Chapter 3

19 0 0
                                    

Luna's POV

Nang mapagtanto ko na ang taong nakabangga sa akin kaninang umaga at ang taong kaharap ko ngayon ay iisa, biglang bumalik lahat ng inis ko na kanina ko pa kinikimkim.

"Ms. Henderson, watch your behavior. There's no need for you to shout."

Nahiya naman ako sa inasal ko. Pero kasi eh. Sino bang hindi maiinis sa kumag na 'to. Banggain ka ba naman at sabihan pa ng stupid. Mukhang ako pa ang may kasalanan sa nangyari kanina. Eh siya nga yung biglang susulpot na lang sa daan. Tapos siya pa yung may ganang magalit. Iba din eh. Ni hindi man lang ako tinulungan o humingi ng sorry. Masakit na nga yung katawan ko dahil sa pagkakabangga niya, idagdag pa na nasira ang pinakamamahal kung cupcakes. Dahil sa kanya umagang umaga pa lang sira na ang araw ko.

"I'm sorry, Dean."

Hinging paumanhin ko. Aminado akong mali ang ginawa ko. Masyado akong nagpadala sa inis at galit ko sa taong nasa naharapan ko ngayon. Kahit na may atraso pa ito sa akin, hindi maitatanggi na bisita sila ni Dean at ng school.

"Do you know each other?"

Tanong ni sir Keith habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Mapagtanong ang mga mata nito habang nakatingin sa pamangkin niya.

"No."

Malamig na turan ni kabute na parang wala lang sa kanya. She's right, hindi naman talaga kami magkakilala pero hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya.

"Wow! Nakalimot ka na agad. Hindi mo na ba naaalala kung ano yung ginawa mo kanina?"

Nagtataka at nalilitong nakatingin ang mga kasamahan namin sa aming dalawa. Ano siya nagkaamnesia bigla kaya hindi niya na matandaan. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko, na alam kung namumula na ngayon dahil sa inis.

"Ms. Henderson, stop. This is not the right time to talk about that. You both can settle that later ."

Pasalamat siya na nandito si Dean. Ayoko din naman mapahiya si Mrs. Villareal sa harapan nila.

Kalma Luna, kalma.

"Luna, calm down."

Mahinahong sabi ni Cassandra habang hawak ni Kelly ang kaliwa kong kamay. Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim. Ilang malalim na paghinga muna ang aking ginawa bago tuluyang kumalma ang aking sarili.

Samantala, yung nakakainis na kumag naman ay prenteng nakaupo habang hinahaplos ni sir Keith ang kanyang buhok. Parang maamong tupa lang ah. Wala din kahit konting bakas ng emosyon na makikita sa mukha niya.

Ganito ba talaga siya? Poker face lang? Hindi ba siya marunong ngumiti?

"As what I'm saying earlier, I want you to meet Ms. Brielle Alexandrienne Creighton."

Kay gandang pangalan, mana sa kanya pero ubod ng sama naman ang ugali niya. Tama nga ang kasabihan na looks can be deceiving. Kung gano ka malaanghel ang mukha niya, ganun naman ka malademonyo ang ugali niya.

'Judgemental much.'

Singit ng pasaway kong utak.

Hindi naman na pang j-judge, pero ito ang first impression ko sa kanya. Tsaka may proof na ako nung nabangga niya ako kanina.

"Since bago pa lang si Brielle dito sa Academy, I want you all to take responsibility of her for the meantime. "

Seryoso lang kaming nakikinig kay Dean. Habang yung si kabute ay parang walang pakialam sa paligid niya. Hindi nga siguro yun nakikinig eh. Nakapikit lang naman ang mga mata niya habang nakasandal pa sa couch.

"Kailangan niyang ma c-catch up sa mga previous lessons niya. Kaya kailangan niya ng tulong niyo."

Bakit ba kasi lilipat-lipat siya ng late na. 3 months na kaya since nag start ang pasukan.

"Ah, Dean, excuse lang po ah. Pero nakakaintindi ba siya ng salita natin? Baka naman kasi dumugo ilong namin kaka spokening dollars sa kanya eh. Mukha pa lang din naman banyagang-banyaga na ang datingan."

Napatawa naman si Sir Keith at Dean dahil sa sinabi ni Kelly. May magandang dulot din talaga minsan ang kakulitan niya. Dahil sa sinabi niya medyo nawala ang tensiyon dito sa loob ng office ni Dean.

"Don't worry, Brielle can understand and speak multiple languages. But to be honest, she hardly speaks Tagalog. Hirap siya magsalita but she can fully understand it."

Ibang klase din. Eh Tagalog nga ang pinakamadaling matutunan eh. Saan ba pinanganak ang kumag na 'to?

'Bakit ka naman interesado?'

Tumahimik kang utak ka. Hindi ka nakakatulong.

Napahinga naman ng maluwag ang mga kasamahan kung officers dahil sa sinabi ni Sir Keith.

Ito ang mahirap sa part namin kapag may nagtransfer na nakapagsimula na ang pasukan. Kami ang nagiging tutor nila. Hindi lang kami mga Student Council officers ng school na to. We are the Elite Class in this Academy. Being an Elite Class in this Academy doesn't mean na kailangan galing ka sa marangya o kilalang pamilya. Kahit sino pwede, as long as you can surpass the criteria. Labanan ng talino, hindi ng pera at connection. Sampung estudyante lang ang nakakapasok sa Elite Class. For now, 7 pa lang kami. Meron pang 3 vacant spot. Madami ang may gustong makapasok sa Elite Class. Maliban sa may special privilege ka na makukuha sa Academy, ay maipapasok ka din sa Council.

That's the main reason why Dean entrusted us na maging tutor ng mga late enrollee. Besides, it only lasted for a month. Nag h-held din kami ng summer class program during summer break. Pero limited number of students lang din ang na c-cater namin.

"Starting tomorrow, magsisimula na ang session ni Ms. Creighton sa inyo. For the schedule, kayo na yung mag decide. You can either do it on your free time. If ever there's a conflict, just tell me immediately."

"Copy Dean."

We answered in unison.

"Before I forgot, Ms. Henderson..."

"Yes Dean?"

"Since Annica will not be around until next month or so due to an important matter, you'll be taking her place."

Anyare kaya kay Pres? Last time nung nag-usap kami ay tungkol lang sa seminar. Wala naman siya may nabanggit na iba. Hmm, baka may emergency kaya ganun.

"Ikaw na ang bahala mag tour kay Ms. Creighton dito sa Academy. She needs to familiarize every part of this school."

Iligaw ko kaya ang kumag na to para makaganti ako. Bright idea!

"From now on, Ms. Creighton will be under your care."

Whaaaat!!!!? For real!!? Sabihin mo na nag j-joke ka lang Dean. Kasumpa-sumpa ang ugali ng tao na yan. At ayokong makasama o makasalamuha ang kabuteng yan.

Nagbabalak pa lang akong gumanti tapos parang nagbackfire agad sa akin.

"I hope that you two will get along."

No way! Imposible na magiging magkasundo kami. Sa dinami-dami ng tao siya pa talaga. Mahabaging langit, alisin niyo ako sa sitwayon na 'to. Parang awa niyo na.

"Welcome to the CrestWood Grandiose Academy, Ms. Creighton. You're now officially enrolled."

Bigla naman itong napatingin sa akin na siyang mas lalo kong ikinaasar. Grrrrr! Sarap ibaon sa lupa ng pagmumukha niya.

"Good luck, Luna."

Mapang asar na sabi ni Kelly kaya tiningnan ko ito ng masama. Pero ang loko tinawanan lang ako.

"Madaming kang ikukwento mamaya sa akin."

Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Wala na naman akong takas sa kaibigan ko na to.

"Let's go, tayo na lang ang naiwan dito."

Napalibot naman ako ng tingin sa loob ng office ni Dean. Wala na nga yung ibang kasamahan namin. Lumabas na yata kanina pa.

"Luna, bilisan mo na. Nagugutom na ako."

Nanlulumo naman akong lumabas ng office ni Dean kasama si Kelly.

What a day! It's going to be a hell ride for me this whole school year. What a sudden turn of events.

Pano ko naman pakikitunguhan ang kumag na yun? Araw-araw ko siyang makakasama, makakaya ko ba yun? Magiging buntot ko siya palagi. Arrrrghhh!

Best of luck Luna Azariah Henderson.

Frozen Romance (GirlXGirl)Where stories live. Discover now