𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐦𝐩𝐢𝐭𝐨

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐦𝐩𝐢𝐭𝐨: 𝐅𝐨𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫...

"I don't know what is worse, people who lie or people who think I am stupid enough to believe the lies!"
-Amaya Creek

Ngayon ay malinaw na kay Meadow ang ibig sabihin ng laman ng huling liham ni Amaya. Napag-alaman niya na ang dahilan ng pagpapadala ng liham ni Amaya imbis na gumamit ng application ay para walang makaalam sa tunay nangyayari sa pagitan nina Mea, Amaya at Osmond.

Halos lumuwa na ang mga mata ni Meadow habang umiiyak at pinagmamasdan ang unti-unting pagbaba ng kabaong ni Amaya. Maraming mga dumalo sa huling libing ang nagtatapon ng puting rosas.

Sa pagbaba ng kabaong ay ang tahimik namang pagdadasal ni Meadow. Humihingi din siya ng kapatawaran dahil niloko niya si Amaya. Dahil nakihati pa siya sa puso ni Osmond. Isang desisyon na habang buhay niyang pagsisisihan. Kung hindi lang niya sana inakit si Osmond baka buhay at masayang namumuhay na ngayon ang pamilya ni Amaya.

Sa kabilang dako, 'di kalayuan sa naglilibing ay may isang lalaking nakatanaw lamang. Puno ng pagsisisi ang kanyang puso.

Kung sana lang...

Nang mailibing na si Amaya ay isa-isa nangnagsialisan ang mga tao. Insaktong pagharap ni Meadow ay nahagil ng mga mata niya ang lalaki na nakatayo sa tabi puno. Na bigla ding umalis. Ganun paman, kahit hindi niya nakita ang mukha nito ay alam niya kung sino ang lalaki. Ang lalaking sinisisi niya sa lahat ng mga nangyari. At ang lalaking sinisisi ang sarili sa nangyari.

Let's forget each other...

Sabi niya isip saka nagpatuloy sa paglalakad. Inaalalayan naman siya ng parent niya na kagaya niya ay mababakas ang pagsisisi. Sana dumating ang araw na mapatawad nila ang isa't isa. Ang kanilang sarili.

★★★ WAKAS ★★★

Between ThemWhere stories live. Discover now