Chapter 5

68 2 0
                                    

WALANG TAO pagkapasok ni Dolores sa Bahay nila. Mula siya sa Hospital.

Pina-check up n'ya ang nanay n'ya kahapon na walang tigil sa pag-ubo. Hanggang sa s-in-uggest ng doctor na kailangan i-admit ang nanay n'ya dahil may Pneumonia ito. Tatay n'ya lang ang nando'n na mag-isang nagbabantay sa Nanay n'ya.

“Kuya?” tawag n'ya sa labas ng kwarto ng kuya n'ya.

Apat sila Dolores na magkakapatid. May dalawang anak sa unang asawa ang Nanay nito. Si Ate Esme n'ya ang unang anak ng nanay n'ya, Kuya Dion n'ya. Si Kuya Eris n'ya ay kapatid n'ya talaga sa tatay na silang dalawa ang magkapatid sa magulang na magkasama ngayon.

Namatay kasi ang unang asawa ng nanay n'ya noon. Dahil sa obligasyon na naiwan at walang trabaho ang nanay n'ya. Tapos walang pambayad sa upa na tinutuluyan na apartment na ang may ari noon ay si Eliot, ang tatay ni Dolores. Hanggang sa doon na nagsimula ang lovestory ng parents ni Dolores.

Ang akala ni Eliot ay magiging matandang binata na siya noon sa edad na fifty-five years old. Hanggang sa nakilala n'ya si Flori, na naawa siya lalo na maagang na byuda ito. Niligawan n'ya hanggang sa nagkaroon ng katuwang sa buhay si Flori. Pero ten years pa bago sila nabigyan ng anak dahil may problema si Eliot dala ng katandaan nito na mahina maka-produce ng sperm. And dumating sila Eris at Dolores.

Pitong taon ang tanda ni Eris kay Dolores. Sila Esme at Dion ay may mga sariling pamilya na na minsan dumadalaw sa nanay nila para kumustahin.

“Kuya!” Kinatok na ni Dolor ang pinto ng kwarto ng kuya n'ya. Walang may sumasagot na hindi lumalabas ang kuya n'ya. Alam n'yang natutulog lang ito sa loob.

Kaya mag-isa siyang bumalik sa Hospital para palitan ang tatay n'ya na makauwi muna upang makapagpahinga.

Hindi naman namomroblema si Dolor sa pera na gagamitin dahil may naitabi siya na dapat sa kuya n'ya na hindi n'ya nagamit doon.

“Tay, pakigising si kuya. Utusan mo na magsaing siya at dalhin dito mamayang gabi.”

“Ako na ang magdala.”

“Hindi, Tay. Magpahinga muna kayo. Si Kuya nalang ang utusan n'yo. Tulog lang naman ang ginagawa n'ya sa Bahay.” Makulit ang tatay n'ya na ayaw pumayag. Hindi rin ito makampante sa bahay nila lalo na nasa Hospital ang asawa n'ya.

“Nay, may kakainin po ba kayo?” nag-alalang tanong nito sa nanay n'ya na kakamulat lang ng mga mata. Nginitian siya nito.

Maingay masyado sa Ward kung nasaan ang Nanay n'ya naka-confine. Hindi naman sila mayaman na kayang bumayad sa isang kwarto na private na para lang sa nanay n'ya.

Sa isang silid mayro'ng dose na kama na ang nakahiga ay mga pasyente. Crowded at madadaanan ng ilang tao na bumababa mula sa itaas at umaakyat mula sa ibaba.

“Orange?” suggest n'ya nang walang mai-suggest ang nanay n'ya sa pagkain na gusto nitong kainin.

“Mamaya na... Wala akong gana kumain.”

“Nay, kailangan may gana kayo. Pilitin n'yo...” Tipid na ngumiti ang nanay n'ya sa maktol nito.

Sumapit ang gabi na tatay n'ya lang ang bumalik. Wala ang kuya n'ya. Hindi alam ni Dolores kung ano ang gagawin n'ya sa kuya n'ya na ang hirap no'n pakiusapan.

Hindi umuwi si Dolores pagka-umaga. Ang tatay n'ya lang ang umuwi at pagkagabi sumama na ang Kuya n'ya na hinatid ang tatay n'ya at susunduin siya.

“Mabuti lumabas ka rin,” salita nito nang ibinaba siya ng Kuya n'ya sa isang Drugmart. Drugstore na may market na pwedeng mamili ng groceries at kung ano pa na kakailanganin.

A Roasted Child-star Where stories live. Discover now