Chapter 21

29 2 0
                                    

HINDI na nag-almusal si Dolor na dumiretso agad siya sa shop.

Nasa apartment kasi nila si Lutish na hinayaan ni Atots na pumasok at magluto ng breakfast nila. Imbes na gutom na siya kanina na gusto n'ya na kumain ng almusal paglabas n'ya ng kwarto, itinago n'ya nalang ang gutom n'ya na sinabi n'ya sa dalawa na busog siya at ayaw n'ya kumain.

Dapat naman talaga siyang masanay na pumapasok sa apartment nila si Lutish. Iyong galit n'ya ngayon at pag-init ng ulo n'ya naiiba lalo na mula pa kahapon mainit ang ulo n'ya sa lalaking iyon.

Half-day lang siya ngayon kasi alam n'yang pupunta sa shop si Lutish na ayaw n'ya makasalubong ang lalaki ngayon.

“Nag-effort ang tao.” Mabilis nitong nilingon si Atots na magkaharap sila sa hapag-kainan ngayon habang hinihintay ang Pork Pochero na maluto na niluluto nilang dalawa.

Umangat ng sabay ang magkabilang balikat ni Atots na nadulas lang ito. She acknowledged Lutishu's effort for her friend. Aware siya na may sigalot sa pagitan ng dalawa. Kung hindi lang nagmakaawa sa kaniya si Lutishu kaninang umaga hindi n'ya talaga ito papasukin sa loob ng apartment. Konsensya n'ya ang nangingibabaw na naawa sa lalaki na gustong ipagluto sila na for her, nakakakilig naman mag effort ang isang Lutishu. Nakalimutan n'ya na may galit siya dati sa lalaking ito.

Hindi lang si Dolor ang nasaktan pati rin si Atots na minura n'ya pa nga rati si Lutishu na lapit nang lapit sa kaibigan n'ya. Masama ang loob n'ya lalo na sa ginawa ni Crusu sa kaibigan n'ya na pati sa pamilya ni Crusu galit siya at kay Lutishu. Gusto n'ya magbayad ang mga ito sa ginawa sa kaibigan n'ya. Habang tumatagal nakikita n'ya na sincere si Lutish na hindi n'ya pa nasasabi sa kaibigan n'ya baka magalit sa kaniya. Nahahalata ni Atots na may gusto itong si Lutish kay Dolor. Para sa kaniya, depende kung saan sasaya si Dolor. Ayaw n'ya lang maranasan ulit ng kaibigan n'ya ang pait na karanasan, na ayaw n'ya ulit humantong na naman ang kaibigan n'ya sa pagkakataon na gusto na naman nitong tapusin ang buhay n'ya.

Si Dolor nalang ang mayro'n siya ngayon na kinakapitan n'ya. Tanggap na ni Atots na tatanda siyang dalaga. Inaabangan n'ya nga ang magiging anak ni Dolor. Kasi hindi na siya nangangarap na gusto n'ya nalang maging rich and independent Tita ng mga anak ni Dolor.

“Nginingiti mo diyan?” saway sa kaniya ni Dolor na para itong nagising.

“Wala!” salungat n'ya pa na hindi n'ya namamalayan nakangiti na pala siya sa pagdi-day dream.

“Paalisin mo na si Lutish.” Pagmamakaawa sa kaniya ni Dolor na dahilan ng pagka-kunot ng noo nito.

“‘D-di pwede...” agad umiwas ng tingin si Atots na ayaw nito pumayag. Hindi inalis ni Dolor ang tingin nito sa kaniya hanggang sa kusang bumalik ang tingin ni Atots sa kaibigan n'ya at saka sila nagsukatan ng tinginan dalawa.

“Malulugi ang negosyo ko! Alam mo ba na ang ibinayad n'ya four times sa presyo ng upa ng apartment na kinuha n'ya?”

“Wala akong pakialam! Two weeks palang naman siya ‘di ba?”

“Do—”

“Ako na ang magbabayad ng upa n'ya dodoblehin ko— eight times.” Naningkit nalang ang mga mata ni Atots na pinagpapawisan na ngayon sa kung ano ang magiging desisyon n'ya.

“Ano?” parehong nakaangat ang magkabilang kilay ni Dolor na tinatantya siya kung papayag ba ito o hindi.

Lumukot ang mukha ni Atots na pati utak n'ya minamartilyo sa magiging desisyon nito.

“Bakit ba kasi... a-ano ang pinag-awayan ninyo na umabot pa sa ganito? Akala ko kasi okay na kayo... ‘Di ba ikaw pa nga ang tinanong ko kung okay lang sa ‘yo na ipa-rent ko kay Lutish ang isang room sa second floor? Sabi mo bahala ako mag-decide—”

A Roasted Child-star Where stories live. Discover now