Chapter 18

17 1 0
                                    

KYLIE'S POV

"Ano ba yun?" tanong ko. Grabe ah, parang sobrang kinakabahan ako sa sasabihin nito. Mas grabe pa 'tong kabang nararamdaman ko compared sa kaba ko pag may quiz tapos hindi ako nagaral. Hoo!

Tapos tapos para pang may candlelight dinner date dito! Ayy! Hindi pala parang, as in pala! May mga petals pa sa sahig! Korni? Pineprepare niya kaya 'to? Weee. Imposible. Hindi ako pagaaksayahan ng oras ng baliw na 'to. Pero curious ako, bakit may ganitong set up pa? Hindi kaya... Weh Kylie, asa mode ka na naman! Assuming pa. -______-

I heard him sigh kaya napatingin ako sa kanya, "Thank you. Thank you for coming into my life."

O___________________________O

A-ano daw? Coming into his life? Eh di ba halos palayasin na niya ako sa buhay niya tapos ngayon naman thankful siya kasi dumating ako sa buhay niya? Ano kaya yun!

"I know it's hard to believe but really, I'm so thankful. Oo, tinaboy kita noon dahil lang naiirita ako sa'yo sa hindi malamang dahilan at sa dahilang akala ko ay gold-digger ka. But I was wrong. I should not have judged you. Sorry for being judgemental..." he paused.

Hindi pa din ako makasalita kasi hindi ko naman alam kung anong irereact ko. Lahat ng sinasabi niya ay saktong-sakto sa kanya. Pero natutuwa naman ako kasi narealize niya yung mga wrong doings niya. Sa ngayon, nakatingin lang kami sa isa't-isa. Ewan ko ba, parang na-mighty bond na ata yung mata ko sa mata niya. Bwisit. =____=

He sighed again at nagtuloy sa mga sinasabi niya, "Thank you for being a friend, a sister to Courtney, and being a good person to my Lolo. Thank you kasi napagtyagaan mo ang ugali ko. Thank you for giving me Lyle and Ria as my friends. Thank you for bringing back the light into my life. Before, I chose to stay in the darkness. Pero nung nakilala kita ng sobra, nakasama lagi sa school, kasama sa bahay, parang bumalik ang liwanag ng buhay ko..."

So ano ako? Meralco? Sabay kanta ng May Liwanag ang buhay. Or pwede din isa akong brand ng sperma na kandila, Liwanag Candles.

Pero sheeeeet. Hindi ko dapat to nafefeels eh pero... Pero... Kinikilig ako sa mga sinasabi niya! Ano ba kasi talaga ang gusto niyang iparating?

"Wait lang Jeremy ha, pero ano ba talagang gusto mong sabihin? Paligoy-ligoy much ka kasi eh. Natatakot na ko sa mga sinasabi mo. Para ka nang mamatay eh." sabi ko sa kanya. Eh totoo naman kasi eh! Sa tono ng boses niya parang may mangyayaring masama sa kanya eh! *katok sa pader 3 times*

He chuckled, pero mahina lang... "Sorry. It's just that..." yumuko siya, "...hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa'yo." sabi naman niya.

"Kaya mo yan. Sabihin mo na, sayang naman 'tong preparations mo... Yun ay kung ikaw ang may pakana..." sabi ko sa kanya.

"Ako nga."

O__________________________________O

"Seryoso? Err... Bakit nga? Tsaka para saan 'to?" tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng sobrang lalim, as in sobra... Kinabahan naman ako bigla, "In a short period of time, nakilala kita. You're kind, friendly and cheerful. You're simple, but beautiful, inside and out..."

O____________________________________O

WAIT. Did he just praised me? At saka, bakit ba ako kinikilig? >________________<

"Kylie Hernandez, I like you. I really, really like you. Masaya ako pag kasama kita. I tried avoiding you just to confirm my feelings for you. At ngayon na naconfirm ko na, gusto ko na sabihin sa'yo. Ayaw na kitang pakawalan, I want you to be my girlfriend. So Kylie, pwede ba kitang ligawan?"

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon