Chapter 24

14 0 0
                                    

KYLIE'S POV

Hay life! Bakit ang bait mo ata sa akin? Parang dati lang puro pait at pighati lang ang handog mo sa akin tapos ngayon para namang nakajackpot ako! Tsk tsk tsk. Ito na siguro ang kapalit ng paghihirap na pinagdaanan ko sa kamay ng mga mapanghusgang tao noon!

Well, meron pa din namang nanghuhusga sa akin ngayon pero hindi na ganun kadami. Kaya nga hindi ko man lang naranasan na magkaroon ng best friend kasi mga mapanghusga sila. Ayoko pa naman ng ganun. Ang totoo niyan, isang malaking LONER din ako nung high school.

Ako kasi yung tipo ng babae na mas okay mag-isa kesa makisama sa mga taong plastik at judgmental. Naniniwala kasi ako na Nobody's perfect except God. Kaya bwisit na bwisit ako sa mga feeling perfect. Napapailing nalang ako sa mga taong GGSS at hahayaan ko nalang sila.

"Hey Kylie!" bigla nalang may kumalabit sa akin habang naglalakad ako pabalik ng room kaya naman nagulat ako.

"Ay GGSS ka!" agad kong nilingon ang lalaking tumawag sa akin. Tsk! Pasaway! Ito ang isa sa pinakatago-tago kong kahinaan. Sobrang nerbosya ako! >___

Napatingin siya sa akin with his nagtatakang face, "GGSS? Ano yun?" tanong niya.

"Ha? Ah, wala yun. Nevermind. Anyways, bakit ka andito?" tanong ko kay PJ. Yes. As in si PJ Jabson. Ang gwapong si PJ Jabson na, ehem, na may "crush" daw sa akin.

Ngumiti siya, "Hindi ba pwedeng dalawin ko lang ang friend ko?" he said emphasizing friend then he winked at me.

GOODNESS! ANG CHEEKS KO NAGIGING ROSY! >//////////


"OMG! Di ba si PJ Jabson yan?"

"Shocks! Oo nga siya yan! Graphic arts student siya di ba? And kasama pa niya si Kylie Hernandez!"


Napapikit nalang ako sa narinig ko. Mula kasi nung nalaman ng buong school yung tungkol sa akin at kay Jeremy, err, ayun, medyo naging trending ako ng bongga. Nakakaloka kaya!


"Tsk! Ikaw talaga! Bakit ka ba kasi nandito? Ang layo ng building mo sa building namin ah!" sabi ko sa kanya sabay hampas pa sa braso niya. Eh kasi nga feeling close ako sa kanya! Bwahahahaha >:D

Natawa siya, "Sabi ko nga di ba dinadalaw ko ang friend ko." sabi niya emphasizing friend again, and again, he winked. Grr. >/////////

Tsk, "Parang sira naman 'to eh. Alis ka na dito dali! Pinagppyestahan ka na oh!" sabi ko sa kanya.

Seryoso! Ang daming Allied Science students dito sa hallway dahil lang sa presensya niya. Ibang klase di ba? Akala mo may artista lang! Buti sana kung si Enrique Gil 'to eh! Tsk.

"Hay. Sobrang hirap talagang maging gwapo." sabi niya.

Natawa ako, "Haneep. Sige push mo yan! Lumayas ka na nga dito at ginugulo mo ang tahimik na mundo ng building namin! Madaming nag-aaral ng mabuti dito!" sabi ko sa kanya.

"Okay, okay. I just want to invite you to watch the game after class. Sportsfest na diba?" sabi niya sa akin.

"Ay oo nga no! Sino kalaban niyo?"

"Arts vs Pharmacy." all smiles niyang sabi.

"Sus! Kami pala! Malamang manonood ako! Oy ah, magpatalo kayo." asar ko.

Natawa lang siya, "Let's see. Sige ha, see you later. Bye Kylie." sabi niya.

Kumaway lang ako sa kanya at naglakad na ako pabalik ng classroom. Pagdating ko palang sa harap ng pintuan ay nakita ko si Lyle at Ria na parehas nakatayo at nakacross pa ang braso. Problema ng mga to?

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon