Chapter 2

168 14 34
                                    

I met up with Angel sa canteen since break time din nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I met up with Angel sa canteen since break time din nila. 1 hour ang break ko since wala naman akong lesson sa criminal law ngayon.

"Sis, pupunta ako sa Antipolo shrine mamaya, sama ka?" Sabay yaya sa akin ni Angel habang kumakain ng burger.

Umangat ako ng tingin. "Anong oras?" Tanong ko habang kumagat din sa pagkain ko.

"6 ng gabi, makikipagkita ako kay Josh." She said without even looking at me na nakatingin na sa kanya while glaring at her.

I frowned. "Are you fucking crazy? Bakit ka makikipagkita sa lalaking iyon?" Inis na tanong ko habang nilapag ko ang pagkain ko, habang nakatutok ang mata ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at umiling na para bang hindi niya alam ang isasagot. "Wala lang, miss ko na, e."

Agad kong hinampas siya sa noo at sinamaan siya ng tingin. Sanay na ako na nakikipagkita siya sa mga ex niya. Pero ang ayaw ko ay iyong isasama niya ako. Tapos kapag inaway ko ang mga ex niya, magagalit siya sa akin.

"Huwag ka na lang palang sumama, alam ko naman na aawayin mo si Josh." Ngumuso siya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakataas ang kilay.

As if gusto kong sumama sa'yo, at makita yung pangit na yun!

Hindi ko siya pinansin buong araw. Nawala ako sa mood, at hindi ko alam kung bakit. Kaya ang ginawa ni Angel ay hinayaan ako, dahil wala din naman siyang magagawa.

Naglalakad ako sa hallway pagkatapos kong pumunta sa library para manghiram ng mga libro. Busy din ako sa pagbabasa ng isa sa mga libro habang dahan-dahang naglalakad, nang may nabangga ako.

"Sorry-" Nang makita ko ang lalaki, at natigilan ako.

Nag angat ng kilay ang lalaki. "Maxine? I didn't expect to see you here." Sabi niya na parang kilala niya ako.

I looked at him confused. "Do I know you?" I asked him while examining his face and voice.

Ngumisi siya at bumaba ang tingin sa akin. "You really can't remember me?" He asked in a calm tone, but that gives a shiver down my spine.

Umiling ako at inosenteng ikiniling ang ulo ko. "Kung kilala kita, nakangiti ako sa harap mo at yakap-yakap ka ngayon." I said rolling my eyes.

Muli siyang ngumisi at ginulo ang buhok ko. "Kahit hindi ka lasing ay napaka maldita mo, no?"

Agad kong inayos ang buhok ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko siya kilala pero sobrang lapit niya sa akin. Sino ang lalaking ito for fuck's sake?!

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now