Chapter 3

115 10 17
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kakauwi ko lang ng dorm at eksakto naman na nag vibrate ang phone ko. I checked it, and I saw that Hiro followed me on instagram. I accepted it. Hindi pa naka ilang segundo ay nag dm na agad siya.

Hiro: Maxiiiine

Me: problema mo?

Hiro: sungit

Me: siraulo

Hiro: punta ka bukas ah

Me: Try ko nga kulit neto

Hiro: magtatampo talaga 'ko

Hindi na ako nakapag reply dahil ibinaba ko na ang phone. Hindi ko din alam kung ano ang irereply sakaniya at baka mapatagal pa ang usapan namin.

It's been days since Andre and I had a conversation. Medyo hectic din ang mga nagdaang araw dahil sa mga task at essay na pinagawa saamin.

Ni isang beses din ay hindi ko pa nakakasama sa semester si Andre. Nauurat na ako kakahintay, dahil laging si Hiro ang nakakasama ko.

Hindi sa ayaw ko kay Hiro, pero kasi ayoko sa sobrang kulit. At sobrang kulit nitong si Hiro. Iyong tipong hindi ako makapagfocus ng maayos sa discussion namin dahil ang hilig niyang mangdaldal. Pero masaya naman siyang kasama kaya hindi ako nabuburyong.

"Ano ba, Hiro, huwag kang magulo! Susuntukin kita!" Naiirita kong sabi sa kanya, at sabay kurot sa braso niya.

Ngumiwi siya sa sakit, at inakbayan ako. "Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi tiniris na kita." Nakangiwi pa rin ang labi niya habang nagsasalita.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hoy, kilabutan ka nga." Nakakungot na noo kong sinabi habang nakanguo.

Ngumuso siya."Buti na lang mahal kita."

Kumunot ulit ang noo ko at ngumiwi, sabay tumingin sakaniya na parang nandidiri.

"Has anyone ever told you kung gaano kakapal ang kalyo ng mukha mo?" Tanong ko sakaniya habang nakaangat ang isang kilay.

He snorted. "Ang sakit mo naman, mahal. Pagkatapos ng lahat ganito isusukli mo?"

"Mr. Tores! Kanina ka pa maingay diyan sa likod!" Sigaw ng professor namin kay Hiro, kaya agad ko siyang tinawanan.

"Ayan, kakahipak mo yan." Ani ko habang mahinang tumatawa.

Tinignan lang niya ako ng masama, sabay ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now