𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠-𝐚𝐩𝐚𝐭

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠-𝐚𝐩𝐚𝐭: 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐢𝐲𝐚?!

Napabalikwas ng upo si Amaya nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanilang bahay mag-asawa. Gaya ng mga nakaraang gabi, malamig parin ang presensya ng asawa. Kaya hindi na niya kaya pang patagalin ang sitwasyong iyon. Kokomprontahin na niya si Osmond.

"Osmond, mag-usap tayo." Salubong ni Amaya bago pa ito tumuloy sa kanilang silid. Ngunit hindi siya kinibo ng asawa. Para siyang multo dahil hindi man lang siya makita ni Osmond. Iwas na iwas ito sa kanya nang hindi niya alam kung ano ang dahilan.

"Ano ba!" Sigaw ni Amaya nang talikuran siya ni Osmond. Kaya sapilitan na niya itong pinaharap sa kanya. "Bakit mo ba 'to ginagawa sakin?!" Iyak niya. Pero nanatiling tahimik si Osmond at ayaw siya nitong tignan sa mga mata.

"Tangina naman, Osmond. Magsalita ka. Ano bang problema at nagkakaganyan ka!"

Tanging buntong hininga lang ang sinagot ni Osmond. Na mas lalong nagpasikip ng puso ni Amaya. "Sagutin mo ako. May iba ka bang mahal higit sakin?" Parang sinaksak ang puso ni Amaya. Malaking sugat ang tinamo ng tanong niya at baka mapunit na iyon sa oras na sagutin siya nito.

Katahimikan parin ang naging sagot ni Osmond. At ang katahimikang iyon ay binasag ni Amaya nang magsimula siyang magbuhat ng mga gamit na madampot niya at itapon sa kung saan. Babasagin man o hindi ay hindi niya pinalagpas.

"Stop!" Awat sa kanya ni Osmond sa ginagawa niyang pagbabasag ng mga gamit.

"Nagsasalita ka pala! Ang akala ko, tuluyan ka ng naging mute!?"

"Let's take a rest. We'll talk tomorrow." Pag -iwas ni Osmond sa tanong niya. Pero nagmatigas siya. Hindi na pwedeng abutin pa ng bukas ang problemang meron sila.

"NO!" Mariing sambit niya. "We have to talk, right now!"

"Then calm down!" Iritang sabi ni Osmond. "Gusto mong mag-usap tayo pero ganyan ka?"

"What? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako naging ganito?!" Mariing wika ni Amaya habang tinutusok ang dibdib ni Osmond.

"Paano kita kakausapin kung simula pa lang mainit na ang ulo mo?"

"Dahil ilang linggo na tayong ganito, Osmond. Ilang linggo mo na akong hindi kinakausap, ni pansinin ay hindi mo magawa."

"Pagod lang ako." Sagot niya saka tumalikod.

"Wow!" Sarcastic na bulalas ni Amaya. "Ang sabihin mo may ibang babae ka ng kinakalantari!?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Lalong umiinit ang ulo ni Osmond sa mga ginagawa ni Amaya. Ayaw niyang sabayan ang pagiging praning nito pero hindi siya titigilan ni Amaya. Pipigain siya nito Hanggang malaman ang dahilan nang kanyang pag-iwas.

"Bakit? Totoo 'di ba?!" Pinagpapalo siya ni Amaya. Sa kahit saang parte iyon ng katawan niya tumama. Sa mukha, dibdib, braso at iba pa. Ang kinapikon niya ay nang sa kakaatras niya ay napasandig na siya sa pader at hindi na siya pwedeng umatras pa para iwasan ang ginagawang pananakit ni Amaya.

"Tama na!" Tinulak niya si Amaya at sumalampak ito sa sofa. "May iba akong mahal. Ano, masaya ka na? Hindi Ikaw ang mahal ko!"

Between ThemWhere stories live. Discover now