Chapter 8

61 4 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Naupo kaming dalawa sa sopa at nag-usap tungkol sa isa't isa nang maraming oras, hanggang ngayon ay wala siyang binabanggit na anumang nakakahiyang mga tanong. Mas madalas na tinatanong niya ay tungkol sa pamilya ko at ganoon din sa akin.

Or so I thought...

Not until he asked something unexpected. "Do you like anyone right now, Maxine?"

Agad akong natigilan. Natigilan ako at hindi alam ang sasabihin. Ang pag-uusap namin ay nauwi sa isang bagay na ayaw kong pag-usapan.

Kung sasabihin ko sa kan'ya na may nagugustuhan ako sa isang tao at sya iyon ay baka lumayo siya. Ayokong sabihin sa kanya na siya yun!

I understand that it will really come to the point that we will talk about this kind of things. I just don't want him to know right away that I like him. We've only been friends for a few days. At kung sasabihin ko sa kan'ya na gusto ko siya, hindi ba parang minamadali ko ang lahat? Hindi naman sa ayaw kong malaman niya na gusto ko siya, gusto kong malaman niya, ayoko lang sabihin sa kanya ngayon. 

Tinitigan niya ako saglit, naghihintay ng sagot ko. "Okay lang kung hindi mo sabihin sa akin, Maxine."

He suddenly said, and I smiled nervously. "Baliw ka, nagulat lang ako sa tanong mo, pero... Pero, I don't like someone right now."

Binigyan niya ako ng isang tango at isang maliit na ngiti. Tumingin ako sa orasan at napansin kong maggagabi na. Wish ko lang na magtagal pa siya dito pero may policy ang dorm na tinutuluyan ko na magpalabas ng mga tao bago mag 10.

"Maggagabui na, 'di ka pa uuwi?" Tanong ko na nakatingin pa rin sa orasan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Anong oras ba curfew?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya at tumayo. "Mmamayang 10... May gagawin din akong nga outputs, e."

Tumango siya. "Sa anong subject?"

Saglit akong nag-isip. "Constitutional... and business."

Tumango ulit ang lalaki. Tumayo siya sa sofa at tumingin sa paligid. 

I looked at him in confusion. What is this man's problem now?

"Hoy, bakit? May problema ba?" I asked him with confusion.

"Sure ka ba na safe ka rito?" Biglang tanong niya.

Nababaliw na ba 'to? Ang random niya grabe.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now