Chapter 16

102 10 0
                                    

SIXTEEN

That evening, Luciano went to the Ergo's tower—where he first met Yona. His mind started flashing the first encounter he had with her.

"Mukhang hindi lang ako ang may alam na ito ang magandang lugar para mapanood yung fireworks. So, you also knew?"

"Po?"

"Ah. Ang ibig kong sabihin ay, alam mo na rin na maganda itong lugar para sa pagmamasid?"

"Opo."

He smiled when he was being reminded of how Yona was such a polite woman towards him.

"Cian. Iyan na lamang ang itawag mo sa akin."

"Maraming salamat po, Lord Cian."

"Ikaw? Ano ang pangalan mo?"

"Yona po."

"Yona... Bagay sa 'yo."

"Anong tingin mo sa ating Emperedor?"
"Paano kung hindi talaga siya matapang? Kung hindi siya matatag?"

When the questions back then returned to Luciano, he could still feel the sensations he felt at that time. He was so nervous about what Yona thought, but he was relieved when he heard her answer.

"Ayos lang kung pakiramdam niya'y siya'y nanghihina, kung sa tingin niya'y siya'y mahina, kung hindi niya na kaya. Dahil alam ko na ginawa niya ang kaniyang makakaya at sapat na 'yon. At kung dumating ang araw na hindi na niya kayang maging pinuno na inaasahang maging ng iba, hinahangad ko na maging pinuno siya na hindi nagsusuot ng maskara para itago ang totoong pagkatao niya."

Luciano appreciated every little moment, every little things he shared with her. Even the handkerchief, although it wasn't originally Yona's, he still couldn't help but melt from her kindness.

"Para saan itong panyo?"

"Ramdam ko po'y kakailanganin mo 'yan."

Tumawa nang mahinhin si Luciano. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pansamantalang bagay na puwede mong pamunas ng iyong mga luha sa tuwing nakakaramdam ka ng kalungkutan, o pag-iisa." Cliodhna gently put the handkerchief on his hand. "Hindi nagsisinungaling ang mga mata, Lord Cian. Sinasabi ng mga mata mo ngayon na ito ang kailangan mo."

Nang matapos ang paglanghap ni Luciano sa mga alaala ng nakaraan nilang dalawa ni Yona, bumaba naman ang tingin niya sa mga tao. "I wonder if she's one of those people down there..." He murmured.

...

...

...

"Luckily, you don't have a fever, My Lady."

Nang matapos tingnan ni Vitruvius ang kasulukuyang kondisyon ni Cliodhna gamit ang kaniyang mahika, agad naman na inaabangan nina Riftan at Amelia ang balita. Dahil nga hindi sila nakakaintindi ng Ingles, hindi nila naunawaan ang sinabi ng doktor.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Riftan kay Vitruvius.

"Matuto ka ngang gumalang!" Siniko ni Amelia si Riftan sa may tagiliran kaya napangiwi nang kaunti ang binata. "Ano pong sinabi niyo, dok?" Pag-uulit lamang ni Amelia sa naging tanong ni Riftan, ngunit may bahid na pagkamagalang.

"Wala siyang lagnat." Wika ni Vitruvius sa dalawa upang siya'y maunawaan. Makikita naman sa mukha ni Amelia ang pagkatuwa.

"These past few days, my condition has been getting better." Wika ni Cliodhna kay Vitruvius.

Only Death Awaits Where stories live. Discover now