23

448 1 0
                                    

Jizel

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, grabe namang buhay 'to broken na nga dagdagan pa ng pananakit ng ulo.argghh! Teka pano ba ako nakauwi?

Wala namang nakakaalam na nandon ako sa bar na 'yon. Ang naalala ko lang merong lumapit na babae sakin, kasama ko siyang uminom at nilalandi niya ako nung time na 'yon medyo nakaramdam na ako ng tama ng alak kaya sinabayan ko yung panglaladi niya sakin at nung bigla niya akong hahalikan ay may humila sakin tapos ayon hindi ko na maalala 'yung iba. Hays! Bahala na ayoko nang isipin pa kung sino ang nag-uwi sakin sa bahay. Malabong sila mom e wala sila dito. Baka si Candice. Ayoko na mag isip nakakabobo. Sakit ng ulo ko putangina!

Pag tingin ko sa orasan 2pm na kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom. Ang haba na ng itinulog ko. Sabado ngayon kaya walang pasok kahit naman may pasok ay hindi ako papasok para ano? Para makita siya? Para makita silang magkasama nung fiance niya? Masasaktan lang ako. Hays! Namimiss ko na agad siya. Ito na naman ang traydor kong luha na nag uunahan pababa. Ramdam na ramdam ko parin ang sakit. Bakit ang saklap sakin ng tadhana :'( hindi lahat may happy ending!!

Bumaba ako sa kusina, may nakahain ng pagkain. May nabasa akong note galing kay nanay Meling na maypupuntahan daw muna siya. Ganyan si nanay Meling nag-iiwan note pag tulog pa ako at may pupuntahan siya ay pinagluluto muna niya ako. Balak ko rin sanang itanong kung sino ang naghatid sakin kagabi kaso wala pala si nanay Meling.

Nawalan na ako ng gana kumain nakailang subo lang yata ako at hindi ko na tinapos pa.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagmukmok nalang..buong araw. May ilang tumatawag sakin pero hindi ko sinasagot ang tawag. Wala ako sa mood. Iyak lang ako ng iyak. Kung may makakakita man sakin ngayon siguro ay awang-awa na sakin.

-BAR

Nandito kami ngayon sa bar inaya  ako nila candice. swempre hindi na ako tumanggi ngayon nalang ulit ako nakapag bar na kasama sila, Tamang tama at nag aya sila, gusto kong magpakalasing ulit ngayon para malimutan ko 'yung sakit sa pag iwan ni Mariel.. sana sa bawat pag inom ko ng alak makalimutan ko na siya. Sana mawala na 'yung sakit dito sa puso ko damn!!!
Ang sakit lang na pinili ko siya, pinaglaban pero hindi ako yung pinili niya, hindi ba ako kapilipili?.. baka wala ako sa choices kaya hindi niya ako pinili. hindi man lang niya ako pinaglaban.. siguro nga Tadhana na yung may ayaw saming dalawa.. tangenaaa ang sakit ramdam na ramdam ko parin yung mga salitang binitawan niya na mas pinili niya yung panget na si Liam kesa sakin.

Kumuha ako ng beer at nilagok 'to ng tuloy tuloy. Wala akong pakialam kung malasing man ako gusto ko magpaka wasted.

" Grabe ka naman lumaklak para kang mauubusan ng alak Jizel " sambit ni Candice at inagaw yung ininom kong beer. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero Inirapan niya lang ako.

" Akin na 'yan.. kaya nga tayo nandito para uminom.. ang killjoy mo naman. " medyo nahihilo na rin ako.

" Kaya nga! pero dahan dahan lang pano tayo mag eenjoy niyan kung malalasing kana agad.. mag sasayaw pa nga tayo sa dance floor oh " sabi naman ni Gerome.

" Alam nyo naman na hindi agad ako nalalasing.." sabi ko at inagaw yung beer na hawak ni Lena. Oo hindi ako madaling masaling pero ngayon tinatamaan na ako. Magpaka wasted tayo ngayong araw. Di tayo lab ng lab natin. Punyetaaaaa!

" Baka malagot kami pag nakarami ka ng inom " napabaling ang tingin ko kay Lena sa sinabi niya at ang iba naming kasama ay masama siyang tiningnan.

" Ah.. ano yari kami sa parents mo.. " dahilan ni Lena. Weird kahit naman uminom ako Wala naman sila mom busy sa work as always! Gusto silang makasama ngayon broken hearted ako pero damn wala sila, hindi ako nagagalit sa kanila, nagtatampo swempre dapat sila yung nandyan para sakin ngayong nasasaktan ako pero wala sila. Hays!

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now