𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐥𝐢𝐦𝐚

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐥𝐢𝐦𝐚: 𝐒𝐡𝐞 𝐤𝐢𝐥𝐥𝐞𝐝 𝐡𝐞𝐫𝐬𝐞𝐥𝐟.

Pagkatapos ng sagutan nina Amaya at Osmond ay hindi na umuwi pa si Osmond sa bahay nila. Dinamdam iyon ni Amaya kaya nang malaman ng kanyang pamilya ang nangyari ay agad nilang sinundo ito sa kanyang bahay.

Gaya ng inaasahan nila, nadatnan nilang nalululong sa alak si Amaya. Wala na itong ginawa kundi ang uminom ng alak, patay-sinding sigarilyo at walang tulog dahil sa malalim nitong mata na may pangingitim.

Halos hindi maatim nang pamilya niya ang kanyang kinahinatnan matapos ang isang buwan mula nang sila'y ikasal ni Osmond. Hindi naman nagkukwento si Amaya kaya walang may alam nang dahilan ng kanilang pagtatalo at kailangan pang umabot sa ganito.

Simula nang kunin nina Mister and Mrs Creek ang kanilang anak ay nagsimula na itong magkulong sa kwarto. Ayaw kumain at palaging umiiyak. Sinubukan nilang kausapin si Amaya pero ang laging sagot lang nito sa kanila, "si Osmond ang gusto niyang makausap." Kaya sa pag -aalala, hinanap nila si Osmond. Nahanap naman nila ang tinutuluyan nito pero nagmatigas si Osmond na hindi kausapin si Amaya. Magpapalamig daw muna siya at humihingi din siya ng space para makapag-isip kung tama ba ang kanyang ginawang pagpapakasal.

SA KABILANG DAKO.

December 24, 2008, 12: 44 pm.

Makulimlim ang langit na sinabayan ng pag-ambon. Kasalukuyang nagsasampay si Meadow ng mga nilabahan niyang damit dahil may sakit si Aling Doring kaya hindi ito makagawa ng gawaing bahay. Wala naman iyong problema sa kanya dahil simula ng magpasya siyang manirahan sa states ay sinanay na niya ang kanyang sarili sa paggawa ng mga gawaing bahay.

"Iha!" Humahangos si Aling Doring na lumapit kay Meadow, hawak-hawak nito ang telephone sa kanang kamay.

"Aling Doring! Kumalma po kayo. Ano po bang nangyayari?" Napahawak sa balakang si Aling Doring habang hinihingal. Nakailang beses ito ng buga bago tuluyang naging normal ang kanyang paghinga.

"Ang mommy mo sa telephone!" Inabot nito ang telephone sa kanya at kinuha naman niya ito nang may kaba.

Nang maitapat sa tenga ay saka lamang siya nagsalita, "mom?"

"Si Amaya!" Humahagulhol na bungad ni Misis Creek. Kumunot ang noo ni Meadow habang nakakaramdam ng kakaibang lamig.

"Let me talk to him," pag-agaw ni Mister Creek sa telephone sa hindi makapagsalitang asawa. "Hello, Mea?"

"Dad? What happened?"

"Wala na ang kakambal mo, anak." Direkta tagos sa puso ni Meadow ang sinabi ng daddy niya.

"P-po? Dad naman..." Nanginginig ang boses ni Meadow. Ang kanyang luha ay nagsisimula nang magbagsakan. Noong isang araw lang ay magkausap pa lang sila ni Amaya. Naglalabas ito ng sama ng loob tungkol sa asawa nito. Humihingi din ito ng payo kung paano muling kunin ang loob ni Osmond. Pero maging siya ay hindi alam ang ipapayo. Wala naman kasi siyang alam kung paano paaamuhin ang isang lalaki. Iyong ginawa niya kasi kay Osmond ay hindi na niya matandaan kung paano niya ito napaibig.

"She killed herself, Mea. Nasa morgue na ngayon ang bangkay niya." Malungkot ang boses ng Daddy niya. Nahihimigan din niya ang pagsisisi dahil sa hindi maganda nitong pagtrato kay Amaya. Ngayong patay na ito, hindi na niya maitutuwid pa ang pagkakamali niya.

"NO WAY!" Sigaw ni Meadow. "Bakit niya naman gagawin iyon!"

"Nadepress ang kapatid mo, Mea. Simula kasi noong magkasagutan sila ng asawa niya, hindi na siya muli nitong kinausap. Ang malala pa, gusto nitong mag file ng annulment! Hindi kinaya ni Amaya ang sunod-sunod na problema. Lalo na ng malaman niyang buntis siya." Natigilan si Meadow sa huling sinabi ng daddy niya. Buntis si Amaya?

Between ThemWhere stories live. Discover now