Chapter 8

10 0 0
                                    

Luna's POV

Kakaiba din talaga ang babae na 'to. Nakakaubos ng pasensiya.

Mas okay pa nung naglilibot kami kanina kasi tahimik lang siya. Halatang binibigyang pansin ang mga nasa paligid niya. Kung may masabi man siyang salita at least may kabuluhan.

Hindi kagaya ngayon, saksakan pala ng kasungitan ang tao na 'to. Ayaw makinig, sobrang tigas ng ulo. Idagdag pa na ayaw din magpatalo. Katulad ngayon, kung hindi ko pa siya pinilit hinila ay malamang sa malamang hindi to nakasunod ngayon sa akin.

Ang kaso nga lang kahit napasunod ko siya pero pilit naman na nagpupumiglas. Napapatingin na tuloy ang mga estudyanteng nadadaanan namin sa aming dalawa.

Kung hindi lang dahil sa kanila ni Dean at ni Sir Keith, ay hindi ko pagtitiisan ang kumag na to. Sino ba naman kasi ang may gustong makasama yung tao na sa una pa lang ay hindi na maganda ang nangyari sa inyo. Wala di ba?

Tsaka hindi ko pa din nakakalimutan ang pagkakabangga niya sakin at pagtawag sa akin na stupid. Makastupid ba naman ang higante na 'to.

Yes, higante talaga. Ang tangkad-tangkad naman kasi niya. Hanggang balikat niya lang yata ako. Walang binatbat ang 5'6 na height ko sa kanya.

"Let me go."

Ayan na naman siya, nag-uumpisa na naman. Baka naiinis na to sa akin dahil kanina ko pa siya hila-hila. Eh sa anong gagawin ko, kapag hindi ko siya hinila, hindi din naman siya sasama.

My patience wavers, but I refuses to give up. Huminga muna ako ng sobrang lalim, composing myself.

"Brielle, I understand you're not thrilled about being here or having to depend on someone else, but trust me when I say you won't regret coming with me. There are things you need to know about this academy, important people to meet, and I want to show you around."

Halata naman kasi na ayaw niyang makipaghalubilo sa iba. Allergic ba siya sa tao? Idagdag pa na sobrang cold niya din. Kung base lang sa tingin ko, eh baka pati pagpasok niya dito sa Academy i-napipilitan lang din.

"And why should I believe you? Why should I trust you?"

Ang cute talaga mg accent ng masungit na 'to. Ang sarap pakinggan. May lahing Briton kaya siya? Wala din naman kasi nabanggit nung pinakilala siya sa amin kung saang lupalop siya nanggaling.

Pero grabe naman yung mga tanong niya. Hindi naman ako mukhang masamang tao ah.

May trust issue ba siya? Pero sabagay, mahirap din naman kasi na magtiwala lang agad ng basta-basta. Kaso iba naman ang sitwayon namin ngayon.

Kalma lang Luna, kalma.

"I was once a new student here too, not too long ago. The Academy can be overwhelming, but I had someone by my side who helped me through it all. I want to be that person for you."

Noong unang pasok ko dito ay ganitong-ganito din ako. Hindi ako kampante sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko malaman kung yung mga nakakasalamuha ko ay talagang totoo o nagpapakitang tao lamang.

Kung hindi niyo pa alam, ay naging biktima din ako ng bullying dito. At ang dahilan nila ay dahil isang di hamak na scholar lang ako ng Academy. Ang babaw hindi ba? Porket mayayaman sila, ganun-ganun na lang nila alipustahin ang mga nagiging scholar dito. Kahit scholar lang ako, ay hindi ko yun kinakahiya. Pinaghirapan ko din kaya ang lahat bago ako nakapasok dito sa Academy.

Oo, mahirap lang kami kaya sobrang pasasalamat ko ng nakapasa ako at nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral dito. Isa ako sa maswerte at lubhang mapalad na nakapasa at napiling makapag-aral dito sa Academy. Hindi lang basta-basta na school pa ah, isang prestihiyosong Akademya pa.

Frozen Romance (GirlXGirl)Where stories live. Discover now