Chapter 11

29 1 0
                                    

THE NIGHT was in danger while the two half-brother are ready in the edges of the corner to hear the ring of the bell before attacking each inside the ring— kitchen pala.

Kay Crusu or kay Lutishu?

Until now, galit pa rin ang nananaig kay Crusu. Sariwa pa rin sa alaala nito kung paano siya inalay ng step-brother n'ya sa demonyong lalaki na alagad ni Santanas no'n.

Matalim ang titig ni Crusu na kulang nalang bubulagta na sa sahig si Lutishu ngayon na nginisihan siya at saka walang sabi-sabi na umupo.

“Wow! My favorite!” excited na bata na turan ni Lutish na walang paki sa paligid n'ya na tinitingnan siya ngayon ng dalawang tao na puno ng hinanakit sa kaniya. Ang sa kaniya lang, gusto n'ya na kumain and he doesn't mind people that can't feed him.

Puno ng katanungan si Dolor. Kung bakit nandito ang lalaking sumakal kay Penny noon na muntik nang ikinamatay ng kaibigan n'ya. Nilingon n'ya ang asawa n'ya na nagtatanong kung ano ang relasyon ng husband n'ya sa bagong dating na lalaki ngayon na nakaupo na sa harapan nila.

Ang husband n'ya na hindi na ma-drawing ang itsura, umiigting ang panga ngayon habang magkasalubong ang dalawang kilay. Napalunok si Dolores at saka n'ya tinapik ang tuhod ng asawa nito na ikina-kurap ng asawa n'ya na nahimasmasan.

Halos hihimatayin si Dolor na naramdaman n'yang lumaki ang puso nito nang ipakilala sa kaniya ni Anisa ang lalaki ngayon na ikinagimbal ng pagkatao n'ya.

“Lutishu, brother of your husband.” Wala yatang may narinig si Lutish na maganang kumakain ngayon at takam na takam.

Hindi n'ya manlang tinatapunan ng tingin si Dolor na naninikip na ang dibdib ngayon dahil sa narinig. Gustong uminom ni Dolor ng tubig, pinipigilan n'ya lang. Dahil kaya n'ya pang pigilan ang uhaw n'ya. Pero ang paglaki ng mga mata n'ya at pag-awang ng bibig n'ya ay hindi n'ya talaga mapipigilan.

Saktong paglingon ni Dolor sa asawa n'ya ay siya ring pagtama ng mga mata nilang dalawa. Nagtatanong n'yang tiningnan ang asawa nito na kanina pa tahimik. Ibinaba lang ni Crusu ang tingin n'ya sa plato n'ya ngayon na wala pa ring laman na hindi n'ya pa nilalagyan. Habang ang pinggan ni Lutishu ay ‘di n'ya na need kumain ng almusal bukas sa rami ng kanin na sinandok n'ya.

Kung ‘di tinawag ni Anisa si Lutish, hindi rin nito titingnan si Dolores na mabilis n'ya lang tiningnan. Feeling ni Dolor hindi siya namukhaan ni Lutish na sinigawan n'ya ito noon. Kung ngumiti si Lutish parang ngayon n'ya lang na-meet si Dolor.

Tumayo si Crusu na walang paalam. Napatayo rin si Dolor na nginitian si Anisa na naiintindihan naman ni Anisa at saka sinundan ni Dolor ang asawa nito. Hanggang sa makapasok sila sa isang kwarto na malaki at may mga couch sa loob na katulad sa unit ni Crusu.

“Crusu...” Nang tumigil ang asawa n'ya at nasa magkabilang bewang ang mga kamay nito nakahawak na depress.

Pilit iniintindi ni Dolor kung totoong kapatid ba talaga ni Crusu si Lutish. Kasi it was a shocking revelation. Wala siyang alam and paano naging gano'n na ang hirap paniwalaan.

Si Acai palang ang nakilala n'ya na kapatid ng husband n'ya. Pero si Lutish, ang hirap sa kaniya para  paniwalaan na kadugo ng asawa n'ya iyon.

Hindi naman kasi pala-kwento ang asawa n'ya. The most important thing they were both happy for their marriage.

“Let's sleep,” inaantok na aya ng asawa n'ya na likod pa rin nito ang nakaharap sa kaniya.

Dolor feels that her husband is in distressed now.

“Crusu... nakikinig naman ako kapag nagku-kwento ka...” paalala n'ya sa asawa n'ya na gusto n'ya iparating dito na mag-asawa na sila. Wala na sanang taguan ng secrets kasi magkasama na sila kung ano man ‘yon ay kaya nilang harapin. Silang dalawa ang tunay na magkakampi.

A Roasted Child-star Where stories live. Discover now