Chapter 1

54 0 0
                                    

Luna's POV

Umagang umaga pa lang pero daig ko pa ang hinahabol ng sampung kabayo sa pagmamadali para makapunta ng mas maaga sa school. Sino ba naman kasi 'tong bagong lipat na poncio pilato na kailangan pang i-welcome ng bonggang-bongga. Hindi pa ba sapat sa kanya na i w-welcome na siya ng lahat ng teachers dun. Kailangan pa na pati kaming student council officers nandoon din. At sumakto pa talaga na wala ang President dahil may seminar itong pinuntahan. Kaya ako ang naatasan na pumalit since ako ang VP.

"Azariah, tapos ka na ba diyan? Anong oras na pero hindi ka pa din bumababa."

Ayan na naman ang maganda kong nanay. Dinaig pa ang alarm clock ko sa paulit-ulit na pagremind sa akin.

"Eto na po Nay, bababa na."

Dali-dali na akong lumabas ng kwarto bago pa ako tawagin ulit.

Hindi pa ako tuluyang nakababa pero amoy na amoy ko na ang niluto ni nanay. Amoy pa lang nakakabusog na.

"Hmmm, ang bango ng luto mo Nay. Mukhang mapaparami ang kain ko ah."

Natawa naman si Nanay habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking baunan. Sa school na lang ako mamaya kakain since sobrang aga pa.

"O, eto na 'yong baon mo. Ubusin mo yan mamaya ah. Huwag kang magpapagutom."

Agad ko naman itong inabot at nilagay sa loob ng bag ko. May canteen din naman sa school kaso mas makakatipid ako kapag may dala akong baon. Masasarap naman ang mga pagkain dun kaso ang mamahal. Tsaka para sa akin, mas masarap pa din ang luto ni Nanay.

"Opo Nay, simot lahat yan mamaya sakin."

Saad kong natatawa.

"Ikaw pa ba, daig mo pa kaya ang construction worker kung kumain."

"Nanay naman eh. Grabe ka sa akin ah. Anak mo ba talaga ako?"

At tinawanan lang ako ng magaling kung nanay. Totoo naman, madami ako kung kumain. Pero huwag naman yung daig ko pa ang construction worker. Tsaka for your information, hindi ako mataba ah. Hindi din sobrang payat, sakto lang. Pang model ang dating, di joke lang.

'Assuming ka lang.' sabat ng mahadera kong utak.

"Alis na ako Nay ah."

"Mag-iingat ka. Nandiyan na din pala si Albert sa labas naghihintay sayo."

Humalik muna ako kay Nanay bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Magandang umaga Kuya!"

"Magandang umaga din sayo Luna. Diretso na lang ba kita sa paaralan niyo?"

"Sige Kuya."

Si Kuya Albert ang laging tagahatid ko tuwing umaga. Minsan siya din ang sumusundo sakin pag ginagabi ako ng uwi. Lagi pa nga kaming napagkakamalan na mag jowa. Pero ang totoo ay pinsan ko siya. Pogi din naman itong si Kuya Albert. Matangkad, moreno at may pagka chinito.

Ako lang yata ang naiiba ng kulay sa angkan namin. Since ang tatay ko ay banyaga. Kaso sa kasamaang palad, bigla na lang itong hindi na nakabalik after niyang pakasalan ang nanay ko. Umalis ng walang paalam at sa di malamang dahilan na kahit si nanay ay hindi alam.

Dalawang taon lang naman ang tanda ni Kuya Albert sakin. Kaso dala na din ng kahirapan ay hindi na nakapagpatuloy pa ng pag-aaral si Kuya. Tumutulong na lang siya sa kanila ni Tita at Tito sa pamamagitan ng pagpapasada niya ng tricycle.

"Uy, Luna! Nandito na tayo. Natulala ka na diyan."

Napabalik naman ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Kuya. Nakarating na pala kami at hindi ko man lang namalayan.

Frozen Romance (GirlXGirl)Where stories live. Discover now