Chapter 2

24 0 0
                                    

Luna's POV

Right now, we're making our way to the Dean's office together with our Council's adviser. May mangilan-ngilan na din na mga estudyante kaming nakakasalubong dito sa hallway. Panay bati din sila sa amin but mostly kay Kelly nagpapapansin at wala ng bago dun. Mabait din naman si Kelly. Idagdag pa na maganda ito at friendly, kaso sobrang mapang-asar nga lang.

"Vice, may idea ka ba kung sino yung i m-meet natin?"

"Wala eh, at wala din may nabanggit si Dean na kahit ano ukol dito."

Hindi naman siguro yun masamang tao, di ba? But nakakapagtaka lang na kahit pangalan nito o kahit student profile lang man ay hindi man lang sa amin pinaalam. Mostly, kapag may mga mag t-transfer dito sa school, pinapasa agad ni Dean sa amin ang student profile nila para ma assess namin.

"Kakaiba yata yung isang to Vice."

Napakunot naman ako ng noo sa tinuran niya.

"Bakit naman?"

"Eh kasi masyadong pa suspense eh. Tapos mala VIP ang treatment."

May point din naman si Kelly. Sa dinami-dami na ng mga nag transfer dito sa school, ngayon pa lang ito nangyari.

"Malalaman natin yan mamaya kapag nameet na natin ang taong to."

Tumango na lang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Malapit na kami sa office ni Dean. Mula dito, makikita na yung mga faculty and staffs na nagsisipasukan habang si Dean naman ay nakatayo sa labas ng pintuan. Mukhang kami yata ang hinihintay.

"Good morning, Dean."

We greeted in unison.

"Good morning, officers. Ms. Santiago, kindly bring them to my room."

"Dean naman, edi wala yung mga magagandang mukha namin sa pa grand entrance ng bagong lipat natin."

Baliw talaga 'tong si Kelly kahit kailan. Pero natawa naman si Dean sa kanya. Mabuti na lang at hindi terror itong si Mrs. Villareal at marunong makisabayan. Ngunit alam ng lahat ng estudyante dito that when it comes to school policies and other matters that involve inside the school premises, Mrs. Villareal was absolutely strict.

"Ms. Dela Ville, relax. Ma m-meet niyo din siya mamaya. But for now, doon muna kayo."

"Ooookay."

Ms. Santiago lead the way at sumunod na lang kami. This must be my second time na nakapunta ulit dito sa office ni Dean. Ngayon ko lang din lubusang napagtanto na ang laki din pala nito. Simple lamang ang mga gamit na nandito yet classy naman tingnan.

Since nandito kami sa pinakaoffice ni Dean ay wala man lang kaming kahit anong naririnig mula sa labas since malayo-layo din ng konti yung room niya. Pero siguro naman nakarating na yung hinihintay namin na lilipat. Halos kalahating oras na ang lumipas simula ng pinapunta kami dito.

"Guys, may pagkain kayong dala? Penge ako."

Hay nako, kahit kailan talaga 'tong si Kelly. Kahit saan na lang puro pagkain. Pero diyan kami magkasundo.

Iaabot ko na sana ang tsokolate kong dala-dala ng biglang bumukas ang pinto at kasabay nun ang pagpasok ni Dean at may kasama itong lalake.

"Oh my!! Ang pogi niya guys. Pwede na akong kunin ni Lord."

Pigil na tili ni Cassandra.

Ang landi din ng babaitang 'to kapag nakakakita ng poging nilalang. But to be honest pogi nga. Hindi lang pogi kundi sobrang pogi. Mas pogi pa sa mga artista. Maputi at sobrang kinis ng balat. Matangkad, na sa tantiya ko ay mga nasa 5'11 o higit pa. Matipuno din ang katawan na halatang alaga sa pag g-gym. At kung sa edad, huwag niyo na ako tanungin. Kasi hindi ko din mahulaan kung ilang taon na siya. Ngunit ang mas lalong nakakaagaw pansin ay ang kulay asul nitong mga mata.

Frozen Romance (GirlXGirl)Where stories live. Discover now