Chapter 11

163 8 2
                                    

ELEVEN

"Bababa na ako rito. Pakitigil ng kabayo mo." Utos ni Cliodhna kay Izach.

"How many times have you said that?" Hindi siya tinitingnan ng lalaki, bagkus ay nakapokus siya sa daan.

'Ang daming nakatingin sa aming dalawa! Naiilang ako.'

"Ang kulit mo kasi. Sinabi nang kaya ko na ang sarili ko, hindi ka naman nakikinig." Inis na giit ni Cliodhna. "At saka, hindi ka ba naiilang? Alam kong ayaw mo sa akin. Kaya bakit kailangan mo pa akong ihatid?"

'Kung gumamit ako ng buhangin gamit ang mahika, malamang kanina ko pa siyang pinuwing at tumakas na sa kaniyang gapos. Pero ayaw ko malaman niya na gumagamit ako nun!'

"I told you, I'll take you home. It won't put me at ease if I let you travel without any maid or guards with you."

"You should've ignored me when you saw me earlier." Bulong ni Cliodhna.

"I heard that."

Cliodhna clicked her tongue. "I heard that," gaya pa nito kay Izach. "Just stop your horse and put me down."

"No."

"Ang kulit mo!"

"So be it."

Dahil sa inis ni Cliodhna, she turned her body and faced him. "W-What are you doing?"

"Put. me. down." Diin ni Cliodhna habang matalim ang tingin kay Izach. Nakatingala siya ngayon at nakaharap sa lalaki.

They're so close to each other that Izach can feel her breath. Pakiramdam niya'y kinikiliti siya nito kaya agad naman siyang hindi makapokus sa pagpapatakbo ng kaniyang kabayo.

"Stop." Izach said.

"No!" Makulit na tanggi naman ni Cliodhna. This time, she held his collar and pulled him closer.

Laking-gulat naman ni Izach nang mapagtanto niyang halos magdikit na ang kanilang mukha. Napatigil tuloy ang kabayo niya saglit.

"You'll drop me off or I'll drop you off?" Pagbabanta ni Cliodhna sa kaniya.

"I—"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Izach nang biglang may tumusok sa binti ng kaniyang kabayo, dahilan upang ito'y maglikot at ang dalawang nakasakay ay nahulog sa may tabing bangin na dinadaanan nila.

Niyakap ni Izach si Cliodhna upang protektahan niya ito sa pagkakahulog. Habang mariin siyang nakapikit, mabilis na gumamit ng mahika si Cliodhna upang makontrol niya ang pagkakabagsak nilang dalawa sa may bangin.

Before falling off of the cliff, she made sure that their damage won't be too severe. Nang malaglag na sila nang tuluyan, agad na napangiwi si Izach dahil sa sakit ng kaniyang likod. Si Cliodhna naman ay nasa may ibabaw niya.

Agad naman na umalis si Cliodhna sa ibabaw ni Izach. "Ok ka lang?"

Pilit bumangon si Izach at nang makita naman ni Cliodhna na nahihirapan ang lalaki, binigyang alalay niya ito. "I think my right ankle... hit a rock from the fall."

Bakas sa mukha ni Izach kung gaano na lamang kasakit ang kaniyang sakong na tumama sa bato. Nang makita iyon ni Cliodhna, napansin niya na may malaking sugat nga roon at ito'y dumudugo.

"Sino ba naman kasing may sabi sa 'yo na protektahan ako kaysa ang sarili mo?" Reklamo ni Cliodhna.

'I didn't know that he's an idiot. I could've protected myself, if he only knew that I can use magic.' 

Only Death Awaits Where stories live. Discover now