Chapter 3

178 14 0
                                    

THREE

'I shouldn't get involved with him. Considering that he's disguising himself, it's probably connected with his hobby: ang makipaglandian sa mga babae without tarnishing his reputation as the disciple of the Magic Tower's master.'

Cliodhna was about to walk pass him, but he stopped her. Hinawakan ni Erich ang pala-pulsuhan ni Cliodhna, kaya napalingon siya.

Tumaas pa ang kilay niya habang tumitingin sa kung saan nakahawak si Erich.

"May kailangan ka?"

"Naliligaw ako."

Kumunot ang noo ni Cliodhna, alam niyang nagsisinungaling sa kaniya ang lalaking iyon. Alam niyang alam ni Erich ang pasikot-sikot sa Ergo.

"Puwede kang magtanong-tanong sa mga tao rito. Kailangan ko nang mauna—"

"Gusto ko ikaw."

"Ano?"

"Gusto kong ikaw ang magturo sa akin ng daan."

Ngiting-wagi pa si Erich sa kaniya. He's someone who makes women fall in love with him with his smile and his bright personality.

Nang humarap nang bahagya si Cliodhna, binitawan na rin ni Erich ang pagkakahawak niya sa kaniya. He was still smiling, innocently.

'What is he thinking? It can't be... idadagdag niya ako sa listahan ng mga babae niya?! No way. He won't sway me, for I know who he truly is.'

"Bakit ako?"

"'Yun ang gusto ko, e, ikaw."

'Because I'm curious why a powerful magic user is disguising herself as a commoner.'

He thought.

"Hindi ko matuturo sa 'yo ang daan. Busy ako. Maghanap ka na lang ng iba riyan."

Todo iwas pa ni Cliodhna kay Erich. Para sa kaniya, walang magandang maidudulot ang pakikihalubilo sa lalaking iyon.

"Ayoko nga. Puwedeng samahan na lang kita sa mga gagawin mo ngayon. Pagkatapos, ihatid mo na ako sa pupuntahan ko."

Nakakaasar pa ang ngiti nitong ibinigay sa dalaga. He has no intention to let her go, especially that he knows she can use magic freely. He's curious about her and his curiosity was leading him to be more stubborn than how he usually was.

It felt weird for Cliodhna. Though Erich was a playboy, he wasn't the type of man who would force some girl. Alam niyang kapag ayaw sa kaniya ng babae, hindi niya ito pinipilit. He would only entertain girls who were interested in him. Thus, Cliodhna was wondering his sudden change of attitude.

'There must be a reason.'

"Ang lalim ng iniisip mo. Share mo naman 'yan."

"Hindi tayo malapit sa isa't isa para hayaang malaman mo ang tumatakbo sa utak ko."

He walked closer. "E, eto? Kung ganito na tayo kalapit sa isa't isa, puwede na ba?" He smiled, enough for her to be irritated.

'He's annoying.'

Bahagya pang umirap si Cliodhna na ikinatuwa naman ni Erich.

"Iniirapan mo ako? Hm?"

"Bahala ka nga. Gawin mo kung anong gusto mo, basta huwag mo lang ako gagambalain. Kung hindi, isusumbong kita sa mga kawal."

Only Death Awaits Where stories live. Discover now