Chapter 7

154 11 2
                                    

SEVEN

"My Lady! Tapos ka na agad makipag-usap sa Emperedor?" May dala-dalang pagkain si Amelia na nakabalot. "Ah, bigay 'to sa akin ng mga katulong dito sa palasyo. Ang babait nila, My Lady! Gusto mo po?" Alok niya.

Tumanggi naman si Cliodhna. "Sa 'yo na iyan. Nabusog na rin naman ako sa usapan namin ni Cian."

"Cian?"

"Magkaibigan na kasi kami ng Emperedor. Iyon ang tawag ko sa kaniya," Cliodhna smiled at her. Not her business smile though.

"Waaah!" Amelia was excited as she heard those words. "Ang swerte naman!"

"Nino? Ako? Tama, swerte nga ako dahil naging kaibigan ko ang pinuno natin—"

"Ang swerte naman ng Emperedor, My Lady! Biruin mo yun, hindi ka pa nagkakaroon ng kaibigan kahit kailan. Tapos siya ang una mong magiging kaibigan?" Amelia said with excitement.

'Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya dahil friendless ako, o ano.'

"Hindi kita inaasar, My Lady, ah! Baka iyon ang isipin mo. Masaya lang ako kasi sa wakas, mayroon ka nang kaibigan. Hindi mo na poproblemahin pa ang magbuhat ng mga problema mo kasi may taong puwedeng tulungan kang buhatin ang iba roon." She said, sincerely.

Napangiti naman si Cliodhna sa sinabi ni Amelia. "Ano ka ba? Hindi siya ang una kong kaibigan. Ikaw yun, Amelia."

Napaawang ang bunganga ni Amelia. "T-Talaga ba, My Lady?"

Tumango si Cliodhna. "Ikaw lang ang nakakaalam ng pinagdadaanan ko."

Amelia felt sad because of what Cliodhna said. Pakiramdam niya'y hindi siya karapatdapat na malaman ang mga pinagdadaanan ng kaniyang amo sa buhay. Kung mayroon mang dapat makaalam nun, malamang iyon ay sina Lord Hamilton at Young Master Cassius.

Ngunit dahil napagdesisyunan na ni Amelia at pinangako niya sa sarili niyang pasasayahin niya si Cliodhna, mas lalo pa siyang nagpursigi. Hindi lang bilang isang katulong na natunghayan kung paano lumaki ang kaniyang amo, bagkus bilang isang kaibigan na rin.

"Huwag kang mag-alala, My Lady! Kaya kong magtatay-tatayan at kuya-kuyahan mo." Biro ni Amelia na ikinatuwa naman ni Cliodhna.

Bigla namang naubo si Cliodhna at nang takpan niya ang kaniyang bibig, tinignan niya ang kaniyang palad at nakita niyang mayroong dugo. Nanlaki ang mga mata ni Amelia.

"My Lady!" Natataranta na siya at hindi alam ang gagawin. "Hihingi po ako ng tulong!"

"Amelia," pinigilan ni Cliodhna si Amelia na umalis. "Huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras dito at abalahin ang ibang taong may sari-sariling trabaho. Umuwi na lang tayo."

"Pero, My Lady—"

Ngumiti na lang si Cliodhna, kaya napasang-ayon na rin si Amelia. Sinigurado nilang dalawa na walang makakakita sa paglabas nila dahil mayroong mantsa ng dugo ang damit ni Cliodhna. Nang makasakay na sila sa karwahe, inilagay ni Amelia ang ulo ni Cliodhna sa kaniyang balikat.

"My Lady, magpahinga ka po muna. Gigisingin na lang po kita kapag malapit na tayo."

Tumango si Cliodhna. "Salamat, Amelia."

...

...

...

"Young Master Cassius, hindi mo po sinabi na ikaw ay bibisita rito." Natatarantang sabi ni Julia.

Kasalukuyan na nasa gusali ni Cliodhna si Cassius. Naroon siya para makita ang kaniyang kapatid. Hindi na niya natiis ang ilang linggong hindi nila pagkikita kaya napagpasyahan niyang siya'y bumisita at kumustahin si Cliodhna.

Only Death Awaits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon