16

241 5 1
                                    

Jizel


"Jizel, pumunta ka raw sa
office ni Miss Salvador.. " Ani Gerald, isang nerd na lalaki ang lumapit sakin . Classmate ko siya pero hindi kami close, masyado kasi siyang masipag mag aral, okay na ko sa konting aral lang

"Ano naman ang gagawin ko dun? " Ba't kaya nga ako pinapapunta don e, iniiwasan ko na nga siya. Mag tatlong linggo na simula matapos ng birthday ko at sobrang nag enjoy naman ako kahit nagsusungit parin siya sakin nung birthday ko buti nga ay pumayag siyang lumabas kasama ako. Pero I think napipilitan lang siyang sumama, pero okay na rin yun last naman na. Tutuparin ko ang sinabi ko na last na yon. Kaya ngayon about sa subject ko lang siya kinakausap, or nasa klase kami pag may tinatanong.. pag magkakasalubong naman kami ay umiiba ako ng daan. Tinatanaw ko nalang siya mula sa malayo, mamahalin ko siya ng patago. Kahit sa malayo na makita ko siya okay na ko don.

" Ewan ko pumunta ka daw roon.. sige una nako.." paalam nito at ngumiti pa muna bago umalis.

Gaya ng sabi ni Gerald ay pumunta na nga ako sa office ni Miss Salvador na hindi ko namn alam kung bakit ako pinapapunta. kumatok muna ako bago pumasok.

" Come in " sabi ni Miss Salvador, pinihit ko na ang hawakan at pumasok. Nakita ko 'tong nakaupo sa swivel chair niya na seryoso ang mukha habang nakatingin sakin.

"Ba-bakit nyo po ako pinapunta dito Miss Salvador ?" Tanong ko dito. tila ba sinusuri niya ang buo kong pagkatao.

" How are you? " seryoso pinapunta niya ako dito para tanungin kung okay lang ba ako?  Pagtapos niya akong masaktan. Ay ako lang pala ang nanakit sa sarili ko dahil nag kagusto ako sakanya.

" Okay kana ba?? " ulit niya.

Nabalitaan niya bang nagkasakit ako, bat parang concern siya sakin. Sino naman nagsabi sa kanya na nagkasakit ako.

" 10 days kang absent.. " ay oo nga pala ilang araw akong parang lantang gulay. Pabalik balik kasi yung lagnat ko yun pala na dengue na ako kung di pa ako sinugod nila mom at moma sa hospital ay hindi pa namin malalaman, akala ko kasi simpleng lagnat lang yun pala dengue na.

" Miss Cruz.. " tawag niya, imbes na salubungin ang mga tingin niya ay pinili ko nalang yumuko.

" Okay na ko ma'am."  Ayaw kong salubungin ang mga tingin niya.

" Are you sure?.. " parang hindi siya sigurado sa sinabi ko. ' I just nodded.

" Kung wala na po kayong sasabihin.. aalis na po ako.. may klase pa ak---"

" I miss you .. "  salitang ikinagulat ko mula sakanya. Miss niya ako?  Siya namimiss ako himala. Pumuti na ba ang uwak?

" Ano po 'yon miss?" Gusto kong i-confirm na totoo yung sinabi niya.

" Nothing.. just go.." sabi nito at tumalikod na sakin.

"P-pero.. you said you miss--"

" Narinig mo naman pala ba't tinatanong mo ulit?"

Namula naman ako.

"Para sure po kung tama yung pagkakarinig ko."

"  Leave now."

" Pinapunta niyo ako dito para sabihin namiss nyo 'ko tapos papaalisin nyo din agad.." Nakakainis kasi miss daw pero pinapaalis agad.

" Gusto lang kita makita.."

" Nakikita mo naman po ako sa klase nyo e."

" Gusto kitang maka usap.."

" Nag kakausap naman tayo lalo na pag may tinatanong ka--"

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now