14

300 9 2
                                    

Jizel


Nandito ako ngayon sa hallway, hinihintay ko si Miss Salvador . Nakasuot ako nang isang white floral dress. mahaba ito na hanggang tuhod. Nag lagay din ako ng konting make up para maging maganda naman ang itsura ko sa paningin niya. Free day naman ngayon kaya okay lang mag suot ng kahit ano.

Siguro naman ay hindi na siya busy ilang araw ko din siyang kinukulit na pumayag lumabas kasama ko. lagi niya lang akong tinatanggihan na busy daw siya, wala daw siyang oras sa mga walang kwentang bagay. Kahit masakit para sakin na tanggihan niya mismo ay kinukulit ko parin siya.

Wala makulit ako e.

Special ang araw na 'to para sakin, I want it to be memorable with her

Napatayo ako at napangiti nang makita ko siya na paparating, ang maaliwalas niyang mukha kanina lang ay biglang nawala nang makita ako.

Malungkot ang mga mata pero may ngiti sa mga labi ko siyang sinalubong.

"Miss Marie-"

" What now? Miss Cruz !?” mahahalata mo sa boses niyang naiirita siya sa presensiya ko, parang lagi naman. Ang hirap naman magkagusto sayo ma'am.  Ang sakit ko namang mahalin.

" A-uhmm are you free toda--"

"No, I'm not.. "  putol niya sa sasabihin ko.

Napayuko naman ako, at saka lumunok. Tila may bumara sa lalamunan ko, nag init din ang mga mata ko,  Okay lang yan Jizel, kulitin mo lang baka pumayag, ito naman na ang huli mong beses na aayain siyang lumabas. Kailangan mapapayag ko siya.

" Wala ka na bang sasabihin?! ill take my leave"

“S-sa..sandali lang--”

" BAKIT NA NAMAN BA MISS CRUZ ?!"  napatigil ako sa biglang pasigaw niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin, napahinto ako habang na tulala.

" Please! PLEASE! STOP PESTERING ME! STAY AWAY! DON'T COME NEAR ME! " Nagpipigil na sigaw niya sa mismong harap ko. Mabuti at wala masyadong dumadaan ngayon dito, panigurado pinagtatawanan, may naawa na sakin.

Naiyukom ko ang aking bibig. Shit bat ganyan siya, ganon nya ba ka ayaw sakin.

"P-pero gusto l-lang naman kitang makasama-- "

" Please, Miss Salvador... Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako please, wag mo na ipagdamot saakin ang araw nato, nakikiusap ako.."  Never pa akong nagmakaawa na makasama yung isang tao. Ngayon lang, sakanya niya lang..Hindi na ako 'to.

" Kahit ngayon lang, please. Please, I'm begging you, Miss Salvador, I want to be with you kahit ngayon lang.. hayaan mo pagtapos ng araw na 'to titigilan na kita. Hindi ko na ipipilit yung sarili ko na gustuhin mo rin ako.. Hindi na kita guguluhin pang muli.. please. " sobrang binababaan ko na  yung sarili ko makasama ko lang siya ngayon araw.

" Why?..  bakit gusto mo akong makasama ngayon?!" Mahinahon na ang boses niya.

" Gusto lang kita makasama ngayong birthday ko."  Nakayuko kong sabi. Gusto ko lang maging masaya ang birthday ko na kasama siya..

Once a year lang ang birthday ko kaya yun ang wish ko ang makasama siya, at i-celebrate ang birthday ko na siya yung kasama ko. Binati na ako nila mom at moma pati na rin ang mga friends ko inaya nga nila akong mag beach ako lang 'tong umayaw. Isang tao lang ang gusto kong makasama at si Miss Salvador yun.

_________________________________________
Short UD

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now