𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠-𝐚𝐧𝐢𝐦

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠-𝐚𝐧𝐢𝐦: 𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐦𝐚𝐲

PAGKATAPOS niyang ihatid ang mga gamit sa bahay nila at magpalit ng damit ay dumiretso na si Meadow sa lugar kung saan nakaburol si Amaya.

Bago siya makapasok sa naturang building ay may napansin siyang kakaiba sa labas nito. Isang kahina-hinalang lalaki ang nakatayo sa labas ng building at mukhang may pagdadalawang isip na pumasok. Hindi lang naman ang kapatid niya ang nakaburol sa naturang building kaya hindi niya na lamang ito binigyan pansin.

Laking gulat na lamang niya nang sundan siya nito papasok sa building. Sa gulat niya ay napatili pa siya at pinaghahampas ito ng dala niyang sling bag.

"Mea, it's me!"

Huminto sa paghampas si Meadow saka sinilip ang nasa likod ng hood ng jacket. Nakasuot ito ng facemask at black glass kaya hindi niya mahulaan kung sino. Pero ang boses? Kilalang-kilala niya.

Nagtanggal ng hood, glass, at facemask ang lalaki. Nang mas makilala niya ito ay namilog ang kanyang mga mata.

"OSMOND?"

"Let's talk in other place." Hinila niya si Meadow palabas ng building. Pero nang makalabas na sila ay agad na winakli nito ang kamay niya.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito?!"

"I know, I have no right. But I know you're going here!" Tinignan siya ng masama ni Meadow. Masama ang loob nito sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid. Dahil sa nangyari tila nawalan ng saysay ang sakripisyo at pagpapaubayang ginawa niya para sa taong mahal niya. Walang iba kundi si Amaya.

"I'm sorry." Sambit ni Osmond. "Dapat noong una pa lang, hindi na ako nagpakasal sa kanya. Dapat hindi ko na sinakyan ang kasinungalinga niya."

"What do you mean by that?"

"Pinikot ako ni Amaya, Meadow. Dahil alam niyang may namagitan sa atin." Sabi ni Osmond na nagpaawang sa bibig niya. Ibig sabihin bago pa ikasal silang dalawa ay alam na nito ang nangyari. Pero bakit hindi siya kinompronta ni Amaya? Iyong pagdala nito sa Blue river to tell her secret about her boyfriend was part of a plan?

"You're lying." Umiiyak na sabi ni Meadow habang umiiling-iling.

"But that's the truth, Mea." Pilit ni Osmond. "A days after kang makabalik sa pamilya mo, nalaman niya ang nangyari satin. Siya mismo ang nagtapat sakin, Mea. Galit siya sayo dahil dun pero takot din siya at the same time. Na baka ikaw ang piliin ko sa dulo." Bumuga ng mabigat ng hangin si Osmond bago nagpatuloy.

"A night before the family dinner may nangyari samin. And unexpectedly, nabuntis ko siya. Alam mong complicated ang family natin kaya nagulat at nagalit ako sa nangyari. Kung bakit hinayaan niyang mabuntis siya. Ginamit niya 'yun para ma- convince akong dumalo sa family dinner. Without knowing na may nakareserba pala siyang pakana. She tell to your parents that I am asking 'Amaya's hand." Patuloy ni Osmond.

"I was shocked and afraid of the consequences kaya sinakyan ko ang plano niya. Pero Mea maniwala ka, ikaw talaga ang mahal ko."

"What's going on here?" Magkasabay na nilingon nila ang pinagmulan ng boses. Hindi sila makapaniwala sa taong naging saksi at nakarinig ng rebelasyon ni Osmond. Dahil sa kanilang usapan ay nakalimutan na nilang nasa harap parin pala sila ng building.


Between ThemHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin