Chapter 8

43 1 0
                                    

IF YOUR FAMILY loves you. Whatever your fault, your family still welcome you with an open arms. Only your family accept your flaws. No matter what happened.

“Hindi mo na ba hihintayin ang kuya mo—” Hindi natapos ng nanay n'ya ang sasabihin pa sana nito nang takpan ang bunganga dahil biglang inatake ng ubo.

Pumuwesto naman si Dolor sa likod ng nanay n'ya at saka hinagod ang likod ng nanay nito na nakayuko ngayon sa kauubo. Ginagawa ito ni Dolor para ang plema ng nanay n'ya ay hindi dumikit at matanggal upang mailabas ng nanay n'ya na maidura nito.

Hindi pa rin tumitigil ang nanay n'ya na dumating ang tatay nito na may dalang isang baso ng tubig na agad kinuha ni Dolor at saka inabot sa nanay nito. Para mainom ng nanay n'ya at para gumaan ang pakiramdam nito ngayon.

Napaisip si Dolor kung ano ba ang gagawin sa nanay nito na hindi matanggal ang ubo. Hindi effective ang mga gamot na niresita sa nanay n'ya. Effective naman ang ilan pero ang hirap intindihin bakit hindi gumagaling ang ubo ng nanay n'ya.

She would be asking what technique they will do.

Awang-awa na siya ngayon sa nanay n'ya na muntik nang malagutan ng hininga sa kauubo na hinihingal pa at pulang-pula ang buong mukha. Pinipiga ang puso ni Dolor sa tuwing nakikita ang kalagayan ng ina na mas lalong pumayat pa ngayon. Dahil bawal pa rin ang ibang pagkain sa ina n'ya. Kaya hindi ito kumakain ng maayos na nag-aalala na sila.

Mabait ang parent ni Dolor sa kaniya. Akala n'ya nga hindi siya papansinin dahil sa naalala n'ya ang sinabi ng kuya n'ya na kamumuhian siya ng mga ito, kapag magpakasal siya kay Crusu. Hindi akalain ni Dolor na pagpasok n'ya sa Bahay nila, sinalubong siya ng Nanay n'ya na nakabuka ang dalawang braso at saka siya ikinulong sa mga bisig nito na nagpaiyak sa kaniya.

Hindi siya kayang deadmahin ng parents n'ya na mahal na mahal siya hindi dahil bunso siya. Siya nalang ang may paki ngayon sa mga magulang n'ya na tumatanda na.

“Nandito na ang mayaman kong kapatid!” kuya n'ya na mula sa labas at sa kaniya agad ang tingin na matalim. Mabilis n'ya lang tiningnan ang kuya n'ya at saka siya yumakap sa nanay n'ya ngayon na pareho na silang nakaupo sa upuan na kahoy na may foam na pang sala set.

“Eris, hinahanap ka ni Kagawad. Ngayon mo raw sinabi na magbabayad ka ng utang mo. Ang usapan ay usapan daw.” Ang tatay ni Dolor na si Mang Eliot na nakatayo ngayon na nag-aalala sa asawa n'ya.

Kahit hindi nito sabihin. Mahal na mahal n'ya ang asawa n'ya na kung pwede lang n'ya akuin ang sakit ng asawa n'ya ay sana sa kaniya nalang napunta. ‘Di dapat sa asawa n'ya.

“Putah!” sabay kamot ni Eris sa ulo nito na pinupugaran ng kuto. Saka n'ya tiningnan ang kapatid habang nakaangat ang gilid ng ibabaw ng labi nito.

Wala na itong alam na pwedeng pagkuhaan ng pera. Alam n'ya na may pera na ang kapatid n'ya ngayon. Ayaw n'ya manghingi. Kaya siya nangutang dahil dinagdag n'ya sa pambili ng gamot ng Nanay n'ya.

Hindi naman nangungutang si Eris para sa mga bisyo nito. Lahat ng inuutang n'ya para sa kapakanan ng pamilya n'ya. Hindi n'ya na iniisip ang sarili n'ya. Kaya labis itong nasaktan nang ang inaasahan n'yang kapatid na alam n'yang susi para makaahon sila mula sa kahirapan, tumigil nalang sa pag-aaral. Masakit para sa kaniya. Kasi ginagawa n'ya naman ang lahat para may magandang future si Dolor na lumayo sana ito mula sa buhay na kinagisnan nila na mahirap. Pero parang si Dolor lang ang nakalayo at nakaangat. Siya at ang mga magulang nila ay nanatiling nasa laylayan pa  rin.

“Magkano ba? Eto twenty thousand. Okay na siguro ‘yan?” Inilahad ni Dolor ang pera na hinugot n'ya mismo mula sa sling bag na dala nito. Napakamot sa gilid ng labi n'ya si Eris na nag-iisip. Mataas ang pride nito na nasa isip n'ya na na hindi tatanggapin ang pera mula kay Dolor kapag siya ay bibigyan.

A Roasted Child-star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon