22

218 1 0
                                    

Jizel

Nandito ako ngayon sa hallway at papunta sa office ni Mariel may dala akong pagkain, namimiss ko na kasi siya minsan busy siya at hindi na kami masyado makapag usap ng maayos. Napansin ko din na medyo nagiging cold siya sakin lately hindi gaya ng dati na paghindi ako agad makareply sa text niya ay tatawag siya ng  ilang beses. Bigla siyang nagbago tulad nalang kanina sa reply niya sobrang tipid, may pinag iipunan ba siya? bakit kaya ang ikli ng reply niya minsan pa nga ay like lang. Tao ako kaya sa simpleng ganon niya lang nasasaktan na agad ako, pero iniintindi ko nalang baka masyado lang siyang stress sa trabaho kaya ganon.  Hindi pala palaging masaya

Miss ko na talaga siya, hindi ko siya nakita simula kanina. Hindi siya pumasok samin. ang sabi ni Sir Juan ay late makakapasok si Miss Salvador kaya siya na muna ang nag sub samin.

Dere-deretso akong pumasok at nagulat nalang ako nang pagbukas ko nakita ko silang dalawa ni Liam na nagtatawanan, naputol ang tawanan nila ng makita ako. Happy yarn?! Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos.

" Ano 'yon Miss Cruz?"  Seryosong tanong ni Mariel. Pumasok na ko at inilapag ang dala kong pagkain.

" May food akong dala. Sabay sana tayo maglunch kaso mukhang may kasabay kana.." seryoso ko lang silang tiningnan. gago nasasaktan akong makita silang ganyan, na masaya, nagtatawanan Bakit ganto!! Dalawang araw ko nang hindi nasisislayan ang ganyan kasiyahan mula sakanya. Palagi siyang nakaseryoso, at ang tipid niya pang ngumiti sakin. Parang hindi girlfriend :(

" Sige po aalis na ako. Sorry sa istorbo " pinipigilan ko yung sarili ko na wag ipahalata na nasasaktan ako. Paalis na sana ako ng magsalita siya.

" Stay. " Utos ni Mariel

" Magkita nalang tayo mamaya Liam " baling na sabi ni Mariel kay Liam tumango naman si Liam  at ngumiti bago umalis. So magkikita pa talaga sila mamaya nung lalaki na yon. Tangina! 

" Magkikita pa kayo talaga mamaya. Nice " sabi ko  pagkalabas ni Liam.

" Bakit anong masama " seryoso at walang ka-emos-emosyon yung mukha niya.

" Wala. okay lang naman damn! " Napalakas na yung pagkasabi ko, ano bang problema niya at ganyan siya makipag usap sakin. Nasan na 'yung sweet na si Mariel. Gago ilabas nyo na :< Tangina nasasaktan na ko sa ginagawa niya.

" Don't yell! " Suway niya. Nakipagtitigan ako sa mga mata niya.

" Anong problema mo? " iritang tanong ko. I bit my lower lip tangina kasi bat siya ganyan.

" I don't have any problem! Ikaw, anong problema mo at nag sisigaw ka?" Medyo malakas na din ang tono ng boses niya.

" Ako pa talaga?! Bakit ganyan ang pakikitungo mo sakin?! Bakit ang cold cold mo ni hindi kana nga ngumingiti pagnakikita mo ako. Hindi na tayo nagkakausap ng maayos."  May lungkot sa boses ko pero wala man siyang reaction na pinapakita.

" I'm busy.." tipid na sabi niya sabay yumuko.

" Busy?.. srsly nakita ko nga kayo nung gagong 'yon na nagtatawanan.. diba dapat ako 'yung katawanan mo? Ako yung kasama mong kumakain Bakit siya? Ano ba talaga??! " Naiinis na ako halo-halong emosyon na 'yung nararamdaman ko. Sakit, lungkot. Overthink malala

" Bakit bawal na ba akong sumama sa ibang tao?" Tangenang salita  yan napaka lamig.

" Fck!!! Sabihin mo kung ayaw mo na hindi yong ganyan yung pakikitungo mo sakin.. hindi na kita maintindihan, okay pa tayo diba bakit ngayon parang nag iba kana? Ayaw mo na ba? Hindi mo na ba ako mahal?! " Tuloy tuloy na tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya seryoso lang din ang tingin sakin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagbagsak ng traydor kong luha.

" I'm sorry.." sabi niya sabay yumuko.

"Ayoko na.." ano daw? Ayaw niya na? Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Nanikip bigla ang dibdib ko.

"A-ayaw mo na?" Garalgal na tanong ko.

"I'm sorry Jizel itigil na natin 'to" Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang mga tingin ko, wala talaga akong mabasa sa mga mata niya na kahit ano.

" Tell me... it's a joke right?!" I said and started to fall my tears

"No..."she answered. " My parents told me na tuloy ang kasal namin ni Liam.. wala na akong magagawa settled na ang lahat---"  ngayon ay nakikita ko na 'yung lungkot sa mga mata niya, nakikita kong nasasaktan siya.

"lab.... please... please say that this is just a joke!" I pleaded on her while holding her hands, ang traydor kong luha ay patuloy na umaagos sa magkabilang pisngi ko. Sobrang sakit. Para akong tinutusok ng libo-libong karayom

"Im sorry" she said. Inilihis niya ang kanyang paningin sakin.

" Alam mong mahal na mahal kita bakit mo ginagawa sakin 'to?!  Bakit kailangan kong magsuffer ng ganito" I shouted. Hindi ko na alam sobra ang nasasaktan.

" Ito nalang ang alam kong magagawa ko para hindi kana masaktan pa.. ikakasal na kami next week.. kalimutan mo na ako.. please."

" Sa tingin mo hindi ako nasasaktan?! Damn!! Sobrang sakit dito ko oh" hinampas hampas ko ang aking dibdib habang humahagulgol ng iyak.

Bakit sobrang sakit, bakit ba ang hirap niyang mahalin? Bakit ang daming hadlang? Tapos na ba 'yung masasayang  araw na kasama ko siya?ang bilis namang binawe.. Grabe ka naman Tadhana masyado kang mapanakit. Hindi naman ako masamang tao pero bakit ako pinaparusahan ng ganito.

" Handa akong maging kabit.. please wag mo lang akong iwanan ng ganito M-mariel.." napaluhod na ako sa harap niya. Handa akong gawin lahat kahit maging kabit okay lang basta kasama ko parin siya. Kahit makihati lang ako sa oras niya huwag niya lang akong iwan, sobrang mahal ko siya. Hindi ko matanggap na iiwanan na niya ako. Fck this life!!! Pano nalang ako kung MAWAWALA siya sa buhay ko. Para akong patay na lalo pang pinatay!!!

" Tama na Jizel anoba!! " Pinatayo niya ako.

" A-alam mong hindi madali 'yan.. "

" Please layuan mo na ako. Parehas lang tayong masasaktan." Niyugyog niya yung balikat ko.

" Tama na "

" M-mahal mo na ba siya para pakasalan mo?"

" Hindi pa sa ngayon, hindi natin alam  pag naikasal na kami matutunan ko rin siyang mahalin..makakalimutan mo rin ako. "

" S-sigurado kana ba dyan?" Suminghot ako at pinunasan ang luha sa aking mukha at pinatatag ang sarili.

Tumango lang siya.

" Sige. Kung ganon ang gusto mo..  S-sana maging Masaya kayo..sana mahalin ka nya gaya ng pagmamahal ko para sayo.. pipilitin kong makalimutan ka.. sana maging madali para sakin 'yon. Salamat at nakilala kita ng panandalian lang.. salamat sa magandang alaalang na kasama ka.. siguro nga pinagtagpo lang tayo pero ayaw talaga satin ng tadhana.."  huling katagang sinabi ko bago tuluyang umalis sa lugar na 'yon. Habang naglalakad ay patuloy parin ang pag agos ng luha ko. sobrang nasasaktan ako ngayon. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan ako ng mga studyanteng nakakasalubong ko. Im so hurt.

Kailangan ko 'tong iinom.

Gusto ko magpakalasing kaya pumunta ako ng bar hindi ko na pinasukan pa ang ilan ko pang subject, pano pa e durog na durog na ako. Gago buong buo ako nung dumating siya tapos dinurog niya lang ako.

Nagpalugmok ako sa alak habang umiiyak.

Damn bakit ang sakit mong mahalin Miss Salvador.

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon