Chapter 27

48 2 3
                                    

Lutish became aloof to his family. Lumipas ang Christmas at New Year na magkasama sila ni Dolor na nag-celebrate. Imbes na ang pamilya n'ya dapat ang kasama n'ya, first time n'yang mag Pasko na kasama ang magulang ni Dolor. Okay naman ang mga magulang ni Dolor sa kaniya na alam na siya ay kapatid ni Crusu.

Nang makita siya ni Dolor sa shop, pinili nilang pumunta ni Dolor sa Bohol para mamasyal at napasyalan nila ang Chocolate Hills. Iyong silang dalawa lang, iyon ang importante para kay Lutish.

Hinanap kasi ni Lutish ang sarili nito kasama si Dolor na hindi siya pinabayaan. Ang alam ng nanay at tatay ni Dolor sila ng dalawa. May sila na hindi pa official kasi walang label. Katulad ng parents ni Dolor para kay Lutish, sila na ni Dolor.

“Luts, uuwi lang ako baka na-miss na ako ni Atots,” paalam ni Dolor na kararating lang nila ngayon sa apartment ni Lutish. Galing silang dalawa sa Boracay at parehong pagod mula sa biyahe.

Nag-commute lang sila papunta roon at pabalik ngayon pauwi. Walang kotse and helicopter kasi iyon ang gusto ni Lutish. Simpleng travel at para masulit nila ni Dolor ang pamamasyal na walang ibang ginawa buong biyahe kun'di magyakapan. Kung nagda-drive siya hindi n'ya mayakap ng buo si Dolor baka mabangga pa sila. Kaya na-enjoy talaga nila ang bawat isa.

“Hooy...” Agad namula ang magkabilang pisnge ni Dolor at pati ang tainga nito nang halikan siya ni Lutish sa leeg. Naka-pwesto na kanina pa sa likod n'ya at naka-back hug sa kaniya si Lutish.

“Tigilan mo naman ako pati rito?” Natawa nalang si Lutish sa lumabas mula sa bibig nito.

Hindi lang pamamasyal pati ang katawan nito ay nasulit din ni Lutish nang nag-stay sila sa mga room na tinuluyan nila sa lugar na kanilang pinuntahan.

Bago pa mauwi sa loving— lambing, umalis na si Dolor sa apartment nito na pupuntahan na ang na-miss na kaibigan.

Kumunot ang noo ni Dolor na pagpasok n'ya sa loob, halinghing ng pusa ang narinig n'ya. Pinakinggan n'ya ito ng mabuti kasi napansin n'ya hindi naman pusa at parang tunog ng babae na nasasarapan. Tumama ang mga mata nito sa kwarto ni Atots kung saan doon nagmula ang ungol na naririnig n'ya ngayon. Bumilis ang tibok ng puso nito at naisip n'yang tingnan ang kaibigan n'ya.

Alam n'ya na may dinadalang lalaki si Atots na need din nito ng dilig. Ang naisip lang ni Dolor baka pinagsasamantalahan ang kaibigan n'ya ngayon. Lumapit ito at itinulak ng dahan-dahan ang hindi naka-lock na pinto ng kwarto. Mas lalo pang lumakas ang ungol at ipinuwesto na ni Dolor ang isang mata nito upang masilip ang kaibigan na nasa loob. Sana hindi n'ya nalang ginawa, na nagpalaki lang ng mga mata n'ya ngayon.

“A-Atots?” Natigilan ang dalawa at ang bibig ni Atots na uungol pa sana naiwan sa ere habang malaki ang mga mata na nakatingin kay Dolor ngayon.

Naka-focus si Dolor sa lalaking nasa ibabaw ni Atots ngayon na nagtama ang mga mata nila. Maraming tanong si Dolor kung bakit itong lalaki pa na ito ang makikita n'ya na kasama sa sarap ng kaibigan n'ya.


“Kanina ka pa tahimik magmula nang dumating tayo rito.” Pansin ni Lutish ang pananahimik nito at saka tumabi si Lutish sa inuupuan nitong kahoy na nakatumba habang malaya nilang tinatanaw ang malawak na palayan na pagmamay-ari ni Dolor. Mula sa perang kinita n'ya na ibinibigay sa kaniya ni Toni.

Itong malawak na sakahan na ito ang napundar n'ya sa probinsya ng Sorsogon na dito n'ya plano tumira balang araw.

“Dito na ako titira...” walang emosyon n'yang binalingan si Lutish na kanina pa siya pinagmamasdan. “Sasama ka rin?” matagal bago sumagot ang lalaki na iniisip kung seryoso ba o nagbibiro lang itong si Dolor.

Bumuntong hininga si Dolor at saka nito ibinalik ang tingin n'ya sa berdeng tanawin na kanina n'ya pa pinagmamasdan. Ang daming nangyari sa kaniya na marami siyang na-realize. Idagdag pa iyong nahuli n'ya sila Atots at Albe kahapon.

A Roasted Child-star Where stories live. Discover now