Chapter 13

28 2 0
                                    

While the three busy chitchatting, Dolor entered their room to change her outfit.

Bumabagabag pa rin sa isip nito ang inugali ng asawa n'ya na panibago sa kaniya. She did not expect her husband to treat her in that way.

Iniisip n'ya kung ano pa ba ang susunod. Lalo na magsasama sila ng matagal.

Bumukas ang pinto at pumasok ang asawa nito na tiningnan n'ya sa mga mata. Nag-aalala naman siyang tiningnan ng asawa n'ya na nagsisisi na sa ginawa sa kaniya na wrong move iyon.

Ang tahimik nilang dalawa. Ayaw ni Dolor na siya ang una na magsasalita at si Crusu rin na hinahagilap ang boses ng asawa n'ya.

Tumikhim si Dolor na agad siyang tiningnan ng asawa nito at nagtama ang mga mata nilang nangungusap na mag-usap na silang dalawa. Parehong matatas ang pride ng dalawa na mas mataas pa sa Eiffel tower ng Paris.

Tinanggal ni Crusu ang suot nitong relo at saka n'ya inilagay sa drawer. Tapos lumapit siya sa asawa nito na kanina pa nakaupo sa kama na tinabihan n'ya. Para silang nagninilay na ang tingin yata nila Semana Santa ngayon.

“Babe...” namamaos na boses ni Crusu na nakikiusap. Tiningnan naman siya ni Dolor na talagang nag-iinarte lang ngayon. Gusto magpalambing.

“N-nag-away kayo ng daddy mo?” kanina pa pinipigilan ni Dolor na gusto n'ya itanong na ngayon ay naitanong n'ya na kay Crusu.

Agad namang napahilamos si Crusu sa buong mukha nito gamit ang dalawang kamay n'ya. Gusto n'ya mag time out muna about sa daddy n'ya. Kung ano ang iniwan n'ya sa Bahay nila ay maiiwan lang doon.

“Crusu... Anong pinag-usapan ninyo ng daddy mo? Hindi iinit ang ulo mo nang gano'n lang.”

“Dolor!” Natigilan si Dolor. Alam n'yang seryoso na ngayon si Crusu lalo na tinawag siya nito sa pangalan n'ya.

Lumunok si Dolor at saka siya bumuntong-hininga habang sa kabilang direksyon ito nakatingin.

She was naturally curious that she wanted to know. That's all.

For Crusu, he wanted to protect his wife's mind that his wife won't overthink too much. Especially his dad's words were toxic and not healthy for his wife's mental foundation if she will hear it.

Nakahiga silang nakatalikod sa isa't isa. Sa kanilang dalawa, si Dolor ang nahihirapang makatulog. Si Crusu humihilik na. May mga iniisip kasi si Dolor at isa pa may insomnia siya na inaatake siya ngayon. Nasanay pa rin siya sa body clock n'ya noon. Lalo na nang nasa Extra Volta pa siya na tuwing gabi gising siya roon at madaling araw— minsan inaabot pa ng umaga bago siya makatulog.

Baka masakal n'ya ang asawa n'ya hanggang sa malagutan ito ng hininga. Pinili n'yang bumangon at saka n'ya hinanap ang Fluffy home slippers n'ya na nasa ilalim ng kama na kaniyang isinuot at saka siya tumayo. Then lumabas siya ng kwarto.

Pagkalabas n'ya nadatnan n'ya si Govin na nakaupo sa isang silya sa dining table na nakaharap sa kaniya. May isang tasa rin na nasa harapan nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hindi pinuputol ni Govin ang titig nito sa kaniya hanggang sa lumapit siya at hinila ang isang silya para magkaharap silang dalawa ngayon.

“Hindi ka rin makatulog?” usisa ni Govin sa kulog na boses nito.

Kumibit-balikat si Dolor at saka n'ya inupuan ang silya na hinila n'ya.

“Body clock mo siguro pang abroad.” Hindi akalain ni Dolor na matawa siya sa sinabi ni Govin. Tipid namang ngumiti si Govin na nasisiyahan dahil tumawa si Dolor sa sinabi nito na medyo joke.

“Ang petite mo, ano?” tanong ni Govin sa naniningkit nitong mga mata. Sexy girl ang dating ni Dolor para sa kaniya na pwede maging model. Pwede n'ya ring ireto sa mga talent manager na mga kaibigan n'yang akla. Ang body figure ni Dolor ang hinahanap na total package talaga.

A Roasted Child-star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon