12

231 6 2
                                    

Jizel

Day by day palalim na ng palalim 'tong nararamdaman ko para kay miss Salvador pano ba naman masyado siyang pa fall. Ang dati kong Straight na pagkatao ay Napabaliko lang ng isang Professor Alam nyo pano ko nalaman na mahal ko na siya? Dahil nagseselos ako kahit Wala akong karapatan. Nakita ko sila ni Sir Liam sa isang mall kaya Sinundan ko sila, gago ang sakit pala sa dibdib parang pinipiga 'yung puso ko sa tuwing makikita ko siyang Masaya sa iba. I hate the fact na nagiging Masaya siya sa iba. Gusto ko sakin lang siya tumatawa, ngumingiti ng ganon, gusto ko  siyang ipagdamot, kaso wala naman akong karapatan unang una hindi ko siya pag-aari, pangalawa hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako. Gusto kong hilain siya kay Liam. Ang sad ng life..  kaya ayon umuwi na lang ako hindi ko na sila Sinundan pa. Pagkatapos nung araw na nakita ko sila ni Sir Liam ay parang napapansin ko na hindi niya na ako masyadong pinapansin. Tinapos niya na rin yung pagiging assistant ko sakanya kahit meron pa akong 1 week. Gusto ko siyang kausapin , gusto kong sabihin sakanya na gusto ko rin siya. Ngayong araw nag lakas loob akong kausapin siya.

Nandito pa  kami ngayon sa room tanging kami lang ang nandito,  hinintay ko talaga na mag alisan na ang iba kong mga kaklase para makausap ko si Miss Salvador.

" Hindi ka pa ba lalabas?" Tanong niya na busy sa pag ayos ng mga gamit niya. 

" Uhm Miss Salvador"  tawag pansin ko sa kanya. Lumingon naman 'to sakin. " Why?!" She asked coldly. Wala siguro 'tong almusal ang sungit ng mukha. Kulang ka ba sa lambing? Gusto mo ba lambingin kita.

I smiled at her " Pwede ba tayong magkita sa may park mamaya yung malapit sa school, pwede po ba.."

nakangiti lang ako kahit sa loob loob  ay kinakabahan na.. she gave a serious gaze on me.

" I'm busy." Tipid na Sabi nito at inayos ang bag niyang nahulog ang strap. Ayan na naman siya palaging umiiwas.

" Sige na po kahit saglit lang..may sasabihin lang ako.." paki-usap ko

" Don't you heard? I said I'm busy.. " ulit niya, naiirita na siya base sa itsura ng mukha niya.

" May sasabihin lang po ako"

" Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon! Lalabas  kami ni Liam mamaya.. tell me now. Importante ba yan?!" She shouted at me.. nagulat naman ako sa bigla niyang pag sigaw.

Shit si Sir Liam? Yung nanliligaw sakanya? Sila naba? Medyo awts.

" Wag nalang pala.. enjoy nalang kayo ni Sir Liam " sinamaan niya naman ako ng tingin. Nakaka wala ng mood naman. Bagsak ang balikat na tumalikod ako sakanya at nag simula na akong humakbang hindi na ko tumingin pa sa kanya. Di bale nalang!

Bago pa ako makalayo ay hinablot niya na ang braso ko at hinarap sakanya.

" Sabihin mo na kung anong sasabihin mo.." shit nakakatakot na yung boses niya. Mukhang naiirita na talaga siya. Pero ang ganda niya parin talaga.

" Kayo na ba ni Sir... Liam?" Malungkot na tanong ko.

" Why do you care?" Wala akong nababakas na emosyon sa mga mata niya.

" Sagutin mo nalang Miss Salvador!" Napalakas na yung boses ko. Nagulat siya saglit sa pagtaas ng boses ko pero agad ding nagbawi.

" Don't shout at me.. I'm your professor!"

" Bakit hindi mo nalang sagotin kasi
Miss salvador " binawi ko ang braso ko mula sakanya nang hindi pa niya ito binibitawan simula ng hablutin niya kanina, medyo mahigpit ang hawak niya kaya medyo masakit, mukhang may bakat pa ito ng pagkakahawak niya.

" Ano naman sayo kung kami na? That's my personal life.. wala ka ng pakialam doon. " galit na sigaw niya. Shit sobrang sakit sa damdamin bakit kasi pinaparamdam niya sakin na meron din akong halaga para sakanya,  Kasalanan ko ba na masyado siyang pafall kaya ito gustong gusto ko na siya. Mahal ko na siya

Pero ba't ang sakit. Nag init na ang ilalim ng mata ko.

"Wala" Iwas kong tingin.

" Ano nga! bakit gusto mong malaman! " hinarap niya yung mukha ko sa kanya.

Nakipagtitigan  lang ako sakanya.

Sasabihin ko na ba

Bahala na.

" Kasi.. M-matagal na kitang g-gusto i mean m-maha-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw na aking ikinagulat.

" Miss Cruz naman! Alam mong hindi pwede 'yang nararamdaman mo! I'm your professor and you are my student! At for goddamshake parehas tayong babae! Dapat pinigilan mo.. at may fiance na ko." Inis na sabi nito.

"Fiance?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

" Si Liam".. Iwas niyang tingin

Yung gagong 'yon! Hindi ba nanliligaw pa lang yun. Fiance niya na agad. Realquick ah tangena

Para akong tinusok ng ilang libong karayom ang sakit. Sobrang sakit palang mareject 'yung feelings! 

" But I like you .. I really... Really like you.." naluluha na yung mata ko sa tensyong 'to. " Stop it."

" Hindi mo ba ako gusto? Hindi ka man lang ba nag.. ka-- gusto sakin.." Pumipiyok na sabi ko.

Umiling siya siya.. " pe-pero.. ano yung halik.. hinalikan mo ko. "

" Wala lang 'yon.. "

" Pero iba yung pinaparamdam mo sakin.. " nagbabadya ng pumatak ang taksil kong luha.

" Wag mong bigyan ng malisya yon."

" Hindi pwede.. mali.. masasaktan ka lang kaya tigilan mo na 'to. And please ayoko mawalan ng lisensya." dugtong niya, bago tuluyang lumabas ng classroom.

Napa upo ako sa sahig at napahagulgol na lang  ng iyak dahil sa sakit nararamdaman. Ang sakit lang kasi siya na mismo ang nagsabi nun. Ganto pala ang pakiramdaman na mareject ng taong gusto mo. Siguro nga hindi niya ko magugustuhan, Hindi siguro siya yung para sakin. Tatanggapin ko nalang kahit masakit.

Bakit kasi sa dinami rami ng pwedeng magustohan siya pa.. professor ko pa damnnn! This fucking life!!!!

Hindi na ako pumasok dahil wala na akong gana, ikaw ba naman mareject ng taong gusto mo,
bat kasi nag confess pa ako sa kanya na gusto ko siya. Heto ako ngayon nasasaktan . Ambobo ko dapat pala hindi ako nagconfess pero okay na yon. Gugustuhin ko parin siya mula sa malayo, hindi naman siguro bawal yon.

Deeply inlove with her  [PROFXSTUDENT] Where stories live. Discover now