𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐦

2 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐦: 𝐌𝐚𝐲𝐚'𝐬 𝐓𝐰𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫?

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐦: 𝐌𝐚𝐲𝐚'𝐬 𝐓𝐰𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Bakit ka nandito?" Hila ni Mond kay Meadow. Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi agad siya naka-react. Natauhan lang siya nang sumigaw na si Lolo Ondoy, tinawag nito ang apo sa pangalan. Pero parang walang narinig si Mond, at patuloy ito sa paglabas ng villa.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nag-usap na tayo?" Galit at naiinis na tanong ni Mond kay Meadow. Mahigpit parin ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga.

"Teka, 'yung kamay ko..." Nasasaktan na tinanggal ni Meadow ang kamay ni Mond pero masyado iyong mahigpit. Namumula na nga. Mukhang gusto yatang balian siya ng buto ni Mond.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Pigil na singhal ni Mond. Natatakot na tuloy si Meadow sa lalaking gusto niya. Bakit kaya siya ganito?

"Bakit ko naman sasagutin 'yang tanong mo?!" Parang piniga ang boses ni Meadow habang diretso ang tingin sa lalaking tinatanong siya nang mga bagay na wala naman siyang ideya kung para saan.

Ang gusto lang naman niya nang gabing iyon ay maging masaya. Kasama ang taong niligtas siya at patuloy na tumutulong sa kanya. Maging ang unang lalaki na nagpatibok ng puso niya.

"Maya naman!" Iritang sigaw ni Mond. Ang kaninang maamo nitong mukha ay tila napalitan ng isang mabagsik na itsura. Ang boses niya na parang musika sa Tenga ni Meadow ay parang naging isang umaatunal na baboy ramo.

"Ano ba ang sinasabi mo!" Tapang-tapangan na balik ni Meadow sa lalaki.

"Oh, come on! Maya." Nangungutya nitong sagot.

"Nagkakamali ka. Meadow ang pangalan ko, asshole!"

Dahil dun ay lalong nagalit si Mond at walang pagdadalawang isip siyang sinampal. Sa lakas nun ay bumagsak siya sa bermudas, sabay hawak sa kanyang pisngi.

"Matapang ka na ngayon?" Sabi pa ni Mond sa kanya na may matatalim na tingin.

"Maniwala ka. Meadow Creek ang pangalan ko. At hindi ako si Maya gaya ng sinasabi mo." Pakiusap ni Meadow. "Hindi ko kilala kung sino man 'yang sinasabi mo." Tuluyan na ngang umiyak si Meadow. Magkahalong emosyon. Takot, pagkalito, balisa ay trauma.

"N-nagsasabi ka ba ng totoo?" Natauhan si Mond. Nakokonsensiya siya. "P-pero kamukha mo siya!"

Hindi sumagot si Meadow. Sa halip, umiyak lang siya ng umiyak.

Nilapitan ni Mond si Meadow saka mabilis na binuhat. "I want some explanation from Lolo ." Usal ni Mond.

Dinala ni Mond si Meadow sa guest room nang hindi iniimikan. Magulo ang isip niya at maraming tanong ang nag-uunahan sa utak niya. Pero sa tingin niya mas mainam kung sa Lolo niya mismo manggagaling ang sagot.

Inutusan niya si Divina na ito ang mag-alaga kay Meadow. Sinabihan din niya itong huwag iwan at doon na rin sa guest room matulog. Napag-alaman niya kasing close si Divina at Meadow kaya ito agad ang unang pumasok sa isip niya na makakatulong kay Meadow. Marahil dahil sa guilt na naramdaman niya.

Nang sampalin niya si Meadow kanina nakita niyang sincere ito sa sinasabi. Kahit na malabo iyon sa kanya. Napagtanto din niya kalaunan na hindi ganoon ang magiging reaksiyon ni Maya kapag sinaktan niya ito.

Oo, alam niyang sakitin si Maya subalit mahilig sa adventure. Magkaganunpaman, alam niyang hindi ganoon ang gagawin ni Maya kapag sinaktan niya ito. Sigurado siyang gaganti si Maya.

Sakitin pero matapang. Iyan ang pagkakakilala niya sa kanyang girlfriend na si Maya. Subalit ang relasyong meron sila ay napagkasunduan nilang ilihim sa bawat pamilya. Kaya naman, malabo na kilala ni Lolo Ondoy si Maya. At dinala pa talaga sa villa upang ipakilala sa kanya.

Gusto niyang isipin na pinaprank lang siya nang Lolo. Pero hindi eh. Kaya Ngayon din ay tatanungin niya ito. Kung may alam na ba ito tungkol sa kanyang sekretong relasyon kay Maya.

"OSMOND!"

Hindi sumagot si Mond-short name ng Osmond. Sa dami nang katanungan gumugulo sa utak niya, hindi na niya tuloy alam kung ano ang uunahing itanong.

Isang malakas na sampal ang bumuhay sa balisang kaluluwa ni Mond. Ang sampal na iyon ay parang sampal ng disapointment. Hindi niya alam kung bakit.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo, tumingin ng diretso sa kanyang Lolo Ondoy.

"Anong ginawa mo kay Mea?!" Sigaw nang tila nanghuhusga na si Lolo Ondoy.

"Lolo, kilala mo ba ang babaeng dinala mo dito sa bahay?"

"Osmond, ayusin mo 'yang tono ng pananalita mo!" Singhal nito habang dinuduro siya. Tumungo si Mond. Gusto niyang magpaliwanag ang Lolo niya.

"Sa loob nang ilang araw na pamamalagi ni Meadow dito sa villa upang magpagaling mula sa aksidente, unti-unti ko siyang nakilala. Mabait at magalang si Meadow. Taong bahay." Panimula ni Lolo Ondoy saka nagtungo sa bintana. "Ilang araw na lang ay uuwi na siya sa kanyang pamilya. Kaya gusto kong ipakilala siya sayo."

"Lolo, huwag mo hong sabihin..."

Nilingon siya ni Lolo Ondoy. "Siya ang napili kong pakakasalan mo. Si Meadow Creek ang pakakasalan mo." Mariing wika ni Lolo Ondoy. "Ang kakambal ni Amaya Creek."

Between ThemWhere stories live. Discover now