13

211 4 1
                                    

-Jizel

Simula nung umamin ako sa kanyang gusto ko siya ay palagi ko na siyang kinukulit, tipong hindi mabubuo ang araw ko na hindi ko siya nakikita. Kahit na iniiwasan niya ako gumagawa ako ng paraan. Lagi ko din syang dinadalhan ng pagkain tuwing lunch, ewan ko kung kinakain nya ang binibigay ko. Pag wala naman siyang schedule samin ay inaabangan ko na dumating ang sasakyan niya sa parking lot. MWF na ang sched namin sakanya, katulad ngayong Tuesday  nandito ako sa may parking lot inaantay yung kotse niyang mag park. Kahit alam kung naiirita  na siya sakin sige lang. Minsan din ay iniiwasan niya talaga ako na lalong kinakalungkot ko. Pero ayos lang ginusto ko siya kaya kahit ilang beses ko pa siyang kulitin para mapansin niya lamang ako.

Nakita ko na yung kotse niyang nagpark kaya sinalubong ko na siya sa pagbaba niya.

" Hi..  uhmm Good Morning Miss Mariel "
Sweet na sabi ko kay Miss Salvador, I prefer calling her Miss Mariel than calling her by her last name Parang lalo siyang mas gumaganda day by day. Her green beautiful eyes na  masyadong nakaka attract saking paningin. Yung mala bote niyang katawan. Yung maamo niyang mukha, ilong na matangos at yung labing minsan ko nang natikman. Did I check her out. Palagi naman.

" Walang maganda sa umaga kapag ikaw agad  ang bubungad.. stop staring at me like that..  "cold na sabi nito sabay irap.

Sungit meron ata

"And call me Miss Salvador! Ilang ulit ko ba sasabihin na don't call my first name anymore. ." Iritang sabi niya.  Hindi na niya ako pinapatawag sa first name niya kahit kami nalang dalawa. Siya unang nagsabi na tawagin ko siya sa pangalan niya tapos siya naman tong babawiin yung sinabi.

Walang paninindigan.

" Luh ang sungit mo naman Ma'am ang aga aga.. saka mas gusto ko ang Miss Mariel e.."sabi ko na naka nguso. She just rolled her beautiful green eyes.

" You don't have a care. " sabi pa nito.

" Blah Blah you don't have a care" Pang-gagaya ko dito na ikinasama ng tingin niya. Wag tayong magpahalata na natatakot tayo sa mga tingin niya.

" Do you think I'm joking?!" Nagsimula na siyang maglakad.

" Do you think I'm joking.. " pang aasar ko dito. Pagtinatarayan niya ko inaasar ko siya para kahit papano mapansin niya ako.

" Crazy woman." sambit pa nito habang pailing-iling at  saka nag umpisang maglakad.

" Sungit mo! tandaan mo'to Miss Akesha Mariel Salvador..  Mag kakagusto ka rin sakin balang araw! Pag nangyari 'yun hindi ka makakatikim ng halik mula sa kissable lips ko hmp"  sigaw ko rito..

" You wish.. Well let's see " sabi niya bago tuluyang umalis.

" Sungit pasalamat ka gusto kita .." bulong ko

" HOY!!!" sigaw ng kung sinomang halimaw sa likod ko na kinagulat ko.

" Ay! Monay na may cheese !"sigaw ko. Lately nagiging magugulatin nalang ako lalo na pagnakatulala at may sisigaw nalang bigla ng malakas. Sana bago sumigaw nang iinform muna para di ako nagugulat. Sarap pag sasapakin

" Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang palang babae ka. "sabi ni Candice na nag pupunas ng pawis. Ano bang ginawa niya bakit pawis na pawis siya

" Ano kamusta pag papapansin kay ma'am Salvador? Any improvement? "Tanong naman ni Lena, nandito rin pala ito at mukhang pawis din. Nag marathon ata sila at ganyan ang pawis nila. Tagaktak

" Kung ako sayo Jizel tigil tigilan mo na yang si mam.. dami-daming pogi dyan sa paligid mo.. isa na doon si Jason  "sabi ni Candice habang binubuksan ang dalang tubig, sabay inom ng tuloy tuloy.

" Easyhan mo lang Candice mamaya malunod ka dyan.. teka nga bakit pawis na pawis kayo.. " pag iiba ko ng topic.

" Nag jogging kami sa field. " Ani ni Lena na nagpupunas ng pawis

" Sira na ba ang ulo nyo? Ang init init kaya.." sarap pag pepektusan nito init- init kaya

" Actually hindi pa naman.. may humabol kasi saming pogi, yung crush ni Candice pano ba naman binatukan niya sabay takbo.. syempre nakitakbo na rin ako kasi hindi maipinta ang mukha nung guy baka madamay ako deba kaya ayon.. " paliwag ni Lena. Ah kaya pala. mga baliw

" Bakit mo naman ginawa yun Candice.. crush mo babatukan mo?"

" Para mapansin niya.. hinabol pa kami diba " pagmamayabang niya.

" Hindi lang naman pala ako 'yung nagpapansin sa crush niya ikaw rin pala " pang aasar ko.

" Yung akin naman may pag asa ako e ikaw wala.. hahahaha" tumawa pa ang gaga. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Korak! si Miss Salvador kasi ay ubod ng sungitan at straight pa sa flagpole yun! "sambit naman ni Lena

" but I like her.. " sabi ko. Alam ko na hindi  lang pagkagusto ang nararamdaman ko para kay miss Salvador, mahal ko siya.  I want to be with her.

" Madami namang nagkakagusto sayo bakit sa prof pa natin.. malabong magkagusto sayo yun. "sabi ni Candice

" Hindi ko alam basta I like her." Madiin na sabi ko

" Ikaw bahala.. libre naman masaktan."sabi ni lena na natatawa nakitawa narin si Candice Sinamaan ko nalang sila ng tingin, at akmang kukurutin ko sila ng maka layo sila sakin.

" Sige ipamukha nyo pa sakin 'yan.. parang di kayo mga kaibigan hmpp!"

" Ayaw ka lang namin masaktan kaya sinasabi na namin 'yung totoo. Sabi nga truth hurts " Lumapit sakin si candice at inakbayan ako. Concern lang naman pala sila sakin kaya sila ganyan, pero gustong gusto ko siya ano bang magagawa ko.

" Tara na mag s-start na ang first subject.. baka mabadtrip na naman yang si Jizel.. " Sabi naman ni Lena  at kumapit na sa braso ko. Nagtungo na kami sa first subject namin kay Sir Ryan.

Natapos ang subject na lutang ang isip ko. Ano kayang gagawin ko para magustuhan din ako ni Miss Salvador..

Bago umuwi ay nakita si Miss Salvador sa parking lot. Ayaw yata gumana ng kotse niya kaya nag offer akong ihatid siya.

" Hatid  na po kita Ma'am " Hindi siya sumagot. Busy siya sa pagtipa sa kanyang cellphone. Ipipilit ko parin na ihatid siya. Baka mamaya mapano pa siya. I'm just a worried person here.

" Sige na ma'am wala ng tao dito na iba pang maghahatid sa inyo."

" Ayoko! Pwede ba umalis kana.. "

" Ihahatid ko na nga po kayo Ma'am "

" Pwede ba stop pestering me.. tigilan mo na ako, hindi kita magugustuhan kaya itigil mo na yang walang kwentang nararamdaman mo!! Mali yan! "

Tila ba tinusok ako sa mga sinabi niyang 'yon. Pinipigilan ko ang sariling wag umiyak kahit sa loob loob ko ang sakit sakit na. Bakit kailangan niyang ipamukha sakin na hindi niya ako magugustuhan. Gusto ko lang naman siya ihatid bakit siya ganyan.

" Ihahatid ko na po kayo.." pinipigilan kong wag pumiyok.

" Tigilan mo na ako please lang!! " may kotseng dumating at bumusina, alam kong si Liam yun ang kanyang sasakyan. Bago pa tuluyan maka alis si Miss Salvador ay hinawakan ko ang braso niya at sinabing. " let me admire you until my feelings fade away " saka ko siya binitawan.

" Tss bahala ka." yung lang ang narinig ko mula sakanya, bago nagtungo sa kotse ni Liam. ganon niya ba talaga ka ayaw sakin. Sana naging lalaki nalang ako para hindi mali sa paningin ng mga tao. 

Sakit mong mahalin ma' am '


Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now