." Biglang salita ni Andre na nagbigay nginig agad sa mga kasukasuan ko.

Bumaling ako ng tingin sakaniya at pinilit na ngumiti.

Alala ko pa noong huling usapan namin. I told him that I never want to see him again. But after all that, nag-kita pa din kami.

Tumango ako. "Likewise, you... youve changeda lot- I mean, you look buff." balisang sabi ko.

Mas lumaki kasi ang katawan niya kumpara noon.

Tinignan lang kami ng dalawang babae nang may pagtataka.

Sumingit ng tanong si Daisy sa lalaki. "Wait, babe, magkakilala kayo ni Maxine?" Habang nanliliit ang mata.

"Uh, well, we're not that close, baby, don't worry." Sagot ni Andre sa babae.

Agad akong nakaramdam ng pagkadismaya dahil inaasahan kong sabihin niya na naging magkaibigan kami noon.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now