𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐒𝐢𝐲𝐚𝐦: 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝.

2 0 0
                                    

Lulan ng SUV sina Meadow at Amaya. Papunta sila ngayon sa Blue River. Nais na daw kasi ni Amaya na pumunta dito upang mag refresh.

...at dahil may sekreto siyang sasabihin.

"Nandito na tayo." Pinark ni Kuya Ramon - personal driver nilang magkapatid - sa parking space.

"Salamat Kuya. Pakihintay na lang po kami sa lobby. Hindi rin kami magtatagal." Binuksan ni Amaya ang pinto ng SUV. Lumabas ng sasakyan, at pasimpleng inayos ang suot na dress. Sumunod naman sa kanya si Meadow.

"Nagpa- reserve ako ng room. Halika na!" Hinawakan ni Amaya si Meadow sa kamay at patakbong pumasok ng Blue River. Konti lang ang tao dahil maaga silang pumunta. Alam kasi ni Amaya na hindi sanay sa mataong lugar si Meadow.

"Ang ganda naman dito, Amaya." Kitang-kita mula dito ang blue river. Sa loob ng silid makikita ang mga kumpulan ng tao na kumukuha ng larawan gamit ang blue river background.

"Sinadya ko talagang dito pumwesto," Dala-dala nito ang inorder na Lychee juice at blueberry muffins.

Uminom konti si Amaya ng juice bago marahang umubo. "Ang totoo niyang ate.."

"Hm?"

Binaba ni Amaya ang dalawang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at nagsimulang mag-alangan.

"Bakit may problema ba?" Humiwa ng piraso ng muffin si Meadow at sinubo iyon.

Alam ni Meadow na may ibang dahilan si Amaya nang yayain siya nitong pumunta ng blue river. Alam niyang hindi dahilan ang kagustuhan nitong pumunta sa naturang lugar para lang mag refresh. Pagkatapos siyang yayain nito ay nagsimula na siyang kutuban. Kutob na ayaw niyang hulaan ang dahilan.

"Ate, may boyfriend na 'ko." Diretsa na amin ni Amaya. Ikinagulat niya iyon. At the same time, kinabahan siya. Ito na ba 'yun?

"Ate, okay ka lang?" Puna ni Amaya nang mapansin nito ang biglaang pamumutla niya.

"A-ayos lang ako." Umiwas siya ng tingin. "Nagulat lang ako na malamang may boyfriend ka na. Ka-kailan pa? Alam na ba 'to nila mom and dad?"

Marahang tumawa si Amaya. "Easy ate. Isa-isang tanong lang. Mahina memorya ko!"

"Ah..." Pilit siyang tumawa.

"Pasensya ka na ate. Alam ko na 'di lang tayo magkapatid kung ituring ang isa't isa. Para din tayong magkaibigan. Kaya sa dinami-rami ng sekreto ko, nagui-guilt tuloy ako."

"Naiintindihan ko. May mga bagay talaga na mahirap ibahagi sa iba. At nandito lang ako palagi, Amaya. Bukas ang tenga ko sa mga sasabihin mo." Kahit papaano'y kumalma ang pakiramdam ni Meadow.

"Salamat ate." Sabi niya. "Ang totoo nga niyan, ikaw pa lang ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito."

"Ganun ba," uminom ng juice si Meadow at sumubo ng muffin.

"Pareho kasi kaming nagdecide na h'wag ipagsasabi sa iba ang relasyon namin. Para sa ikabubuti namin.-" Nabulunan si Meadow na ikinahinto ni Amaya sa pagsasalita.

"Ayos ka lang ba talaga ate? Uwi na lang kaya tayo." Nag-aalalang nilapitan ni Amaya si Meadow. Hinahaplos nito ang likod niya.

"Mamaya na. Ta-tapusin mo muna iyang sinasabi mo. Para kahit papaano gumaan ang pakiramdam mo."

"Sigurado ka ba?"

Tumango si Meadow. Bumalik sa upuan si Amaya at nagsimula na ngang magkuwento ulit.

"Nitong mga nagdaang araw napapansin kong iniiwasan niya ako. Tapos kapag nagkikita naman kami, laging malalim ang iniisip." Tinatanong naman niya ito kung ano ang dahilan pero katahimikan lang ang sinasagot nito. Nahahalata din niyang wala ito sa sarili. Nag-aalala si Amaya dahil sa biglaang pagbabago nito.

"Ate, mahal na mahal ko si Osmond. Hindi kakayanin ng puso ko kung mawawala siya sakin." Umiiyak na sabi ni Amaya na ikinatigil ni Meadow sa paghinga.

Between ThemWhere stories live. Discover now