Chapter 22

15 1 0
                                    

KYLIE'S POV

Tumakbo ako sa kwarto ko at sinara agad. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang super bilis na pagtibok ng puso ko. My gosh, ngayon ko lang 'to naramdaman ah! At mas grumabe pa ngayon. Huhu, bakit ganito?!! Hindi ko naman pinangarap na makaramdam ng ganito. Feeling ko anytime sasabog ang puso ko sa sobrang bilis at lakas ng tibok.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong. Pinilit kong matulog para naman hindi ko masyadong maramdaman yung nararamdaman ko ngayon. Pero sa pagpikit ko nakikita ko ang mukha ni Jeremy.

Ang mukha niyang umiiyak na akala ko hindi niya kayang gawin.

Ang mukha niyang malungkot habang nagkkwento ng mga pinagdaanan niya.

I never expected that to happen. Akala ko, isa lang siyang typical na lalaki na masama ang ugali, mayabang, masungit, cold-blooded, masakit magsalita, at judgmental.

Sa sobrang daming masasakit na salita ang nasabi ko sa kanya, I felt more than guilty. I judged him instead of knowing him more. Ang sama din pala ng ugali ko.

Hay!!! Basta bukas isasama ko siya. Iccheer ko siya at ipapakita ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na lagi akong nandito para damayan siya.

**

Nagising na ako. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa nahihirapan akong matulog dahil pag pumipikit ako, nakikita ko pa din ang mukha ni Jeremy. Badtrip!!

Kaya naman bumangon na ako at tumingin sa relo sa may tabi ng kama ko.

O________________O

WHAAAAAAAT?!! 11:35 na?!!! Grabe naman!!

Kaya nag-ala ninja akong tumayo sa kama ko at dumerecho sa walk-in closet ko at naabutan ko dun si ate Era.

"Gising na po pala kayo, Ms. Kylie. Good morning po." sabi niya sa akin.

"Ate, bakit di mo ko ginising?? Nakakahiya naman kina Mr. Crisford." sabi ko. Hala, nakakahiya naman kasi talaga!!

Napatawa si ate Era, "Sabi po ni Master, okay lang daw po na wag ko na kayong gisingin. Kasi alam niyo kung nakita niyo lang ang itsura niyo, di niyo din po gugustuhin na gisingin ang sarili niyo. Tsaka eto po ang first day ng sembreak. Naiintindihan po ni Master na sobrang pagod at puyat ang pinagdaanan niyo nung exam week. Kaya, okay lang po sa kanya." sabi naman niya.

Tumango nalang ako dahil wala na akong irreact sa sinabi niya. Kaya naman naligo na ako at isinuot ang pinrepare na pambahay ni ate Era para sa akin. Bumaba na ako para makasamang maglunch si Mr. Crisford at si Courtney.

Pero wala si Jeremy. Asan kaya siya? Nagusap lang kami kagabi ah.

Hindi na ako nagtanong at hinayaan nalang. Kumain nalang ako. Maya-maya ay tinawag ako ni Mr. Crisford.

"Kylie, aalis ka daw mamaya?" tanong niya.

Tumango ako, "Ah, opo. Kasama ko po si Ria at Lyle. Tsaka niyaya ko po si Jeremy. Pumayag naman po siya na sumama sa amin." nakangiting sabi ko.

"Okay. Umalis si Jeremy, pero maya-maya ay nandito na din yun." sabi naman niya.

Pagkatapos ko kumain ay dumerecho na ako sa kwarto ko. Naisipan kong mag-ayos ng gamit ko. Medyo madaming damit din ang dadalin ko dahil one week din kaming mag-stay dun. Kasama ko si ate Era na nagaayos ng gamit.

Actually, siya ang nag-aayos. Pinapakita niya lang sa akin at tatanungin kung gusto ko yun at saka niya ilalagay sa bag ko. Bago pa nga niya magawa yun ay nagkasapilitan muna. Dahil sabi ko kaya ko na pero pinilit niya na siya nalang daw ang gagawa dahil ang trabaho naman niya ay alagaan at pagsilbihan ako. Ayoko pa sanang pumayag pero napilit niya ako. Haay. Feeling ko talaga di ako masasanay sa ganitong buhay. =____=

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon