Chapter 15

11 2 0
                                    

JEREMY'S POV

Nakakainis talaga yung babaeng yun. Sabi ng wag sabihin kay Lolo eh. =___= Pahamak talaga eh. Oyy! Wag nga kayong green jan! Totoo ngang binili ko yun kasi naaawa ako sa phone niyang 3315. Space impact? Snake? Laos na yun! (A/N: Oy! Favorite game ko yun nung bata ako no! >_

Nevermind the author. =___= So ayun nga, oo nga binili ko nga yun para sa kanya! Kasi... Uhm, basta binili ko! >_

*Flashback*

Naisipan ko munang pumunta sa mall kasi si Kylie ay nasa bahay daw nila Ria. Nagtingin-tingin lang ako since ang tagal ko na din hindi nagpupunta ng mall. Hanggang sa naapadaan ako sa store ng Apple. Pumasok ako para magtingin-tingin ng gadgets. Parang gusto ko sanang bumili ng iPad. May credit card naman ako dito eh.

"Hi Sir, may I help you?" sabi nung saleslady dun.

"How much is this?" turo ko dun sa iPad. Sinabi naman niya yung price. Hindi ko na sasabihin kung magkano kasi baka sabihan niyo na naman ako ng mayabang. =__="

"Okay, I'll get it." sabi ko tapos pumasok siya dun sa loob para iprepare yung binili ko.

Nagikot-ikot muna ako when something caught my attention. Isang iPhone5S. Ewan ko ba pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun...

Lumapit ako dun sa saleslady sa counter na currently inaayos yung iPad sa box. "Excuse me miss, pero yung iPhone5S na lang pala yung kukunin ko." sabi ko sa kanya.

"Okay sir. What color d'you want?" the saleslady asked.

Nagisip ako, "I prefer Silver. Thanks." tumango naman yung saleslady at pinrepare na yung binili ko. Inabot ko na din ang credit card na bigay sa 'kin ni Lolo. Hindi sa nagyayabang ah, pero itong iPhone? Barya lang 'to kay Lolo. Di niya 'to mapapansin.

Lumabas na ako ng store na nakangiti. Until I realized something, when I saw this iPhone, naisip ko agad bigyan si Kylie. Why? Ewan. =___= Kayo ba, alam niyo?

*End of Flashback*

Tapos ayun, sinabi niya na kay Lolo. Baka mamaya pagalitan pa ako nun kasi kung anu-ano pinagkakagastusan ko. Pero sana wag naman, barya lang naman 'to sa kayamanan niya eh.

*tok tok*

Sino naman kaya yun? Bumaba ako ng kama ko at binuksan ko yung pinto.

O_____________________________________O

"Ba-bakit ka andito?" sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya! Parang, arrgh! Nahihiya ako! Peste. =___=

"Ah- Kasi- Ano-- Eto.." sabi niya tapos nakita kong inaabot niya sa 'kin yung paperbag na binigay ko sa kanya.

"Bakit mo binabalik? Sayo na yan." plain kong sabi.

"Eh kasi... Hindi ko 'to matatanggap! Ang mahal neto eh..." sabi niya na nakayuko pa din.

"Okay lang... Mayaman naman ako." sabi ko.

Pero nagulat ako sa ginawa niya, hinawakan niya yung kamay ko at saka sinabit yung paperbag sa kamay ko.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"Te-teka... Sa-sa'yo na nga 'to..." sabi ko na nagsstammer pa. Ewan ko ba! Parang bigla akong kinabahan!

"Hindi ko nga sabi matatanggap eh... Masyadong mahal!" sabi naman niya.

I sighed. Bakit ba ayaw nalang niya tanggapin at mag-thank you na lang siya sa 'kin? Psh. PRIDE nga naman oo. Feeling niya siguro ay isusumbat ko na naman yung sa kanya... -_____-

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon