7

218 7 2
                                    

-Jizel

Habang nag lalakad kami ni Candice  papunta sa room namin nakita namin si Miss Salvador  na may kausap na lalaki, nakatalikod 'to kaya hindi namin makita ang mukha, matipono ang pangangatawan parang prof din ata siya kasi yung lace ng I'd niya pang prof. 

" Jizel diba yun si Miss Salvador? may kausap na lalaki oh wait tekaaaaa! Si sir Liam yan ah kyaaaaah " sambit nito sakin habang nagtitili, sakin sa teng.

Ano namang Pake ko sa Liam niya. Sino ba siya.

" Himala at tumatawa si Miss Salvador.. " sabi ni Candice na nagtataka, ngayon niya lang ba nakita si miss Salvador na tumatawa. Ilang beses ko na kaya 'yan na silayan take note malapitan pa.
Curios ako kung ano bang pinagtatawanan nila. Bakit nakakaramdam ako ng pagkainis.

" Ang gawpo talaga ni Sir Liam I bet jowa yan ni Miss Salvador." Komento niya pa. Ediwow

" Halika na ka Candice baka malate na tayo.." hinawakan ko sa braso si Candice para hilain.

" Nakikipag tawanan pa nga yung prof natin oh  pano tayo malelate hahaha" sinamaan ko naman siya ng tingin. I hate the fact na nakikita ko siyang nakikipag tawanan sa iba. I don't know why I hate this feeling.. iniwan ko nalang si Candice don bahala siya basta ako pupunta na ko ng room.

Sumunod din sakin si Candice sa room hinihintay na namin ngayon si Miss Salvador 5minutes na siyang late, dapat wag na rin siyang pumasok katulad ng ginawa niya sakin nung first day.
Maya maya rin ay pumasok narin si Miss Salvador na nakangiti parin. Edi siya na masaya hmp! Bakit ba ang bitter ko. habang nag tuturo siya sa harap kausap ko naman si Gerome isa sa naging close ko na dito sa room, pogi naman siya dahil madaming nagkakandarapa sakanya, except me.

Narinig ata ni Miss Salvador yung pag uusap namin ni Gerome kaya masama siyang tumingin sa gawi namin. Shet na malagkit. Ang sama ng tingin niya lalo na sakin. Ano na naman bang ginawa ko.

" Miss Cruz and Mr. Imperial kindly share to us what are you both chitchatting at the back?" Hindi kami nakasagot na dalawa alangan naman sabihin ko na yung pinag uusapan namin is mag bar mamaya diba. Chismosa din 'to si ma'am e

" Are you two aware that I hate disturbing my discussion?!" She gave us a death stare.

Napayuko nalang kami at sabay din kami ni Gerome nagsabi ng ' sorry'

Miss Salvador rolled her eyes. Ang sungit hmp!
Pag samin or sakin talaga ang taray pag sa Liam niya Todo ngiti. Magbreak sana sila. Mas matagal mas masakit bahala ka dyan Ma'am

Pinagpatuloy niya ang pagdi-discuss, ng matapos na yung time niya ay dinala niya na yung gamit niya sabay tumingin sakin.

" Miss Cruz pumunta ka sa office ko" maawtoridad na utos niya bago umalis.

lumapit naman sakin si Gerome at Candice

" Hala ka Jizel.. sermon ka na naman malala."  Pananakot ni Candice.

" Bakit ako lang pinapapunta dapat dalawa tayo Gerome ah.." sinamaan ko sila ng tingin. Gerome shrug his shoulder.

" Ewan ko.. bahala ka na dyan hehehe" sabi naman ni Gerome at inakay na si Candice paalis. " Kita nalang tayo mamaya sa canteen " sabi pa nito.

" Libre nyo ako ha" tumango naman sila

Para makakain narin ako pinuntahan ko na si Miss Salvado sa office niya nakabukas naman kaya pumasok na ko na dapat hindi ko nalang  ginawa. I saw her kissing someone and it's Liam. Shet ang sakit sa mata at sa puso. Bakit ganto parang pinipiga yung puso ko.

Ang ginawa ko tumakbo ako palayo. Hindi na tama 'tong nararamdaman ko, kakaiba sa sistema ko.

Nagpunta nalang ako ng mall dahil nawalan na ako ng gana pang pumasok. Nag text sakin si Candice kung nasan na daw ako, nagreply ako na umuwi nako at masama ang pakiramdam ko kahit nandito ako ngayon sa arcade sa isang mall, nililibang ang sarili hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganto.

Nabwiset ako maglaro ng claw machine nakailang token nako ngunit wala paring nakukuha. Naghulog ulit ako. pindot sa start then nakuha ko na yung target naangat na siya tapos biglang nahulog na naman. napaka dayaaaa grrr! Sa Inis ko sinipa ko yung machine.. ouch ang sakit.

" Okay ka lang ba miss.. Teka dimple ikaw pala 'yan.." masayang bati ni Artemis ba't 'to nandito.

" Sanay naman akong masaktan.. ikaw pala yan Artemis  " sabi ko na ikinatawa niya. " Mukhang may pinagdadaananan ha" simaan ko naman siya ng tingin.. " chill lang masyado tayong hot.. gusto mo ba 'yan?" Turo niya don sa powerpopgirls sa claw machine. I nodded. Si bubbles yon e.

" Basic ganto lang yan oh.." sabi niya naghulog  siya ng token. Pagkapindot niya sa start gumalaw na yung claw and then inikot ikot niya at ayun nakuha na ang target, napatalon ako sa tuwa dahil nakuha niya yung stuffed toy na powerpop girls si bubbles. wala ng buttercup e pero okay lang.

" Sure ka na akin nalang 'to?" Di makapaniwalang tanong ko. Swempre siya ang nagkuha tapos ibibigay niya sakin. " Sayo na yan.. lika picture tayo.." nilabas niya yung iphone14 pro max niya at inakbayan ako, nagpeace sign ako at nilapit ang stuffed toy na si bubbles sa mukha  ko at ngumiti na labas ang dimples. Hindi sa pagmamayabang Ang cute ko don for sure.

" Ahhh Ang cute mo ditooo dimple oh.." pinakita niya sakin ang picture. Well maganda lahi namin e.

" Ipo-post ko 'to sa IG itag kita ha.. i-follow kita follow back mo nalang ako ha." Sabi pa nito at umoo nalang ako. " Pagkauwi ko nalang sa bahay wala akong data ngayon."  Bakit pa magpapaload kung may wifi naman sa bahay.

" Sige basta mong kakalimutan dimple ha.." pangungulit niya pa. " Oo ngaaaa.. ang kulit mo lika kain tayo sa mcdo treat kita " Aya ko sakanya, mabait naman siya kaya ililibre ko nalang siya bilang kapalit kay bubbles.

" Ayan ang maganda mong sinabi dimple.." hinila na niya ako papuntang mcdo, pagtapos namin kumain at magkwentuhan ay nagpasya na kaming umuwi. Medyo nalibang akong kasama si Artemis ang kulit niya kasi dami niyang gustong gawin. Sinamahan ko na rin siyang mag shopping.. Napagod ako kakalibot ng mall.

Pagkauwi ay naalala kong i-followback si Artemis panigurado hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko siya pina-followback. Hineart react ko nalang 'yung tinag niya saking picture kanina sa mall. 100k likes /heart react. na famous naman. 

Magla-logout na sana ako ng may nag follow saking hindi ko inaasahan si Miss Salvador.

I pa-follow back ko ba o hindi.. naka private kasi ang account niya pag hindi ko siya finallow di ko makikita ang mga post niya..balak ko pa naman sanang i-stalk siya..100k followers samantalang ang finallow niya lang wala pang 20 persons. Sino sino kaya 'yon, isa nako sa finallow niya  hilim akong napangiti. hindi ko namalayan na napindot ko na pala yung follow back.

1 message from..  Akesha Mariel Salvador

Kakafollow back ko lang nag message agad.

                             Alesha Mariel Salvador

                                 Meet me tomorrow
                                 at my office before start our   
                                 class Miss Cruz!
                                     Seen. 8:07 pm

Swempre Sineen ko lang paki ko ba pagtapos niyang makipaglaplap--- oppss! Basta. Naglog out nalang ako at naghalfbath inaantok nako, pupuntahan ko nalang siya sa office niya bukas pag sinipag ako.

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now