Chapter 6

76 7 6
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ano?!" Napatayo si Baldo sa kinauupuan niya.

"Oh, biglang nagka-pake si gago." Mayabang na sabi ulit ni Hiro.

"Tang-ina ka, ah! Nanghahamon ka?!" Galit na galit na sabi ni Baldo.

Biglang may lumipad na libro papunta sa kanya. Lumingon siya para tingnan kung sino ang naghagis nito, at nakita namin ang mga mata ni Mr. Santos na nag-aapoy na tumutusok sa kaluluwa ni Baldo. And I feel like someone grabbed my hand, then hinila ako palabas ng office.

"Hoy! Gago, Bakit tayo lumabas?" Tanong ko kay Andre na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Nakita mo naman kung pano tumingin si sir Santos sa gagong 'yon. Matik na'yon, expelled na si tanga." Halos matawa na sabi ni Hiro.

Binitawan ni Andre ang kamay ko, umiwas siya ng tingin. "Sa susunod wag kang gagawa ng katangahan mag-isa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napataas naman ako ng kilay at sumimangot. "Katangahan? Hoy, Andre, hindi yun katangahan"

Iritableng tumingin si Andre. "Paano kung may mangyari ulit?"

Nawala ang pagkunot ng noo ko habang tinitigan siya ng marahan."Kasama ko si Hiro. Kaya ko ginawa yun."

He sighed. "Kahit na." Iritadong daing niya.

"I smell something fishy... may crush ka ba kay Maxine, Andre?" Hiro suddenly asked, so I glared at him. 

Hindi man lang kumibo sa tanong si Andre at nanatiling nakatingin sa akin. Pero lumapit si Hiro.

"Bro, if you have a crush on her, stop it already." Prangkang sabi ni Hiro na nakaagaw ng atensyon ni Andre.

Tumaas ang isang kilay ni Andre."I don't have a crush on her,  kaibigan ko siya, at nagmamalasakit ako sa kanya."

Nakatayo sa magkabilang gilid ko ang dalawa. Pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa pagitan nila, kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay at pinandilatan sila ng mata.

"Mga gagong 'to! Ayos din biruan niyo, eh, no? Hindi nakakatuwa!" Malakas na sabi ko na pilit inaalis ang tensyon sa kanila. Pero nanatili lang silang nakatitig sa isa't isa.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam ang gagawin at hindi ko rin sila maintindihan. Nababasa ko ang mukha nila pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nila. Nakatitig sila sa isa't isa ng hindi man lang kumikibo.

Nagsisimula na akong mainis kaya tumalikod na ako at naglakad palayo. Napalingon sila sa akin at sinundan ako.

"Maxine, hatid na kita." mungkahi ni Hiro. 

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now