Chapter 20

28 3 0
                                    

2 YEARS LATER...



Mahimbing ang tulog ni Dolor nang magising ito sa isang ingay na nagmula sa labas ng sleeping quarter na may kumakatok.

Papungas-pungas itong bumangon na badtrip dahil hindi n'ya nakompleto ang 8 hours sleep n'ya na tatlong oras lang ang itinulog nito.

“Mam... I'm s-sorry...” paghingi ng pasensya sa kaniya ni Ivory matapos siya nitong gisingin.

Ramdam ang kaba sa boses ni Ivory na para itong may kinakatakutan ngayon na hindi nakaligtas kay Dolor.

Napapikit si Dolor dahil sa nararamdaman n'yang paghapdi ng mga mata nito na kagigising lang at nasisilawan sa liwanag ng ilaw na nasa labas ng kwarto. Nakapatay kasi ang ilaw sa loob ng sleeping quarter na gusto n'ya. Iyon ang nakasanayan n'ya sa tuwing siya ay matutulog na nakapatay lahat ng ilaw.

“Ano iyon, Ivory?”

“Mam... Nasagi ko kasi ang isang b-balde ng tapioca...” Hinihingal na ito sa pag-explain habang nasa ibaba ang kaniyang mga mata.

Kumunot ang noo ni Dolor na tatanungin pa sana n'ya ito kung paano nangyari nang itinuloy ni Ivory mismo ang pagpapaliwanag nito.

“H-hindi naman po... s-sadya, Mam... N-nagalit po si Sir... Pwede naman po na... i-ikaltas n'yo nalang sa next na sahod ko. Si Sir po kasi... inutusan po ako na... m-magpaalam na raw po ako sa inyo...” Piniga ang puso ni Dolor sa pahayag ni Ivory sa kaniya.

Tatlong buwan na nagta-trabaho sa kaniya si Ivory sa business nito na isang Milk tea shop. Ito ang naisip n'ya na business na almost one year na. Sikat ang business na ito nang time na sinimulan n'ya at hindi nga siya nagsisi dahil may mga valued customers na sila na bumabalik sa kanila to purchase their milk tea. Also fruit shake na idinagdag nila para hindi naman magsawa ang ilang customers nila na puro milk tea nalang mayro'n sila.

May cake rin sila na si Dolor mismo ang nagbi-bake. Matagal na siyang marunong gumawa ng cake na nito n'ya lang naisipang ilabas para pagkakitaan.

“Mam?” Pagpukaw sa kaniya ni Ivory mula sa pagkatulala nito kaya kumurap-kurap si Dolor.

“Nasaan iyang sir na sinasabi mo?” Natahimik si Ivory at ibinaba na naman nito ang tingin n'ya. Magkasabay na bumagsak ang magkabilang balikat ni Dolor na umuusok na ang magkabilang ilong nito. Naalala n'ya na hindi lang pala siya ang batas kun'di mayro'n pa na superior sa kaniya na kung umasta may ari nitong negosyo n'ya.

Naabutan n'ya sa dining area kung paano tumaas ang boses ng isang lalaki na nakatalikod habang minamanduhan ang mga tauhan nito. Napahawak nalang si Dolor sa batok n'ya na kaniyang mahinang minasahe.

Pala-desisyon pa kumpara sa kaniya ang lalaki at hindi pwede sa kaniya na ganito ito. Lalo na siya ang may authority at hindi ang lalaking ito ngayon na nasa magkabilang baiwang nakahawak ang magkabilang kamay na ngayon ay feeling boss.

“Kung ayaw n'yo magaya sa isa bago lang... Seryusuhin n'yo mga ginagawa n'yo,” malamig na tono pa nito na ikinailing ni Dolor. Ang ilan sa empleyado ng shop ay nakatingin na kay Dolor na sinenyasan n'ya na ‘wag ipahalata na nasa likod lang siya ng lalaki ngayon.

Biglang tumahimik ang lalaki na nanlaki ang mga mata nito na pagbaling n'ya sa likod n'ya, si Dolor agad nakita ng mga mata n'ya na naka-krus ang dalawang braso ngayon. Umirap si Dolor na tinalikuran n'ya ito na hudyat sa lalaki na sundan siya hanggang sa umabot sila sa loob ng sleeping quarter.

May sleeping quarters ang shop para sa mga empleyado na gusto magpahinga kung need nila matulog example. Gano'n mag-alaga si Dolor sa mga tauhan nito pwera nalang sa isa na boss kung umasta. Walang puso in short.

A Roasted Child-star Where stories live. Discover now