Chapter 13

141 8 0
                                    

THIRTEEN

Nang maibalik ni Cliodhna ang ayos ng silid, naupo na ulit silang dalawa. Pinunasan naman ni Riftan ang hiwa na natamo niya sa may ibaba ng kaniyang mata.

Nagulat naman ang lalaki ng pagalingin ito ni Cliodhna gamit ang mahika. "Wala akong ibabayad." Wika ni Riftan, tinutukoy niya ang pagpapagamot ng kaniyang sugat.

"Hindi naman kita sisingilin."

"Ngayon, puwede ko na malaman ang rason. Bakit anim na buwan lang kita kailangang protektahan?"

"Gaya ng sabi ko, kahit malakas ako, mayroon akong kahinaan." Panimula ni Cliodhna. "Magaling ako sa labanan, mapa-espada man ang gamit o mahika."

"Sasagutin mo ba ang tanong ko, o pinagyayabang mo lang na mas malakas ka sa akin?"

Cliodhna chuckled. "Patapusin mo muna kasi ako. Napaka-ikli talaga ng pasensiya mo."

Riftan rolled his eyes. "Ano nga?"

"Pagkatapos ng anim na buwan, wala ka nang poprotektahan." Nagulat naman si Riftan sa kaniyang narinig.

"Ano... Anong ibig mong sabihin? Wala na akong poprotektahan pagkatapos nun?" Naguguluhang tanong ni Riftan sa kaniya.

"Anim na buwan," she paused. "Ayan na lamang ang itatagal ko. Kaya asahan mo na sa Marso, hindi mo na kailangang magtrabaho sa akin."

"Itatagal mo? May sakit ka ba? Bakit kung makapagsalita ka, parang mawawala ka na talaga sa mundong 'to?" Kunot-noong pagtatanong ni Riftan.

Mahinhin na tumawa si Cliodhna. "Dahil yun ang totoo, na mawawala na talaga ako rito. At oo, may sakit ako."

'But even if I were to die in this ninth life of mine, alam kong babalik ulit ako sa simula. And the only one who would be able to remember all of the memories that I built in this current life is me. That's the painful part pero aware na ako roon.'

"Kaya kailangan kita, Riftan." Dagdag ni Cliodhna. "Gusto kong protektahan mo ako sa loob ng anim na buwan."

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng silid. Tila malalim ang iniisip ni Riftan nang dahil sa kaniyang narinig.

'Malakas siya, alam ko 'yon. Pero bakit ang isang malakas na babaeng katulad niya'y kakaunti na lamang ang oras? Ano bang sakit niya? Hindi ba 'to nagagamot? Marunong siyang gumamit ng mahika ngunit bakit hindi niya kayang gamutin ang sarili niya?'

"Alam ko 'yang tumatakbo sa isip mo." Cliodhna noticed how Riftan was in deep thought. "Pero walang gamot sa sakit ko."

Kinuyom ni Riftan ang kaniyang kamao. When he heard her words, he felt helpless. Iniisip niya na tila walang kwenta lang din ang gagawin niyang pagprotekta sa kaniya, kung balang-araw ay mawawala na siya. Sa halip na magsalita si Riftan, kinagat niya na lamang ang kaniyang labi upang manatiling tahimik.

"Ngayong alam mo na ang lahat, hindi naman siguro nagbago ang isip mo?"

"Hindi." Agad na tugon ni Riftan.

'Kung tutuusin, mas lalo kong gustong protektahan ka ngayon.'

"Mabuti naman." She said. "Ngayong maayos na ang pag-uusap natin, makakaasa ka na magiging sponsor ako ng orphanage niyo. Puwede ka rin magsulat ng mensahe para kay Erza, upang malaman niya na makakasama mo ako sa trabaho mo. Malamang magiging panatag ang kalooban niya kapag nalaman niyang magkasama tayo."

Only Death Awaits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon