Chapter 7

15 0 0
                                    

KYLIE'S POV


Andito na kami sa likod ng bahay namin. Tinitingnan ko lang siya na parang inaassess ba, yung ganun. Psh. Ano ba kasing problema netong lalakeng to? Hindi pa ba siya uuwi? Psh. 



"Hoy ikaw! Ano ba talagang balak mo sa buhay ha?! Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa dito ah! Umuwi ka na nga at baka hinahanap ka na ng lolo mo dun eh!" sabi ko.


"I can't." sinabi niya. Ano?! 


"Ha?! Anong you can't? Eh bahay mo yun ah?!" jusko. Nasstress lalo ako dito sa lalaking 'to eh.


"Hindi ako pwedeng umuwi dun sa bahay namin na hindi ka kasama! Kukunin ni Lolo yun kotse ko!" what?! Dahil lang sa kotse hindi siya aalis dito?! Seryoso ba tong taong to?!


"Dahil sa kotse mo?! Ang yaman mo naman! Kung tutuusin anytime pede ka naman bumili ng bagong kotse eh! Tsaka hindi na ko babalik dun sa inyo. Hindi na kita kayang pakisamahan. Parang ngayon, nang dahil lang sa kotse mo eh guguluhin mo na ko! Sige na! Umuwi ka na!" sigaw ko pa sa kanya.


"It's not just a car! Special yun sa akin! Kaya kung gusto mong umalis ako dito, sumama ka na sa akin!" sigaw niya.


"Pare-parehas lang ang kotse! And hindi na ko sasama sayo! Pakisabi na lang sa lolo mo na salamat na lang and sorry. Pero hindi na ko babalik dun." sabi ko.


"Fine! Dito muna ako hangga't di ka bumabalik sa bahay!" tapos kinuha niya yung cellphone niya. "Hello yaya. Pakisabi sa driver dalhan ako ng damit dito... Damihan mo na, hindi ko alam kung kelan ako magtatagal dito... Opo... Pakisabi na din kay Lolo... Opo... Salamat..." tapos binaba niya na yung phone. "Hindi ako aalis dito sa bahay niyo hangga't di ka sumama! Understand?!" tapos ngumisi siya.



Aish! Akala ko nakalaya na ko sa judgemental na lalaking yun pero di pa pala! Arrgh! Nasstress talaga akooooo! 



Pumasok na lang din ako sa loob at nadatnan ko dun si Jeremy na nakikipaglaro kay Marky. Naglalaro ata sila nung textcards ba yun? Yung may hawak silang tigisang cards tapos mag-aapir sila tapos malalaglag yung dalawang cards, tapos kung sino yung nakataob na cards, talo. Gets? Basta yun na yun. xD



Napatitig ako sa naglalarong si Jeremy. Tuwang-tuwa siya. And ito ang first time na nakita ko siyang tumawa. Opo, tumawa. Yung ngiti na may sounds. He laughed. The monster laughed. And hindi ko nga na maikakaila na gwapo itong taong to. And the way he plays with my baby bro, he seems friendly. Pero bakit wala siyang friend? Loner siya lagi sa school. Actually, payag na sana ako kaibiganin siya, kaya lang ang sakit lang nung sinabi niya kaya nagbago isip ko.







The Next Morning...

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon