Chapter 8

159 10 5
                                    

EIGHT

Nang ialis na ni Vitruvius ang kaniyang dalawang daliri sa pulso ni Cliodhna, napabuntong hininga siya. "Pagod ang kaniyang katawan."

"Dapat pala, hindi ko muna hinayaan na makausap ni Lady Cliodhna si Young Master Cassius." Amelia bit her nails and anxiety was kicking in. Agad na inilayo ni Vitruvius ang kuko ni Amelia sa kaniyang ngipin.

"Hindi 'yan makabubuti sa katawan mo."

"Pasensiya na, Dok. Hindi ako mapakali. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Ako ang katulong ni Lady Cliodhna kaya ako dapat ang nag-aalaga sa kaniya. Pero sa halip na yun ang mangyari, heto siya ngayon, mas lalong nanghihina."

"Hindi mo kasalanan, Amelia." Kalmadong tugon ni Vitruvius. "Kung tutuusin, ako ang responsable sa kalusugan ni Lady Cliodhna. Kaya hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo."

Amelia sighed. "Ilang oras na simula nang siya'y mawalan ng malay. P-Paano kung hindi siya magising—"

"Yun ba ang gusto mong mangyari?"

Agad na umiling si Amelia.

"Kung gayon, huwag kang magbibitaw ng mga ganoong salita. Delikado. Makapangyarihan ang mga salita, Amelia, tandaan mo 'yan. Kapag nasabi mo na, hindi mo na ulit mababawi." Wika ni Vitruvius. "Kaya bago ka magsalita, pag-isipan mo muna."

Napatango na lamang si Amelia. "Opo. Tama ka, Dok. Pasensiya ka na."

"Ginamitan ko ulit si Lady Cliodhna ng mahika para kahit papaano, kapag nagising na siya, mas magaan ang pakiramdam niya. Huwag mong kakalimutan na punasan ng malinis na tubig ang katawan niya."

"Opo, Dok."

Nang umalis na si Vitruvius sa silid, naiwan naman si Amelia na nakaupo sa may tabi ng kama na pinaghihigaan ni Cliodhna.

'My Lady... sana gumaling ka na.'

...

...

...

Lumipas ang dalawang araw at naging maayos na ang karamdaman ni Cliodhna. Kasalukuyan siyang papunta sa main building ng Hamilton estate, na kung saan doon nakatira ang kaniyang ama na matagal na niyang hindi nakikita.

"My Lady! Dahan-dahan ka lang sa paglalakad. Kakagaling mo pa lang sa sakit, ginagalaw mo na agad ang katawan mo. Magpahinga ka na lang muna. Hindi maganda na palagi mo na lang pinapagod ang sarili mo. Kung may gusto kang gawin, ako na lang ang gagawa nun para sa 'yo."

"Ok lang ako, Amelia. Tignan mo," Cliodhna stretched her arms swang them both. "Magaling na ako."

"My Lady, nag-aalala lang ako na baka mapaano ka na naman."

"Maayos na ang pakiramdam ko, Amelia. At saka, kailangan kong makita si Lord Hamilton."

'Lady Cliodhna... Hindi na niya tinatawag na 'papa' si Lord Hamilton.'

"Importante 'tong gagawin ko ngayon. Isa pang daan para magkaroon ako ng buhay na gusto ko."

"Ah, ganoon po ba, My Lady? Suportado po kita kung gayon!" Masiglang sabi ni Amelia.

"Salamat." Cliodhna smiled at her.

Nang makarating na sila sa loob agad na umakyat sila sa taas at nagtungo sa opisina ng Marquis. Kumatok nang tatlong beses si Cliodhna.

Only Death Awaits Where stories live. Discover now