Chapter 18

10 0 0
                                    

Luna Azariah Henderson

Hanggang ngayon ay hindi pa din mapakali ang puso ko. Para na akong magkakaroon ng heart attack dahil sa lakas ng tibok nito.

Bakit ba kasi nagiging ganito bigla-bigla ang reaksiyon ng puso ko sa tuwing nasa tabi ko si Brielle. Idagdag pa kanina yung pagpunas niya ng pawis ko out of nowhere. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Kumalma ka ngang puso ka! Di ko malaman kung ilang daga ang naghahabulan sa loob. Kung kanina yung dahilan ng sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay dahil sa takot. Ngayon naman, ay dahil sa taong yelo na 'to.

Sobra akong naiinis sa kanya! Pano ba naman, para na akong mawawalan ng malay dahil sa takot dun sa loob ng horror booth. Samantalang siya, nakangisi lang. Halatang nang-iinis.

‘Ikaw naman ang nagpumilit na pumasok sa horror booth. Tapos ngayon, magrereklamo ka.’

Oo na, kasalanan ko na.

Pasaway na isip to. Hindi ko naman kasi inaakala na sobrang nakakatakot sa loob. Para tuloy akong nasa horror movie kanina.

"For you."

Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nilagay na pagkain ni Brielle sa harapan ko.

Cupcakes!!! My favorite!!!

Hindi lang isa, kundi lima. Nakakatakam!

"Thank you, Brielle. Hati tayo dito."

"I don't like sweets."

I just nodded at her at nagsimula ng kumain.

Ang sarap!!!

‘Akala ko ba naiinis ka sa kanya?’

Heh! Tumahimik ka!

‘Cupcakes lang pala ang pansuhol sayo.’

Paki mo ba! Masarap eh.

"Don't you like your food?"

Eh? Pinagsasabi nito?

"Gusto ko, actually favorite ko to Brielle."

Naalala ko na naman yung araw na nabunggo ako ng kumag na 'to. Nasira talaga ang araw ko nun dahil sa nangyari sa mga cupcakes ko.

But never did I thought na ang taong sobrang kinaiinisan ko ay siyang nakakasama ko ngayon.

Si Brielle yung tipo ng tao na ang hirap intindihin. She really did built a wall upon herself. Kaya ang hirap makapasok sa buhay niya.

Wala siyang pakialam sa iba, maging sa damdamin ng ibang tao. She can be rude to anyone. Kahit mga teachers namin at si Dean hindi niya pinalampas.

Ngunit sa konting panahon na minsan ay nakakasama ko siya, alam ko sa sarili kong hindi siya ganitong klase ng tao. I know that she had her own reasons kung bakit siya nagkaganito.

For sure, Brielle had her own stories na walang sino man ang nakakaalam maliban sa kanya. At alam ko din sa sarili ko, na mabuting tao talaga siya.

But there's one thing na ipinagtataka ko. Whenever na mamention ang Mom niya, despite of her emotionless eyes, ay nagpapahiwatig ito ng labis na kalungkutan. After that, labis na galit naman ang nakikita ko sa mga mata niya.

Saan nagmumula ang galit na yun? Hindi lang siya basta galit, kasi iba eh. Kapag tumititig ka sa mga mata niya, nakakakilabot.

Para siyang isang prey na naghihintay ng pwede niyang mabiktima. Yung tipong any minute ay handa siyang pumatay.

I maybe sound overreacting or what, pero ganun talaga ang nararamdaman ko.

"I need to go."

Saan naman kaya siya pupunta? Ang peaceful niya lang kanina tingnan habang nakaupo at nakapikit. Tapos ngayon, yung mukha niya parang ewan.

Frozen Romance (GirlXGirl)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن