𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐓𝐚𝐭𝐥𝐨: 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐀𝐦𝐨𝐮𝐫

13 1 0
                                    

Makalipas ang isang araw ay unti-unti na ring bumabalik ang lakas ni Meadow mula sa aksidente

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Makalipas ang isang araw ay unti-unti na ring bumabalik ang lakas ni Meadow mula sa aksidente. Gusto niya ding madaliin ang kanyang pag-recover sa kagustuhang umuwi na sa kanilang bahay. Namimiss niya na ang kanyang pamilya. Nag-aalala din siya para sa kanyang kapatid na si Amaya. Masyadong mahina ang loob nito lalo na kapag napagsasabihan nang kanilang mga magulang.

Mula sa kanyang kinahihigaan ay nakatanaw siya sa labas ng bintana. Maganda ang panahon nang mga araw na iyon. Gusto din niyang maglakad-lakad sa labas ng kubo.

Tahimik ang paligid. Ngunit sanay siya sa ganoong katahimikan. Siguro dahil mas nakakaramdam siya ng peace kapag ganoong tahimik.

Bumangon siya sa kama at lumabas nang kubo.

Namangha siya sa kanyang nakita sa labas ng kubo. Dahil ang nasa harap niya ay isang napakagandang Villa. Napapaisip siya kung ito ba ang Villa na sinasabi ni Lolo Ondoy.

Ang ganda ng paligid ay isa sa mga tumulong kay Meadow upang gumaan ang kanyang pakiramdam. Mas lalo niya tuloy namimiss ang kanyang pamilya.

Sa harden, isang lalaki nag nati-trim. Ang ganda ng kanyang pagtrim dahil nagmukha iyong ahas na nakapulupot sa sariling katawan habang nakataas ang ulo nito. Sa dulo ng harden ay may isang babae na parang nasa trenta na. Pumuputol ito ng bulaklak na may sanga pang kasama. Ilalagay niya siguro ito sa flower vase. Iba-iba ang kulay at uri ng bulaklak ang kanyang iniipon kaya mas lalo itong gumanda sa kanyang paningin.

Napansin siya nang babae kaya tumingin ito sa kanya saka mainit na ngumiti. Pagkatapos ay tumigil na ito sa ginagawa at pumasok sa isa sa mga pinto ng villa.

Samantala, nagpatuloy sa pagmamasid si Meadow. She's wondering. Hindi pangkaraniwan ang tumulong at nagpatuloy sa kanya. Pero bakit kaya ganoon sua nang mga ito itrato?

"Hi, bago ka rito?" Malambing ang tono ng boses nito. Sa tono pa lang, alam na niya kung tagasaan ang nagmamay-ari ng boses. Ilongga.

Nilingon niya ito at ngumiti na medyo naiilang. "O-opo?" Sagot niya na medyo naguluhan sa dapat niyang isagot.

Lumapit sa kanya ang babae. Nagulat siya nang biglang isukbit nito ang braso sa kanyang braso. Na para bang sobrang close nila sa isa't isa.

"Ako din bago lang ako. Sa katunayan, kakasimula ko lang ngayon. Anong trabaho mo dito sa villa amour?" Komportable lang ang babae sa pakikipag-usap sa kanya.

"Ah, ganun ba?" Sagot niya na pasimple pang kumamot sa ulo. "Pero hindi ako nagtatrabaho dito e,"

Gulat na nilingon siya ng babae. Sa gulat nito ay kumawala ito sa pagkakasukbit nito sa kanyang braso. " 'No bayan! Unang araw ko pa lang pumalpak na ako." Bulong nito sa hangin kahit pa dinig na dinig siya nito. " Pa-pasensiya na po!"

Marahang tumawa si Meadow. "Mukhang Mali yata ang pagkakaintintindi mo." Sabi niya. "Hindi ako nagtatrabaho dito. At mas lalong hindi ako amo dito."

Lumukot ang noo ng babae. "Kung ganun po..."

"Pasyente ako ni Doktor Ondoy." Pagliliwanag niya.

"Po? Eh, akala ko matagal ng retired si Lolo Ondoy?"

"Tama ka." Sabi niya. "Isipin na lang nating isa ako sa mga survivor ng isang palaro. At na- injured ako kaya ginagamot niya ako."

Lalo lamang naguluhan ang babae.

"Ano pa lang pangalan mo?" Tanong ni Meadow na halatang magaan na ang loob sa babae sa simula pa lang.

"Divina. Divina po ma'am." Sagot nito na parang umiwas pa na magtama ang kanilang tingin. Bahagya rin itong humakbang nang isang dipa.

"Divina." Sabi niya na nakatawa pa. "Meadow. But you can call me, Mea, for short." Pakilala ni Meadow. Dahil sa biglang nagbago ang pakikitungo ni Divina sa kanya, sa pag -aakalang isa siya sa mga house staff, ay siya na mismo ang lumapit dito.

"Pwede po ba akong humingi ng favor?" Nakangiti niyang tanong. Tumango lamang si Divina bilang tugon. "Pwede mo ba akong samahang maglibot sa villa?"

Nag-angat ng ulo si Divina saka tumingin nang diretso sa kanya. "Ma'am naman. Nag-jo-joke pa po talaga kayo. E, bago lang din po ako dito. Sa laki nitong villa baka magkanda-ligaw-ligaw lang po tayo." Honest niyang sabi. "May mga mas matagal na pong mga staff dito sa villa. Pakikiusapan ko na lang po na samahan kayo na maglibot dito sa villa." Patuloy pa nito.

"Pero ikaw ang gusto ko ate Divina." Pilit ni Meadow sa malambing na boses. "Kung maligaw man tayo, at least dalawa tayo." Pabiro niyang sabi.

Natawa si Divina na ikinahawa na rin Meadow.

"May naririnig akong tampisaw ng tubig. May swimming pool ba dito?" Usisa ni Meadow matapos dumaan ng ingay ng tampisaw ng tubig sa kanyang tenga.

"Naku! Ma'am. Malapit lang kasi mula dito ang pool. Baka nga si sir Mond iyong nagtatampisaw sa pool." Nataranta nitong sabi.

"Mond? Sino yun?" Nagtatakang tanong niya kay Divina.

"Si sir Mond po. Siya ang apo ni Lolo Ondoy." Bulong ni Divina.

Between ThemWhere stories live. Discover now